fbpx

5 Major Reasons Why Former Account Officer Pursued Freelancing

April 21, 2021
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

I'd like you to meet Jenalyn.

She's a former Account Officer.

But chose to become a Freelancer.

For 5 reasons:

- She can earn money in the comfort of her home.
- She can work on whoever she wants to work with.
- She can have her own time and doesn't need to please anyone.
- Less stress, no 4 hours of travel back and forth,
- She believes that she can give more, and it helps her to discover who she truly is.

Relate much?

But after 1 year of freelancing...

Was she able to accomplish all these?

How did she find her first client?

What are her challenges as she moves from corporate to freelancing?

Find out on this replay.

Introduction

Find out why she decided to quit her job as an Account Officer and how she discovered freelancing. You’ll also witness how she found her first client after watching the 5-day free course by VA Bootcamp.

Get inspired by Jenalyn's work ethic, good attitude, and a positive mindset.

 

Notable Quotes

  • Malaki po talaga yung naitulong sa akin ng VA Bootcamp, kasi hindi naman po kasi pwede mag-rely ka lang sa training ni client kasi busy din po sila eh. At saka po para mas meron ka pa po mai-offer na services dun sa client mo. 
  • Gusto kong i-upgrade yung sarili ko na hindi lang ako General Virtual Assistant. Gusto ko meron akong mai-niche down, kung ano po talagang gusto kong gawin. Kasi 'di ba po lagi naman natin sinasabi sa iba na, mag umpisa ka muna sa General Virtual Assistant kasi hindi mo pa naman alam yung ini-niche down mo.
  • Kapag newbie ka po talaga like me, hindi ko talaga alam kung saan ako magni-niche down. So kaya po ako nag-enroll sa VA Bootcamp kasi gusto ko meron akong sariling niche, gusto kong i-upgrade yung sarili ko na, from dito naging dito na ako. Yun po 'yon.
  • Kasi sa freelancing, ang batayan diyan skills, kung paano mo ima-market ‘yung sarili mo. So patience, patience lang talaga. At yung willingness po na mag-aral ng mga skills, kasi syempre dapat po kasi may timeline tayo. Kung sa isang skills nandito ka, timeline-an mo yung sarili mo, kung kailan mo siya matatapos. Then after nun, i-practice mo siya. Pag na-practice mo na siya at okay ka na doon, mag-upgrade ka na sa ibang skills, para mas dumami ba ‘yung skills na meron ka, tapos mas marami yung mai-offer mo sa clients.
  • Kahit may client ka na, wag kang tumigil mag-aral. Mag-aral ka lang nang mag-aral, para ‘yung skills mo, yung nalalaman mo is mas mag-upgrade pa.
  • Mas nare-realize ko na malaki pala ‘yung mundo ng freelancing, na sa simpleng ganito, pwede mo siyang pagkakitaan. Sa simpleng skills na ganito, pwede mo siyang i-upgrade, pwede mo siya i-offer sa client ng mas malaki na rate, or package. 
  • Naisip ko na, hindi lahat nadadaan sa madalian, kailangan mo talagang mag-pursige, kailangan mo talagang i-discover yung sarili mo kung hanggang saan ka o kung hanggang saan pa yung kaya mo. Mahabang pasensya talaga ang kailangan, and effort kasi, kung ma-pasensya ka at wala ka namang effort, wala din. Wala ding mangyayari, kasi, "o sige mamaya ko na 'to, mamaya ko na 'to pag aaralan, pero kung hindi ka magte-take action, magsa-sana all ka na lang, magha-how ka na lang for every post. Walang mangyayari kasi hangga't nandun ka sa part na 'yon, hindi ka uusad, parang hindi ka magkakaroon ng idea, or hindi ka magkakaroon ng client, kasi yung sarili mo, hindi mo pinu-pursue. Kasi ang nasa isip ko po kasi lagi dati, mag-invest sa akin si client, kung magi-invest din ako sa sarili ko. 
  • Mag-take action po tayo. Kasi kung hindi tayo magte-take action, hindi tayo uusad talaga. Hindi tayo magkakaroon ng client, at saka po kung ang problema po natin is portfolio, madami po diyan na pwede nating gawing portfolio. For example, ako Social Media Manager ako, ang ginawa kong portfolio, gumawa po ako ng sarili kong Facebook page, nagagawa po ako ng mga valuable content doon. So portfolio mo na agad 'yon. For Facebook and Instagram, pag po napalaki mo yung followers mo, pag yung iyon pong Facebook page is tinututukan mo talaga siyang maigi, nagbibigay ka ng valuable content for the clients, kahit hindi sa client, kahit sino pong makakabasa noon, portfolio mo na po iyon. So parang hindi po excuse na, "Ay newbie ako, wala akong portfolio na maipapakita. Gumawa ka ng sarili mong portfolio. 
  • Iyong mga negative thoughts natin, i-turn natin siya into positives. Kasi mas makakatulong siya, kaysa ‘yung isipin natin yung mga negative, isipin natin kung paano natin siya itu-turn into positive.

