From Cargo Forwarding Manager To A Social Media Supernova - An Interview With Mitch Carandang

December 12, 2018
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Watch this JAS SUCCESS story, as Miss Anna Soriano interviews Miss Mitch Carandang on how she started her freelancing career, her journey from a former Cargo Forwarding Manager to a Social Media Supernova.

Find out how her ordinary life, brought up in a middle-class family, and a regular employee lead her path to become a successful freelancer.

Watch and be inspired by her story, how she struggled as a first-time mother and worked abroad away from her family.

In this interview Mitch  talked about:

✅ How Mitch Sends Her Kids to Private School Through Freelancing
✅ Mitch Got Scammed by Her First Online Client & the One Thing She Did to Succeed in Freelancing
✅ How She’s Able to Buy a Car For Her Family Within Less Than 1 Year of Working From Home

And a lot more…

Free VA Course for Newbies
FreeLancing In the Philippines (FLIP) FB Page
Subscribe to Jason Dulay's YouTube Channel

Notable Quotes:

  • Ang hirap magtrabaho habang nag-aaral.
  • Dumaan ako sa depression pero kailangan ko bumangon kasi may baby pa ako.
  • Gusto ko talaga na ma-aalagaan ko siya habang kumikita ako.
  • Nung nasa eroplano na ako dun na ako bumigay, sobrang iyak na iyak ako sabi ko ang layo layo ko na sa anak ko. 
  • Sabi ko, Lord bakit ba ang hirap hirap ng buhay? Ang hirap ng Pilipinas, wala kaming trabaho dun. Bakit kelangan kami mag ibang bansa para makapag provide kami.
  • Habang lagi akong nasa facebook, sa Internet nakita ko si Jason “Do you want to earn 80,000 a month working from home?”
  • May free course daw so nag enroll ako.
  • Nag enroll ako 2017, pumapasok na yung anak ko nursery na siya at yung asawa ko naman pumunta ng Dubai.
  • Natutuwa naman ako kasi naka graduate ako after two months.
  • Meron akong friend sa school, nag li-list daw sila sa Ebay. Luckily nahire ako so dun na ako nag start.
  • After 1 month, si sister Bong sabi niya “Sis diba Ecomm ka?” kasi sinabi ko sa kanya sa Ebay ako. Sabi niya “gusto mo mag apply dito?" binigyan nya ako nang link dun sa proximity.
  • So tatlo daw kami short-listed inuna daw nya ako tapos meron pa daw dalawa
  • Pagkatapos ng call namin hinire na niya ako so yun dalawa hindi na niya na interview
  • So yung client na yun paid yung training namin. Natutunan ko si Shopify kasi dati di talaga ako marunong sa Shopify so ayun nag dire-diretso na
  • Natuwa naman sila, happy naman siya.
  • So after a while siguro July dun na nagka problema yung asawa ko sa company nila.
  • Nung time na yun di ko alam na mawawalan ako ng client kasi nagsara sila tapos di niya kami binayaran.
  • Ni refer ako ni client number 2 sa isa pa na client, good words naman yung na receive ni client number 3 kaya daw siya mismo nag email sa akin kung interested ako.
  • Nakakatuwa kasi Ecom pareho tapos mina-manage ko yung Shopify nila. Tapos alam mo VA work.
  • Pag hindi mo pinanindigan, hindi mo maaabsorb.
  • May client local ako na ginagawa ko yung social media nila 
  • Ang skills daw hindi siya inborn talent, siya ay pinag-aaralan. Kung feeling mo diyan ka mag sa succeed, aralin mo.
  • Ngayon na nag wo work na ako talaga as a freelancer, marami nabago sa buhay ko, siyempre una hindi pa man ganun kalaki sweldo ko, as 6 figures pero sobrang nakatulong yun sa pag aaral nang mga anak ko, hindi kana yung naka nganga na naku pano kaya sa isang araw, na ganun.
  • Thank  you Lord, kasi parang akala nung iba busyng busy ako pero nagagawa ko siya nang hindi ako parang paloka loka na yung ano.
  • Bawal ang sabihin mahirap, kasi kailangan dapat kaya.
  • Sabi ko nga kay Jason, salamat sa kanya kasi pumayag siya na maging channel of blessings ni Lord sa mga Filipino na gustong magkaroon nang opportunity to work from home without leaving the country, without leaving the family. Kasi malaking bagay talaga yun, lalo na tayo na family bonded and parang napakalaking bagay na meron palang ganito na discover mo na may tutulong sayo.
  • Yung advocacy nya na tumulong, nandoon talaga. Kwento ko nalang, yung pinuntahan ko kasi, hindi ko yun alam sa BGC. Hindi ako sanay mag Maynila, so hindi ko alam. Nag google map ako tapos internet, naubos yung battery ko so lowbat ako. Tapos nung nagkita na kami magpipicture sana kami tapos sabi ko, ay lowbat ako sayang, sabi ko. Sabi niya, ay meron ako dito powerbank, pinahiram. Natutuwa ako sa kanya.
  • Na compare ko tuloy yung powerbank niya at cellphone ko sa freelancing kasi tayo as tao minsan nalolowbat tayo di bah? Napapagod tayo sa mga problema, stress or whatsoever na mga nangyayari sa buhay natin. Pero may dumadating na mga tao na mag recharge sa atin. Parang meron siyang gagawin para meron siyang maging impact sa buhay mo para ma recharge ka. Para maipagpatuloy mo kung ano yung dapat gawin mo. Wag kang titigil, wag kang susuko parang ganun.
  • Kung kailangan nyo nang tulong, mag invest kayo sa sarili nyo, yung time. Mag invest kayo para sa sarili nyo para mapag aralan ninyo yun kasi it  will help you a lot, sobra. 

Mitch’s Journey to Freelancing

  • She came from a middle-class family.
  • She worked in a Pawnshop as an Appraiser and Custodian.
  • She worked as a Cargo Forwarder for 13 years.
  • She got married and stayed with the company for a while.
  • She stopped working when she got pregnant due to stressful pregnancy.
  • She went abroad after having a baby to work.
  • She worked in an Insurance company in Dubai.
  • Travelled back to the Philippines and got pregnant for another child.
  • She enrolled in VA Bootcamp  in 2017.
  • Finished the course after two months and got hired after 1 month as Ebay lister.
  • She was an E-commerce VA but then transitioned herself into Social Media Supernova.
  • Now working as a successful Freelancer in the Philippines.

Q&A Highlights

Ano muna ang buhay bago ka naging isang supernova?

This is Mitch, galing ako sa isang middle class na family. Hindi naman kami mayaman, hindi rin kami sobrang mahirap, tama tama lang. Nanay ko kasi isang plain housewife. Dad ko nagtatrabaho, electrician siya. Nung nag college ako medyo nararamdaman ko na rin, kasi nag working student ako, so nag tatrabaho ako habang nag aaral. Appraiser sa isang pawnshop. Tagabantay nang volt, parang custodian ang tawag nila dun. Ilang buwan din ako dun, pero nahirapan ako kasi ang hirap magtrabaho habang nag aaral. Anyway, nag resign ako. After na ilang panahon nagkaroon ako nang offer sa Dubai. Dapat sa cargo din, kasi yung tita ko may asawa, may-ari sila nang isang forwarding company so nung nag apply na ako, may visa na ako. Hindi ako naka alis kasi meron akong problema sa lungs noong dalaga pa ako. Sabi ng forwarding company, na sigi i absorb nalang muna namin ikaw for the meantime baka pwede ka pa ulit bigyan nang visa and then aalis ka ulit. So, nag trabaho ako dun and hindi ko rin naman ini expect na tatagal ako nang sobrang tagal kasi parang na enjoy ko na rin yung trabaho ko. Naging receptionist ako, tapos sa accounting. Oo naikot ako kasi maliit lang yung company. Tapos napunta ako sa operations, hinahawakan namin is mga balikbayan boxes from OFW, sa middle east. Tapos, kami nag didistribute dito sa Philippines. Ang hinahawakan ko Visayas/Mindanao so ang lagi ko mga kausap taga Visayas, taga Mindanao. Napamahal din sa akin kasi doon ko na appreciate na yung mga balikbayan boxes na galing sa ibang bansa kami yung extension nang love nang mga OFW. I mean nang mga OFWs sa mga family nila kasi alam namin kung gaano nila pinaghirapan yung mga boxes na yun, kung gaano nila inipon yun. Na enjoy ko siya kahit hindi naman ganun kalaki yun sweldo, parang na enjoy ko na rin. Pero nung nagka edad  na ako, kasi 13 years ako dun, ang tagal. Nakaramdam din ako nang pagod. Bago ako nag resign, naka pangasawa nga ako. Sa chat kami nag meet. Nagpakasal kami, di rin naman kami agad nagka baby, so nag stay ako dun sa company. So nung nabuntis na ako, hinihintay hintay ko talaga yung baby na yun, medyo delikado kasi may edad na ako nun. So nag decide kami na mag stay nalang ako dito sa Laguna. Hindi na rin ako nag isip masyado nun kasi iniisip ko mas priority ko yung baby. Gusto ko healthy siya, ayoko naman na magka problema. Nag spotting ako nun kasi stressful nga sya. Sabi ko kailangan mag decide na ako talaga, nung nandito na ako at nung lumabas na yung baby namin, asawa ko lang nag tatrabaho nun. Struggling at surviving kami noon na mag-asawa. Dumaan ako nang depression pero kailangan kong bumangon. Walang ibang opportunity, di ko alam na may freelancing. So nag apply ako, luckily mabilis naman ako na hired. Work sa insurance company, taga cancel kami nang mga policy ng mga kotse. After ilang linggo, ma assigned ako sa ibang lugar nang Dubai, sabi nang kapatid ko pag dun ka pupunta ayokong pumayag kasi baka kung mapano ka dun. Uwi ka nalang ulit pag ok na visa balik ka. After nun umuwi na ako, nasa Pilipinas na ulit ako. Nabuntis ulit, naghirap tapos nagtitinda ako sa online. Nag dropshipped ako. Habang nag internet nakita ko si Jason, so nag enroll ako nang free course. Nag enroll ako 2017. Nag aaral ako at nag aaral anak ko. Naka graduate ako after 2 months. Yun na nag apply ako sa upwork, na approved naman kaagad. Naka pag apply ako at may reply din naman pero hindi ako nag focus sa Upwork. Na hired ako sa iba sa ebay listing. After 1 month, si  sister Bong , “o sis di ba E-comm ka gusto mo mag apply dito?" Naka apply ako and then na hired na after sa interview. Natuto ako sa shopify. After a while, nagkaproblema company nang asawa ko. So pinauwi ko na sya. So nung time na yun, hindi ko alam mawawalan ako nang client, si client no.1 sa Ebay. Kasi nagsara sila tapos di na niya kami binayaran. So nagkaroon naman nang client no.3, referred by client no.2. E-comm pareho, tapos i mamanage ko yung Shopify nila. Va work.

E-com ka pala na focus, paano ka napunta kay social media? Paano ka naging Supernova?

Actually, pinanindigan ko lang din yun. Pag di mo pinanindigan, hindi mo ma aabsorb. Kasi may mga client local ako na ginagawa ko yung social media nila. Nag ha handle, posting posting ganun. Tinutulungan ko sila, yung iba may bayad, yung iba wala. Okey lang, parang pinapraktis ko din yung skills kasi sabi nga nung isa kung mentor si John Pagulayan, ” Ang skills daw ay hindi siya inborn talent, kailangan siya pag aralan." So kung feeling mo dyan ka mag sa succeed, aralin mo. Ngayon na nag wowork na ako talaga as a Freelancer, marami nabago sa buhay ko. Siyempre una hindi pa man ganun kalaki sweldo ko, as 6 figures pero sobrang nakatulong yun sa pag aaral nang mga anak ko. Hindi kana yung naka nganga na naku pano kaya sa isang araw, na ganun. Tapos, ayun okey naman.

Si husband ba ina ano mo rin na mag freelancer?

Oo, ina outsource ko sa kanya yung mga gusto niyang gawin.

So pareho na kayong Freelancer?

Oo pero siya kasi ngayon, kinuha siya nang brother nya sa isang branch nang business nya, yung carwash. Siya nag manage dun and then pag may time nag lilisting siya.

So ngayon na e-enjoy mo na yung time mo with kids bilang isang work from home na?

Oo, totoo yun kasi halos ilan na client ko na hinahawakan tapos nag ca-cater pa kami. May catering kami dito. So sabi ko, Thank you Lord, kasi parang akala nung iba busyng busy ako pero nagagawa ko siya ng hindi ako parang paloka loka. “Bawal ang sabihin mahirap, kasi kailangan dapat kaya.

Ano ang pwede mong e share sa mga newbies?

Sa mga aspiring na mga freelancers kung gusto nyong matuto, meron ang VA bootcamp nang free course. Punta kayo dun tapos enroll kayo. Kung kailangan nyo nang tulong, mag invest kayo para sa sarili nyo para mapag aralan ninyo yun kasi it  will help you a lot, sobra.

Sa mga ina antok, lagi kayo bumalik sa mga big Whys nyo, bakit kayo gustong matuto, bakit kayo nag enroll, bakit kayo gusto mag trabaho online. Kasi if you will go back palagi, kung ano man yung reason nyo mapu push talaga kayo na matapos yung gusto nyo at marating yung gusto nyong marating. Walang susuko.

Paano maging social media manager?

Magpa-patakbo ka nang Facebook or mga Social media accounts nang clients. Paano maging? Mag-aapply ka rin.

Kapag di masyado techy, ilang months po bago matuto at makahanap nang work?

Kung halimbawa hindi ka techy tapos nag aral ka nang bootcamp,kasi may mga activities dun, may mga tips. Kahit hindi ka techy, nandyan si google, nandyan si youtube. Mag search ka nang mag search.

Miss Mitch, ano pong course na take ninyo, accelerated po ba?

Starter.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

151 comments on “From Cargo Forwarding Manager To A Social Media Supernova - An Interview With Mitch Carandang”

  1. hello ma'am Mitch we have the same background in the logistics industry and i quit my corporate job as a logistics supervisor 1 year ago and now i work as Virtual Freight Broker for US base logistics/Trucking companies and yes working at home is the best.

  2. Very proud of your Supernova achievements Mitch! Very glad that you applied to the position way back when. So happy to have finally met you in the Laguna meetup and our Christmas party. See you again soon 🙂

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram