There's a person you need to meet.
Her name is Joyce.
A former factory worker, canteen helper, and fast food crew.
Now?
She's one of our successful freelancers.
Though not consistent yet, she's making Php70,000 to 6 figures every month.
Boom!
Would you believe, wala siyang laptop at Internet when she started.
How did she do it?
How did she go from zero to making 6 figures a month?
Does she have any strategies for getting clients?
Watch this replay to know her answers.
Introduction
Joyce Puro was a former computer shopkeeper, factory worker, service crew, and agency employee.
Her “never say die” attitude overcame every struggle she had faced on her journey of becoming a successful freelancer.
Learn from her story on how she became an eCommerce Specialist and landed multiple clients until today.
Notable Quotes:
Joyce’s Journey to Freelancing
Q&A Highlights
How long did it take you to endure before na nasabi mo na, “sandali, hindi na pwede eto” at “kailangan ko nang umahon”?
Actually, sa akin hindi sya tumatagal ng year. I mean, hindi naman sa lahat ng pagkakataon merong mga instances na kailangan mo talagang tiisin. So, hindi natin masisisi ang mga taong nagtitiis. Kasi hindi na man din yun madali na mag set ka sa sarili mo na, “hindi pwedeng eto na lang ng eto” pero kasi ako ang number one motivation ko is wag magutom. At saka ako kasi, I experience na walang makain sa loob ng isang araw. So, sabi ko pano if hindi eto yung trabaho ko? Parang hindi ko alam if kaya kong suportahan yung family ko. Kasi maraming nawalan ng trabaho, maraming nagsara ng business. Sabi ko, maganda rin pala may ganun kang attitude.
Sabi nila makuntento ka kung anong meron ka, pero ako kasi hindi ako naniniwala sa ganun. Pero mas maganda yung hindi ka naniniwala sa contentment, pero happy ka. Kasi pag nakuntento ka na lang kung anong meron ka, pano kung mahirap yung buhay? Tas kuntento ka na dun? Hindi tayo pare-parehas ng mindset pero isipin mo na lang kung ginagawa na nga ng iba eh, what if subukan mo. Wala namang mawawala. Pag hindi mo pa nasusubukan, hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kaya. Subukan mo muna. Kapag hindi mo talaga kaya at nasubukan mo na, at hindi mo pa rin kaya, dun mo sabihin kung kaya mo o hindi mo kaya.
Bakit ka naglakas loob na mag rent ng laptop?
Nakasanayan ko na kasi sya. Di ba, natatandaan mo sabi ko sa’yo, wala akong pang tuition pero naglakas loob akong mag enroll sa college. Pero humanap ako ng solution tapos iisipin mo pa yung tuition mo, yung pang araw-araw mo na gastos. Naglakas loob din ako na e-risk yung natitira kong pera, pumunta ng divisoria na wala naman akong idea kung mabibili ba yung cosmetic na yun. So, what is the most important things na magiging set mo sa mind mo is, kung gusto mong mag success, you need to take the risk. Kailangan susugal ka din talaga eh.
One thousand pesos malaking bagay na sa akin that time, pero bakit ko sya ni-risk na mawala dun sa sahod ko? Kasi naisip ko, what if maganda tong opportunities na to at pinakawalan ko? Nandito kaya ako ngayon? Kikita kaya ako ng ganito kung dun pa lang ni regret ko na o ipinawalang bahala ko na? Manghihinayang ako sa one thousand pesos kung ilang dollars naman yung kikitain ko.
Naranasan mo ba yung part na gusto mo nang mag quit sa freelancing?
Sa freelancing hindi ko naramdaman yung sumuko. Sa corporate, oo. Kasi sobrang hirap talaga. Hindi ko naman nilalahat. Pero dito kasi sa atin sa pilipinas, may discrimination pag hindi ka naka graduate. Hindi ka graduate ng college, hindi ka makakasahod ng magaganda. Pero sa freelancing yung gusto ko, pag nasa bahay ka lang, walang pakialam yung client even di ka graduate ng college. Lalo nga akong na energized sa freelancing. Lalo ko syang natutunan ngayon na marami palang pwede i-improve.
When you’ve discovered VA bootcamp and nakita mo yung ads, hindi ka ba nagmarunong na “ay hindi, alam ko yan, ginagawa ko na yan eh”. Were you even more interested discovering your potentials?
Hindi. Mas na curious ako lalo. Kasi sabi ko, nakakapag ads sila. Dati tingin ko sa mga nag ads, high paying yun. Pag may mga ganun, ibig sabihin ok yung industry na to . For me kasi, kahit na siguro sobrang galing mo na sa freelancing o sa isang bagay, may mga kulang pa rin na skills. Kasi everyday nag i-improve ang system sa internet, nag i-improve yung mga ginagawa mo before, baka hindi na yung latest version. So, kailangan mong wag tumigil. Tulad sa amazon, alam ko syang gawin pero maraming secrets pa dyan.
Sa experience mo, kailangan ba ng experience talaga to become an ecommerce VA?
Mapalad lang ako na nagkaroon ako ng experience pero for my personal opinion, hindi. Kasi ba’t naman sa corporate pag nag apply ka ba may experience ka na kaagad? Kasi matutunan naman yun eh. Hindi naman nilalahat pero may mga i-ilan kasi sa freelancing na pag wala kang experience nadi-discourage ka na. Pag ganyan yung mga taong nakakausap mo, hindi ka talaga makakapag umpisa.
In your experience, was there ever a time na kailangan mong i-reveal ang iyong educational background sa client mo?
Meron. Mostly, mga ganung humihingi ng educational background is mga agencies. Marami kasing klase sa freelancing, may agencies, may direct clients, so ang natutunan ko din ngayon ay hindi na ako tumatanggap ng agencies kahit invites. Kasi, sorry hindi ko din nilalahat, kasi basis nila yun, policy nila yun, so wala ka naman ring ikagalit sa mga nagha-hire. Pero the good thing is, kung makakahanap ka ng direct client, na hindi sa agency, mas maganda. Actually, yung mga hindi naghahanap ng educational background direct client.
What is your niche right now? Are you fine-tuning your niche now?
Nag focus talaga ako sa ecommerce like Amazon, Ebay, and then Shopify ngayon merong i-ilang clients.
What made you decide on eCommerce?
Hindi ko naman sya denecide eh, yun yung experience ko and I love selling. Parang natutuwa ako na we’re doing the business ni client para kang nag b-business. Yung ginagawa mo sa client mo pag nasa ecommerce ka, pwede mong gawin sa sarili mong business yun. So, magandang opportunity sya lalo na ngayon kasi super in demand ang ecommerce.
Paano makahanap ng direct client since you recommended na maganda pag direct client?
Kahit saan may mga direct client. Malalaman mo kasi kung agency yung a-aplyan mo kasi sa posting. Sa atin kasing mga freelancers, alam mo na kung ang nag post na yun ay si HR or yung mismong client. So dun pa lang, alam mo na kung direct client sya. Pero hindi ko dini-discourage na wag kayong mag apply sa agency ha. Maganda rin ang agency kasi stable. Pwede ka nilang hanapan ng client kapag wala ka na dun sa client account na yun. Personal opinion ko lang na ayaw ko na ng agency.
Nag provide po ba ng trainings ang clients once na ma hire ka?
Pag ang front mo is experienced ka na, ang i-train na lang sa’yo ni client, yung mga tools na hindi mo alam. Pero kapag yung front mo ay beginner ka, na wala ka talagang experience pero gusto mong matuto nung niche na yun, sample etong ecommerce, may mga client na nag provide ng trainings. Kasi every clients paiba-iba yung system , iba-iba yung strategies. So, meron pa rin namang talagang trainings kahit saan naman. Kahit hindi sa ecommerce, kahit sa ibang niche.
Hindi ba scam ang ecommerce?
Actually, may mga tao kasi na ginagamit yung ecommerce sa mali. Nagpapabango sila masyado sa mga binibitawang details sa internet. Pero ecommerce is very true. Baka ikaw na lang yung naniniwala na hindi true yung ecommerce. Madaming kumikita ng milyon sa ecommerce. Merong ecommerce na naglalabas ka talaga ng pera, kung business owner ka. Lahat naman eh, kahit hindi ecommerce. Merong mga business na kailangan mo talaga ng puhunan. Pero meron sa ecommerce na laway mo lang puhunan, ang internet, equipment. Yun yung dropshipping na sinasabi ko. Maraming ways ang ecommerce.
What is the biggest advice that you can give to our audiences today?
Nung una, gusto kong e advise sa inyo yung ginawa kong solution. Aminin na natin marami talagang gustong mag start pero walang equipment, walang resources. Pero ngayon sabi ko pag ina-advise ko yung ginawa ko before, hindi na sya applicable kasi wala namang computer shop ngayon. So, ang ma advise ko sa mga walang resources, since mobile phone ngayon ang gamit natin tas may internet na nag lo-load ka . What if na dun pa lng, simulan mo na paunti-unti, single steps hanggang sa makakita ka ng client.
Sa phone lang maraming resources. Makakagawa ka ng resume, ng cover letter, makapanood ka neto ng webinar, makapanood ka ng free course. Pag wala kang pera, hindi ko sinasabi na i-risk mo din ha, a bright idea is kung meron kang mga lumang damit, gamit na hindi na ginagamit, what if mag live selling ka until maubos mo yung mga hindi mo naman kailangan. Maipon mo yung pera na yun, makapag provide ka ng laptop. Ngayon, in demand yung mga pautang, yung rent ng mga laptop, yun dun ka magstart. Walang nakakahiyang mag start sa ganun. Wag mong intindihin yung alam mong meron silang laptop. Bless sila eh. Bless sila na meron silang equipment at resources.
Wag nyo nang e mindset yung “wala akong resources” . Andyan na eh, internet na. Malawak yung internet. Maraming resources dun. Hindi ka nga lang marunong mag baking pwede kang mag youtube.
Dun naman sa mga “hindi ako marunong mag english”, “natatakot akong mag start kasi hindi pa ako confident”, Kailan ka mag start? Pag confident na confident ka na? Subukan mo. Hindi ka naman mamamatay kung isang beses pa lang ma reject ka na. Pero learnings. Pag na reject ka one time, alamin mo kung bakit ka na reject. Pero may mga client na nagbibigay ng feedback kung bakit ka na reject. Pero mostly wala kasi pag mga business owner hindi na nila pina pansin. Pag reject ka, reject ka. Pero may mga client naman na nagbibigay ng feedback. Pag nakakita ka ng client na nagbibigay ng feedback nila, yun yung aralin mo. Sa next interview mo o next client mo wag mo na gawin. E avoid mo sya. Atleast, kahit ilang beses kang ma reject, for sure naman merong one percent o one client na maha-hire ka. Kahit sa pasimula. For sure yun ha, hindi mabulaklak na salita. Sure na sure ako dun.
Tapos ang tips ko pa sa mga walang skills, para sa akin gasgas na yung “wala po akong skills eh” “wala akong experience”. Alamin mo. Halimbawa, marunong kang mag copy-paste, eh di mag start ka dun sa typing job. Pag gusto mo yung pagbebenta, mag follow ka dun sa mga nag start na din ng business na ecommerce. For example, call center ka before, I mean wala ka talagang ano sa english pero confident ka naman sa pananalita mo , what if mag follow ka din ng mga taong sa ganung industry. Lakasan lng ng loob, lalo na ngayon pandemic, pag di malakas yung loob mo ngayon, ay wala. Di ba madami ngang mayayaman, kung hindi sila dumiskarte nung wala pang pandemic, siguro ngayon gutom na. Kung ako nagawa ko, for sure mas maraming pang mga kagaya natin before na beginners na makakagawa, baka mahigitan pa tayo eh.
vabootcamp.ph/product/10-day-cover-letter-challenge
Paid courses (packages): Vabootcamp.ph/enroll
Per course: vabootcamp.ph/shop
Ok lang yan sir Phoenix..
Free courses: vabootcamp.ph/freecourses
IRENTMO has brand new and used desktop computers and laptops you can use to start your VA journey. They ship nationwide and they do have an installment option. You can send them a message at https://www.facebook.com/irentmoph
You may want to check out Ms. Joyce's FB page here.
https://www.facebook.com/joycepuroecommerceva/
Here's the link for computer buying guide for freelancers : ) https://vabootcamp.ph/blog/computer-buying-guide-for-freelancers-2020/
Gusto ko rin po matutunan
Hi Nica. Here are our free courses. It includes Ecomm vabootcamp.ph/freecourses
haha... Magaling na host ng VAB si sir Phoenix. Mabait pa, hehe...
Thank you miss Joyce🤍
thank you miss joyce.. for sharing
Thank you for sharing your ideas Ms. Joyce
Thank you much
Thank you Ms Joyce parang gusto ko din maging e-commerce VA
Tara na!
Thank you mamsh Joyce! Very inspiring. Take actions.
Napaka-jolly mo magbigay ng tips and advice Ms. Joyce, thank you!!
Thankful that I joined todays webinar. 🙂
Sir Phoenix andto pa kami
Thank you for sharingI
Shared na po kanina pa
Thanks for the PDF copy
Thanks! Thanks!
Thanks for the PDF copy too
thank u po
Thank you Ms Joyce
thank you
Newbie here
Share done
hello po pashotout naman sa Puro family from markin city
go lng ng go pamangkin choice mo yan....
Hi!
from: San Pablo City
Penilyn Saya-ao Cacdac
Share
Jett Ty
Thanks
Im very much interested but i dont have laptop/desktop, only mobile phone
박살리
Shared
Thank you for every other excellent post.Where else may just anybody get that typeof information in such an ideal method of writing?I've a presentation next week, and I am at the search for such info.
Im obliged for the blog article.Really thank you! Much obliged.
A round of applause for your blog article.Much thanks again. Great.
Everything is very open with a really clear description of the issues. It was truly informative. Your site is very helpful. Many thanks for sharing.
I enjoy reading a post that will make people think. Also, thank you for allowing me to comment.