Journey to Freelancing

  • She worked as an Account Officer in a microfinance company for four years. She was then promoted as a Unit Manager of a branch where she used to handle two to three staff. After less than two years, she transitioned from working in operations to an Administrative Assistant.
  • She quitted her job for those reasons.
  • She used to work from 6 a.m. until midnight, without getting overtime pay. 
  • She was no longer happy with her job as her self-esteem was getting low and found her new job as an Administrative Assistant more stressful than working in the field.
  • She discovered freelancing while she was still in her corporate job.
  • She learned freelancing after she searched the VA Bootcamp website on Google and got the interest to work as a freelancer.
  • Successfully found her first client on Upwork, despite not having prior experience as a freelancer. It was because she immediately took action after watching the 5-day free course by VA Bootcamp.
  • She decided to purchase a paid online course from VA Bootcamp and took it in just 2 months.
  • At first, she was hesitant to attend video call interviews but she overcame that fear because of her drive and determination to get freelance projects. She got hired as a General Virtual Assistant.
  • She has applied for several internships inside VA Bootcamp and even joined GHC to learn how to create cover letters and build a portfolio. 
  • She never stopped learning different skills even if she had already crafted her niche which is SMM or social media management.
  • Currently working as a Social Media Manager and Canva Graphic Designer. She is also doing mentorship for those who are new to freelancing.

Question and Answer

So what made you feel the need to level up? Why are you not satisfied? Ano 'yung dahilan kung bakit gusto mo pang mag kumuha ng paid course, gusto mo pang mag up ng skills mo, skill level mo?

Kasi po, gusto ko tumaas ‘yung rate, yung rate per hour ko. Gusto kong i-upgrade yung sarili ko na hindi lang ako general virtual assistant. meron akong mai-niche down, kung ano po talagang gusto kong gawin. Kasi 'di ba po ah lagi naman natin sinasabi sa iba na, mag umpisa ka muna sa general virtual assistant kasi hindi mo pa naman alam yung ini-niche down mo. Kapag newbie ka po talaga, like me, hindi ko talaga alam kung saan ako magni-niche down. So kaya po ako nag-enroll sa VA Bootcamp kasi gusto ko meron akong sariling niche, gusto kong i-upgrade yung sarili ko na, from dito naging dito na ako. 

Anong araw ng mga pahinga mo nung time na nasa account ka?

Sabado at Linggo po, iyon lang.

How long did you realize from general then mag niche ka na? 

Nung nag-intern po ako as social media moderator, kay Miss Mahar, sabi ko "parang gusto ko 'yon, yung magki-create ng content, pagkakitaan yung Facebook, ganyan. After po noon, binuild ko na siya ng binuild ‘yung portfolio ko dun sa social media management, then narealize ko eto ‘yung gusto ko. 

Were you not happy with your client, with your first client?

Masaya po ako sa client ko kanya kaso nga lang po, nakipag-break ako sa kanya kasi po low eh, parang nasakit ‘yung ulo ko. Ang hirap intindihin nung mga terms and conditions. So nakipag-break ako sa kanya parang yung goals ko po is hindi na-aligned sa kanya, sa services na meron siya. So 'yun po luckily po nakakuha ako ng two client, December 2020 then January 2021, 'yun po. Pareho siyang flexi-hours kahit anong gusto kong oras, makakapagtrabaho ako. Yung isa po is, dapat pag-gising niya tapos ko na ‘yung trabaho ko, eh 12 p.m. sa atin ang gising niya, so pwede ko siyang gawin ng gabi o kaya pwede ko siya gawin ng sa umaga.

How are you able to settle for a flexi-time job?

Yun po talaga yung gusto ko. Gusto ko mamili ng sarili kong client, kung sino yung gusto kong pakisamahan, kung sino yung gusto kong pagwork-an. Kasi sa cover letter pa lang po tinatanong ko na kung anong niche nila kung hindi man nakalagay dun sa job description para alam ko na po kung ipu-push ko pa ba siya o hindi na. So 'yun, ako po yung namimili ng client ko.

Where did you get that attitude? Saan mo natutunan 'yan?

May mga napapanood na rin po kasi akong mga YouTube tutorials at saka mga social media content creator na pinapanood ko talaga kung paano sila magtrabaho, so 'yun parang dun ko na din po naisip na pwede pala na ako mag decide kung sino yung client na pipiliin ko.

Was your experience able to contribute to your journey as a freelancer?

Yes po malaking factor po 'yon. Kasi kailangan talaga ng mahaba patience eh doon sa pagiging account officer eh. So dito sa freelancing, talagang dapat mahaba lang din yung patience mo sa pag-aaral. Kasi yun nga po sa pag-aaral at sa pag-aapply, paggawa ng cover letters, mas dapat po kasi yung patience natin is mahaba talaga kasi, kung tayo po ay hindi ma-pasensya, wala, hindi tayo makakuha ng client. Kasi sa freelancing, ang batayan diyan skills, kung paano mo imamarket ‘yung sarili mo. So patience, patience lang talaga. At yung willingness po na mag-aral ng mga skills, kasi syempre dapat po kasi may timeline tayo. Kung sa isang skills nandito ka, timeline-an mo yung sarili mo, kung kailan mo siya matatapos. Then after nun, ipractice mo siya. Pag na-practice mo na siya at okay ka na doon, mag-upgrade ka na sa ibang skills, para mas dumami ba ‘yung skills na meron ka, tapos mas marami yung mai-offer mo sa clients.

Hindi ka naman nanibago nung nag transition ka from your corporate job to freelancing?

Hindi po parang natuwa pa nga po ako eh kasi nasa bahay lang eh. Kasi compare doon sa 80% na field, compare doon sa 80% na nasa area ka, maghapon ka nasa area ka. Pero pagdating dito sa freelancing nasa bahay ka lang paupo upo ka lang. So natuwa ako, sabi ko okay pala ito, so sige i-pursue natin.

Ang pinaka nakaka-insulto is kailangan mong mag start over to prove yourself again? Were you angry that time?

Hindi naman po sa angry yung nafeel ko pero parang bumaba yung self-esteem ko na galing ako sa operation, alam ko kung ano yung ginagawa sa operation pero bakit pagdating dito, wala? Kailangan kong patunayan pa rin yung sarili ko? Ilang years ako sa operation, pero pagdating doon sa pagiging admin assistant ko, parang bumaba yung self esteem ko na kailangan ko na namang patunayan yung sarili ko.

There are some stages in your freelancing career na kailangan mong patunayan ang sarili mo, did you ever feel like, hindi mo ba naramdaman yung pinaramdam sa'yo ng company mo?

Naramdaman ko po siya nung ano pa lang ako bago pa lang ako kasi syempre wala pa po akong portfolio, so hindi ko pa alam kung paano ko ibi-build yung sarili ko sa client. Hinihingan ako ng client ng experience pero wala ako maipakitang experience as VA. So ang lagi ko sa kanilang sinasabi, ‘yung experience ko sa corporate, na pwede kong i-incorporate doon sa kanilang business. For example, kailangan nila ng customer service. So bilang ako, bilang sa operation, kaya kong makipag-usap sa mga tao kasi nasa field ako ng ilang years, so kaya ko din sa freelancing. Yung mga positive tricks or yung positive na ginagawa ko po doon sa corporate, ginagawa ko siya into freelancing, nung newbie po ako, kaya po siguro medyo luckily nakakuha ng client.

Were you ever like that? Ganyan ka ba nung simula talaga na mataas ang lofty goals ka, mataas ang ambisyon mo?

Naku hindi po. Dati kuntento na ako kung ano lang yung nandiyan. Pero ngayon siguro yung habang tumatagal yung journey natin sa freelancing, mas nare-realize ko na malaki pala yung freelancing. Malaki pala ‘yung mundo ng freelancing, na sa simpleng ganito, pwede mo siyang pagkakitaan. Sa simpleng skills na ganito, pwede mo siyang i-upgrade, pwede mo siyang i-offer sa client ng mas malaki na rate, or package. So siguro po habang tumatagal talaga sa freelancing, kasi pag may gusto ako, gusto ko social media manager ako, pag naabot ko na yung social media manager, gusto ko maging social media strategist, so pag naabot ko na yung social media, another goal po ulit ng another goal.

How is life now that you are a freelancer?

Okay naman po sa ngayon kasi, nakakapag-celebrate na ako ng birthday ko, hindi na sa area pero dito na lang sa bahay. Kaso two times na po ako kasi pandemic, so dito lang sa bahay, bigay bigay sa mga kapitbahay ng mga handa, pero okay po ako ngayon kasi at least wala na ako sa area. Hindi na ako magse-celebrate ng birthday sa area.

Is it safe to say that your life has changed as a freelancer?

Yes po. madaming nagbago sa freelancing compare dun sa corporate. Kasi minsan sa corporate, hindi ako nakakauwi sa amin kasi nga may follow-up, lalo na kapag cutoff, pero ngayon hindi pa din ako nakakauwi kasi pandemic, pero okay siya kasi nga po siyempre sa panahon po ngayon, hindi na safe lumabas ng bahay, so thankful ako kasi may freelancing kasi kung walang freelancing, mag-aapply ulit ako sa iba, nasa ulit ako lalabas ulit ako. So parang inaano ko po yung sarili ko yung safety ko kasi syempre delikado na yung mundo ngayon, delikado na yung panahon ngayon kasi pandemic. So pag meron akong nakikita sa Facebook na "Uy nagtatrabaho sila. Hay salamat, nasa bahay lang ako. Nagtatrabaho ako."

Your attitude is really really nice, nagamit mo in life and in freelancing. Bakit nga ba? Ba't mo ang bait bait?

Hindi ko po alam. Siguro sa pinagdaanan ko din sa corporate, na kailangan talaga is mahaba ‘yung pasensya mo talaga. Siguro dahil doon parang naisip ko na, hindi lahat nadadaan sa madalian, kailangan mo talagang pursige, kailangan mo talagang i-discover yung sarili mo kung hanggang saan ka o ano pa yung hanggang, kung hanggang saan pa yung kaya mo. Mahabang pasensya talaga ang kailangan, and effort kasi, kung ma-pasensya ka at wala ka namang effort, wala din. Wala ding mangyayari, kasi, sige mamaya ko na 'to, mamaya ko na 'to pag aaralan, pero kung hindi ka magte-take action. Magsa sana-all ka na lang, magha-how ka na lang for every post. Walang mangyayari kasi hangga't nandun ka sa part na 'yon, hindi ka uusad, parang hindi ka magkakaroon ng idea, or hindi ka magkakaroon ng client, kasi yung sarili mo, hindi mo pinu-pursue. Kasi ang nasa isip ko po kasi lagi dati, magi-invest sa akin si client, kung magi-invest din ako sa sarili ko.

Based on your experience, what is your biggest advice that you can tell our audiences today?

Magtake action po tayo. Kasi kung hindi tayo magte-take action, hindi tayo uusad talaga. Hindi tayo magkakaroon ng client, at saka po kung ang problema po natin is portfolio, madami po dyan na pwede nating gawing portfolio. For example, ako social media manager ako, ang ginawa kong portfolio, gumawa po ako ng sarili kong Facebook page, nag-gagawa po ako ng mga valuable content doon. So portfolio mo na agad 'yon. For Facebook and Instagram, pag po napalaki mo yung followers mo, pag yung iyon pong Facebook page is tinututukan mo talaga siyang maigi, nagbibigay ka ng valuable content for the clients, kahit hindi sa client, kahit sino pong makakabasa noon, portfolio mo na po iyon. So parang hindi po excuse na, "Ay newbie ako, wala akong portfolio na maipapakita. Gumawa ka ng sarili mong portfolio. Yun po iyon.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply to Catherine Joy Cardano Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

82 comments on “5 Major Reasons Why Former Account Officer Pursued Freelancing”

  1. congrats ms jen. maganda ung attitude mo unlike ng mga bago ngayon na na bagong graduate gusto madalian pero wala naman napapatunayan sa work. Minsan pangit pa ng work attitude na na promote lang eh sobrang taas na sa sarili to the point na wala ng respeto sa mga senior nya at mayabang.

  2. super relate ako sa kwento ni jenalyn! Hindi ako makapag resign dahil sa panghihinayang sa bonus at natatakot mag start over ulit ehehehe. like her, Im working 12 hours per day tapos maliit sahod at walang OT. kaya super relate!! HAhahaha!

  3. Hi, just wanna say thank you for this opportunity to have free course. I really need this for my future plan specially when it comes to financial status I need eztra incone in order for me to pay my credits.I pray to God that hopefully, you are the answer of my drem.to be 1 of the VA's..Thank you...

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram