Inspiring Story of an OFW: Caregiver na, Online Freelancer Pa!

October 28, 2020
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

"If there's a will, there's away."

Agree?

And this rings true for Den.

She's a caregiver in Taiwan who's been wanting to go back home for good.

She also does freelancing work for 2 years now.

And here's what she shared with us.

*"Pwede na kong umuwi soon."*

If you're wondering...

What's her secret?

Paano nya napagsasabay ang pagiging caregiver at freelancer?

Watch this replay here.

I . Introduction 

Check out this Video as Dehn Torrefiel shares with us her Caregiver OFW-freelancing journey.

You will learn her early struggles of being an OFW, while slowly learning her way of doing freelancing. She will share with us tips on how she was able to manage and build a successful freelancing career while being an OFW Caregiver in Taiwan. 

Dehn will share her work ethics, mindset, and ways of handling her full-time day job abroad and freelancing career, and learn how you can apply it to your own freelancing journey. 

Notable Quotes

  • Malaking tulong talaga ang freelancing. Nakakabili ako ng gusto ko online. Malaking tulong sya, kasi iba yung sweldo ko dito sa day work ko tapos may sweldo pa ako every 2 weeks sa freelancing work ko.
  • Kasi yung networking kailangan mo I-sales talk yung client. parang niloloko ko yung sarili ko. Parang kailangan ko silang lokohin, yung parang ganun. Ibang iba ang freelancing sa networking. Sa freelancing kung masipag ka mag aral, magresearch, magiging successful ka.
  • Na-bitin kasi ako doon sa 5-day course. Tapos nag try ako mag research at mag Google, Youtube. Pero parang hindi sapat, kailangan mo ng mahabang oras. Dito kasi sa VABootcamp, Naka-organize na yung mga lessons ni Sir Jason. So, alam mo na yung aaralin mo, alam mo na yung mga dapat gawin. He will teach you how to apply and how to compose proposals sa mga client. 
  • Sa una may kaba kasi yung client mo is foreigner, US, Canada. Pero pinakita ko lang yung best ko. To show, that okay naman yung work ko and kaya ko gawin yung mga ipapagawa nila. Kakayanin. 
  • Hindi ko na tinapos yung buong course kasi nalilito na ako. Kung ano yung na-pagaralan ko, yun na yung ina-apply ko sa client. Tapos the rest sinabi ko saka nalang ‘pag uwi ko sa Pilipinas. Para magkaroon ako ng time makapag focus sa mga bagay na gusto ko gawin. 
  • Yung mga baguhan, hindi ninyo kailangan aralin lahat agad, kasi hindi ninyo naman ma-apply. Piliin ninyo lang kung saan kayo kumportable magwork. Tapos saka nalang yung iba. Saka ninyo na lang isipin yung mga hindi ninyo pa natapos.
  • Dapat po talaga mahalin ang trabaho. Kasi kung hindi mo mamahalin, hindi mo sya tatanggapin sa buhay mo. Parang gusto mo na bumitaw agad. Kapag hindi mo mamahalin, hindi ka magiging masaya. Parang magiging everyday stress. So, tinanggap ko ang trabaho ko.
  • Napaka Importante ng oras dito sa Taiwan, talagang bawat minute importante, parang na adapt ko na din. Yung mga chinese mayayaman, bakit? kasi masisipag sila. Napaka importante ng oras sa kanila. Hindi nila sina sayang yung oras. Nagta-travel sila, oo, pero mas marami parin oras yung work sa kanila.
  • Huwag kayo susuko, yun lang. Kasi kung sumubok kayo, tapos nareject, tuloy lang. Wala namang mawawala. Kailangan natin makahanap ng trabaho para sa pangangailangan ng Family, pangangailangan natin. So, kung susuko kayo, ano na mangyayari? Dapat, tiwala sa sarili, laging mag pray, yun ang pinaka importante. Lagi samahan ng pray. Noon nanonood lang ako JasSUCCESS. Sabi ko one day makakaupo din ako diyan. Tapos eto na ako ngayon. 

