I'd like you to meet Jenalyn.
She's a former Account Officer.
But chose to become a Freelancer.
For 5 reasons:
- She can earn money in the comfort of her home.
- She can work on whoever she wants to work with.
- She can have her own time and doesn't need to please anyone.
- Less stress, no 4 hours of travel back and forth,
- She believes that she can give more, and it helps her to discover who she truly is.
Relate much?
But after 1 year of freelancing...
Was she able to accomplish all these?
How did she find her first client?
What are her challenges as she moves from corporate to freelancing?
Find out on this replay.
Find out why she decided to quit her job as an Account Officer and how she discovered freelancing. You’ll also witness how she found her first client after watching the 5-day free course by VA Bootcamp.
Get inspired by Jenalyn's work ethic, good attitude, and a positive mindset.
So what made you feel the need to level up? Why are you not satisfied? Ano 'yung dahilan kung bakit gusto mo pang mag kumuha ng paid course, gusto mo pang mag up ng skills mo, skill level mo?
Kasi po, gusto ko tumaas ‘yung rate, yung rate per hour ko. Gusto kong i-upgrade yung sarili ko na hindi lang ako general virtual assistant. meron akong mai-niche down, kung ano po talagang gusto kong gawin. Kasi 'di ba po ah lagi naman natin sinasabi sa iba na, mag umpisa ka muna sa general virtual assistant kasi hindi mo pa naman alam yung ini-niche down mo. Kapag newbie ka po talaga, like me, hindi ko talaga alam kung saan ako magni-niche down. So kaya po ako nag-enroll sa VA Bootcamp kasi gusto ko meron akong sariling niche, gusto kong i-upgrade yung sarili ko na, from dito naging dito na ako.
Anong araw ng mga pahinga mo nung time na nasa account ka?
Sabado at Linggo po, iyon lang.
How long did you realize from general then mag niche ka na?
Nung nag-intern po ako as social media moderator, kay Miss Mahar, sabi ko "parang gusto ko 'yon, yung magki-create ng content, pagkakitaan yung Facebook, ganyan. After po noon, binuild ko na siya ng binuild ‘yung portfolio ko dun sa social media management, then narealize ko eto ‘yung gusto ko.
Were you not happy with your client, with your first client?
Masaya po ako sa client ko kanya kaso nga lang po, nakipag-break ako sa kanya kasi po low eh, parang nasakit ‘yung ulo ko. Ang hirap intindihin nung mga terms and conditions. So nakipag-break ako sa kanya parang yung goals ko po is hindi na-aligned sa kanya, sa services na meron siya. So 'yun po luckily po nakakuha ako ng two client, December 2020 then January 2021, 'yun po. Pareho siyang flexi-hours kahit anong gusto kong oras, makakapagtrabaho ako. Yung isa po is, dapat pag-gising niya tapos ko na ‘yung trabaho ko, eh 12 p.m. sa atin ang gising niya, so pwede ko siyang gawin ng gabi o kaya pwede ko siya gawin ng sa umaga.
How are you able to settle for a flexi-time job?
Yun po talaga yung gusto ko. Gusto ko mamili ng sarili kong client, kung sino yung gusto kong pakisamahan, kung sino yung gusto kong pagwork-an. Kasi sa cover letter pa lang po tinatanong ko na kung anong niche nila kung hindi man nakalagay dun sa job description para alam ko na po kung ipu-push ko pa ba siya o hindi na. So 'yun, ako po yung namimili ng client ko.
Where did you get that attitude? Saan mo natutunan 'yan?
May mga napapanood na rin po kasi akong mga YouTube tutorials at saka mga social media content creator na pinapanood ko talaga kung paano sila magtrabaho, so 'yun parang dun ko na din po naisip na pwede pala na ako mag decide kung sino yung client na pipiliin ko.
Was your experience able to contribute to your journey as a freelancer?
Yes po malaking factor po 'yon. Kasi kailangan talaga ng mahaba patience eh doon sa pagiging account officer eh. So dito sa freelancing, talagang dapat mahaba lang din yung patience mo sa pag-aaral. Kasi yun nga po sa pag-aaral at sa pag-aapply, paggawa ng cover letters, mas dapat po kasi yung patience natin is mahaba talaga kasi, kung tayo po ay hindi ma-pasensya, wala, hindi tayo makakuha ng client. Kasi sa freelancing, ang batayan diyan skills, kung paano mo imamarket ‘yung sarili mo. So patience, patience lang talaga. At yung willingness po na mag-aral ng mga skills, kasi syempre dapat po kasi may timeline tayo. Kung sa isang skills nandito ka, timeline-an mo yung sarili mo, kung kailan mo siya matatapos. Then after nun, ipractice mo siya. Pag na-practice mo na siya at okay ka na doon, mag-upgrade ka na sa ibang skills, para mas dumami ba ‘yung skills na meron ka, tapos mas marami yung mai-offer mo sa clients.
Hindi ka naman nanibago nung nag transition ka from your corporate job to freelancing?
Hindi po parang natuwa pa nga po ako eh kasi nasa bahay lang eh. Kasi compare doon sa 80% na field, compare doon sa 80% na nasa area ka, maghapon ka nasa area ka. Pero pagdating dito sa freelancing nasa bahay ka lang paupo upo ka lang. So natuwa ako, sabi ko okay pala ito, so sige i-pursue natin.
Ang pinaka nakaka-insulto is kailangan mong mag start over to prove yourself again? Were you angry that time?
Hindi naman po sa angry yung nafeel ko pero parang bumaba yung self-esteem ko na galing ako sa operation, alam ko kung ano yung ginagawa sa operation pero bakit pagdating dito, wala? Kailangan kong patunayan pa rin yung sarili ko? Ilang years ako sa operation, pero pagdating doon sa pagiging admin assistant ko, parang bumaba yung self esteem ko na kailangan ko na namang patunayan yung sarili ko.
There are some stages in your freelancing career na kailangan mong patunayan ang sarili mo, did you ever feel like, hindi mo ba naramdaman yung pinaramdam sa'yo ng company mo?
Naramdaman ko po siya nung ano pa lang ako bago pa lang ako kasi syempre wala pa po akong portfolio, so hindi ko pa alam kung paano ko ibi-build yung sarili ko sa client. Hinihingan ako ng client ng experience pero wala ako maipakitang experience as VA. So ang lagi ko sa kanilang sinasabi, ‘yung experience ko sa corporate, na pwede kong i-incorporate doon sa kanilang business. For example, kailangan nila ng customer service. So bilang ako, bilang sa operation, kaya kong makipag-usap sa mga tao kasi nasa field ako ng ilang years, so kaya ko din sa freelancing. Yung mga positive tricks or yung positive na ginagawa ko po doon sa corporate, ginagawa ko siya into freelancing, nung newbie po ako, kaya po siguro medyo luckily nakakuha ng client.
Were you ever like that? Ganyan ka ba nung simula talaga na mataas ang lofty goals ka, mataas ang ambisyon mo?
Naku hindi po. Dati kuntento na ako kung ano lang yung nandiyan. Pero ngayon siguro yung habang tumatagal yung journey natin sa freelancing, mas nare-realize ko na malaki pala yung freelancing. Malaki pala ‘yung mundo ng freelancing, na sa simpleng ganito, pwede mo siyang pagkakitaan. Sa simpleng skills na ganito, pwede mo siyang i-upgrade, pwede mo siyang i-offer sa client ng mas malaki na rate, or package. So siguro po habang tumatagal talaga sa freelancing, kasi pag may gusto ako, gusto ko social media manager ako, pag naabot ko na yung social media manager, gusto ko maging social media strategist, so pag naabot ko na yung social media, another goal po ulit ng another goal.
How is life now that you are a freelancer?
Okay naman po sa ngayon kasi, nakakapag-celebrate na ako ng birthday ko, hindi na sa area pero dito na lang sa bahay. Kaso two times na po ako kasi pandemic, so dito lang sa bahay, bigay bigay sa mga kapitbahay ng mga handa, pero okay po ako ngayon kasi at least wala na ako sa area. Hindi na ako magse-celebrate ng birthday sa area.
Is it safe to say that your life has changed as a freelancer?
Yes po. madaming nagbago sa freelancing compare dun sa corporate. Kasi minsan sa corporate, hindi ako nakakauwi sa amin kasi nga may follow-up, lalo na kapag cutoff, pero ngayon hindi pa din ako nakakauwi kasi pandemic, pero okay siya kasi nga po siyempre sa panahon po ngayon, hindi na safe lumabas ng bahay, so thankful ako kasi may freelancing kasi kung walang freelancing, mag-aapply ulit ako sa iba, nasa ulit ako lalabas ulit ako. So parang inaano ko po yung sarili ko yung safety ko kasi syempre delikado na yung mundo ngayon, delikado na yung panahon ngayon kasi pandemic. So pag meron akong nakikita sa Facebook na "Uy nagtatrabaho sila. Hay salamat, nasa bahay lang ako. Nagtatrabaho ako."
Your attitude is really really nice, nagamit mo in life and in freelancing. Bakit nga ba? Ba't mo ang bait bait?
Hindi ko po alam. Siguro sa pinagdaanan ko din sa corporate, na kailangan talaga is mahaba ‘yung pasensya mo talaga. Siguro dahil doon parang naisip ko na, hindi lahat nadadaan sa madalian, kailangan mo talagang pursige, kailangan mo talagang i-discover yung sarili mo kung hanggang saan ka o ano pa yung hanggang, kung hanggang saan pa yung kaya mo. Mahabang pasensya talaga ang kailangan, and effort kasi, kung ma-pasensya ka at wala ka namang effort, wala din. Wala ding mangyayari, kasi, sige mamaya ko na 'to, mamaya ko na 'to pag aaralan, pero kung hindi ka magte-take action. Magsa sana-all ka na lang, magha-how ka na lang for every post. Walang mangyayari kasi hangga't nandun ka sa part na 'yon, hindi ka uusad, parang hindi ka magkakaroon ng idea, or hindi ka magkakaroon ng client, kasi yung sarili mo, hindi mo pinu-pursue. Kasi ang nasa isip ko po kasi lagi dati, magi-invest sa akin si client, kung magi-invest din ako sa sarili ko.
Based on your experience, what is your biggest advice that you can tell our audiences today?
Magtake action po tayo. Kasi kung hindi tayo magte-take action, hindi tayo uusad talaga. Hindi tayo magkakaroon ng client, at saka po kung ang problema po natin is portfolio, madami po dyan na pwede nating gawing portfolio. For example, ako social media manager ako, ang ginawa kong portfolio, gumawa po ako ng sarili kong Facebook page, nag-gagawa po ako ng mga valuable content doon. So portfolio mo na agad 'yon. For Facebook and Instagram, pag po napalaki mo yung followers mo, pag yung iyon pong Facebook page is tinututukan mo talaga siyang maigi, nagbibigay ka ng valuable content for the clients, kahit hindi sa client, kahit sino pong makakabasa noon, portfolio mo na po iyon. So parang hindi po excuse na, "Ay newbie ako, wala akong portfolio na maipapakita. Gumawa ka ng sarili mong portfolio. Yun po iyon.
No doubt you can reach that after sa mga pinagdaanan mo
Wow mam jen your a goal achiever
Keep on with your good work.
its a positive attitude...good asset
When you go deeper with your skills....success is sky is the limit =)
Love your mindset Jenalyn
sarili din natin ang makikinabang, when you enroll, when you study, and when you get hired. 🙂
overtime na walang bayad...ang tawag namin jan OTTY
oTawad po ang tawag naman po namin jan
Kindly check the link below:
vabootcamp.ph/enroll
Happy birthday sis Jenalyn Andaza! More blessings to come.
Happy birthday sis Jenalyn!! <3
Advance Happy Birthday Mentor Jenalyn Andaza 🙂 on April 28
Jen....
Walang iyakan... 🙂
Happy Bday!
Happy happy birthday to you Mentor!
happy birthday ms jen
Happy birthday miss Jenalyn. Mbtc
Happy Birthday, Ms. Jen! thank you for sharing your story.
happy birthday ms. jen
Happy Birthday Ms. Jen
Advance Happy Birthday Jen!
Advance Happy birthday
Amen. We are blessed despite having this pandemic. 🙂
On point Jen =)
Very much agreed! <3
Pa MINE un idea na yan
Let us max out the tech boom and use it to our advantage and benefit =)
SHARED , THANKS MS JENALYN
Thank you Ms Jen.
Thanks Ms Jen
Before you go to the battlefield...strategize =)
You can also sign up here:
vab.ph/mentor
Thank you sis Jen!!
She is kind and approachable
shared na po..
Done sharing
Right on Jen =)
Hi Ms.J,when po makakarecieve ng pdf copy po.thank you.
Hi ms. Jenalyn
One of your fans
From Daet Cam. Norte
Thank you po sa lahat ng nanonood
Godbless po sa freelancing journey nyo
Hahaha OT without pay corporate world malakas
Really challenging mam jen
Thank you po sa mga greetings nyo.. Much appreciated po
Super mahal nya lang po talaga ang work nya... relate po ako jan...
Advance happy birthday, Ms. Jen...
God bless your heart's desires...
Watching here from Navotas City
A Blessed Thursday po Watching from Navotas City
So late From Palawan
Shared qatar
Shared.
Shared