Dehn Torrefiel’s JOURNEY TO FREELANCING 

  • A mother of two kids, she started working abroad in 2009 up until this date.
  • She started looking for another way of earning money. She tried doing multi-level marketing only to find out that it was not a sustainable source of income.
  • She went home to the Philippines in 2014 and applied for another job abroad. In 2015, she was accepted and flew to work in Taiwan as a Caregiver. 
  • In 2017, she found an advertisement for a Freelancing Course by Sir Jason. However, she was taken aback due to the high registration fee and thought that it was just another networking scheme.
  • In 2018, due to her curiosity, she joined the freelancing community and began inquiring. She finally enrolled in the course. Few months after she enrolled, despite not finishing all course content, she already got her first client. 
  • Her job requires her to wake up at 7 am and tend to her patient. After that, she will immediately continue to work with her freelancing clients. Some clients require her to be up from 9 pm to 1 am.
  • Up until this date, she was able to find clients and work as a successful freelancer while working on her full-time job as a Caregiver. She was able to earn a significant amount of income doing her freelancing work. 

Question and Answer

Could you tell us more about why are you disappointed with your first client at UpWork?

Noong una, nagpapasa ako ng mga proposals, nag a-apply ako, nag re-reply naman sila. Pero may mga times na pinapagawa ako ng sample task. Then, natagalan sya sa sample task ko, na late ako magpasa. So sinabi nya na lang na, we can try another time. Pero after noon, hindi naman ako nawalan ng pagasa. Madami naman kasing client dyan na nag hahanap.

How were you able to manage na inaasikaso mo yung anak ng amo mo, and yet nakakapagaral ka parin, paano mo nabalanse yung oras mo? 

Yung work ko dito sa alaga ko, 7am to 10 am, kailangan tapos ko na siya linisin at na pakain. Yung mga work ko kasi is flexible time. So, if tapos na ako by 10 am, nagstart na agad ako dun sa isang client, tinatapos ko na sya. After noon, pupunta muna ako sa alaga ko kasi kailangan ko sya i-change position every 2 hours. Then balik agad sa work. Ayun, pa ulit ulit, everyday yun. Ayun lang, basta matapos ko lang trabaho ko sa client, wala naman problema. 

Yung amo ko naman sa day-work ko, wala naman problema sa kanya na may iba akong trabaho. Minsan nga nandito siya nag ta-trabaho ako. Sabi nya naman na okay lang ako mag work naiintindihan nya. sinabi ko naman sa kanya na I have to earn more money. Kasi yung pera na kinikita ko, hindi sapat. So, kailangan ko maghanap ng ibang source ng pagkakakitaan. So, pumayag naman siya.

Ang sabi mo nga na ang dami dapat pagaralan sa VA Bootcamp, what did you do? Did you just select the courses na gusto mo pagaralan and you skipped the rest?

Yung accelerated course po natapos ko naman po lahat. pero nung nag update ako sa complete package hindi ko natapos lahat.

Ilang hours ang dine-dicate mo sa pagaaral? 

Noong first package halos, hindi na ako natutulog. Parang gusto ko everyday ako nag-aaral. Parang gagawin ko lang yung day work ko, then babalik agad ako sa pag aaral.

When you are making negotiations with your client, Ano ginagawa mo? Sinasabi mo ba na kailangan Flexi-time ka?

Hindi naman, contract po namen is 9 pm to 1 am, pero may mga pinagagawa siya sakin na extra work, na umaabot talaga ako ng umaga kasi kailangan ko tapusin. Lahat naman po ng pwedeng pagusapan mapag-usapan, mapagkakasunduan, lalo na kay client. Alam po nya at sinabi ko na may trabaho ako sa umaga. So minsan kapag nag message sya sakin hindi ko agad mareplyan. Wala naman problema sa kanya. After ko ng day work, saka ko gagawin. 

Minsan umabot ako gising hanggang 5 am, tapos kailangan ko gumising ng mga 7 am. 

May nangyari ba sa’yo na nagsisisi ka na pumasok ka sa freelancing?

Wala naman po, hindi ko pagsisisihan dahil kumikita ako ng pera. At saka sa mga client ko, hindi pa naman kami nagkaproblema pagdating sa salary. Masarap sa pakiramdam, kasi after 2 weeks may matatanggap kang pera.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

74 comments on “Inspiring Story of an OFW: Caregiver na, Online Freelancer Pa!”

  1. Den Torrefiel is giving away a , a PDF copy of "How to start freelancing when you have a full-time job".
    Just share this interview on your FB Wall, and comment “SHARED” to receive her FREE Gift.

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram