The 100k Earner And Mother of 4 - An Interview with Anna Soriano

October 11, 2017
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

In this episode of #JasSuccess, we feature a supermom, Anna Soriano.

Anna is a mother of 4 boys does bookkeeping for clients, coaches VABootcamp students and earns over 100k every month.

In this interview, we tackled a lot, including:

✅Her life's struggles
✅Her difficulties getting started in freelancing, and
✅How the RoadTo100k Masterclass helped her have the right attitude and mindset to succeed.

and much more.

Free VA Course for Newbies
FreeLancing In the Philippines (FLIP) FB Page
Subscribe to Jason Dulay's YouTube Channel

Notable Quotes:

  • Ang dami kong tinry para lang magka-extra income.  So, all in all, parang may hinahanap pa rin ako, sabi ko “bakit parang hindi ako masaya? Nasaan ba ang ano ko, nasaan ba talaga?” dahil ang gusto ko, hindi rin maburo ang utak ko.  Gusto ko talaga magamit ko pa rin, kasi Accounting Graduate naman ako, so, gusto ko talaga na nagagamit ko pa rin iyong  pinag-aralan ko.  
  • Basta may hinahanap ako, hindi ko alam kung papaano kikita na nasa bahay ka lang tapos kasama mo iyong kids mo, mababantayan mo sila”.
  • So, sabi ko “kailangang mag-ano, maghanap ng way” Kaya nag-decide na talaga ako na  seryosohin na si Upwork.
  • Hala! Apply ako ng apply, dedma lang ang mga ano, ang mga clients sa cover letter ko.  Kaya ang sabi ko “ano kaya ang mali? Bakit walang pumapansin?” Although may pumansin naman kaso parang hindi ako fit doon sa ano. Sinagot niya lang, parang ano, pampalubag-loob para hindi ako maano. Sabi ko nga “sige nga ma-try  nga kung paano ito .
  • So, ayon ginrab ko iyong opportunity, ginrab ko iyong opportunity na talagang ano, ubusin si 60 connects.  Siguro mga 1 week lang, ubos na iyon.  Pero noong 2 days na nag-aapply ako noon , naka-ano naman ako, naka-swerte naman ako, may pumansin sa cover letter ko.  So, na-test ko na “Wow! ang galing naman ni    Bootcamp”, so effective talaga.
  • Kailagang matuwa si client para bigyan niya pa ako.
  • So, all in all, naka $35 ako sa first client ko.  So, iyong habol ko noon talaga maka-ano, magkaroon ng feedback.
  • Parang napakasaya noong feeling, alam ko iyong feeling noong iba na ganoon eh  na, “Wow! Ito iyong first” , akala mo nanalo sa lotto, $35 lang naman ang kinita.
  • Noong nagstart ako noon, finocus, in-aim ko talaga na ma-build si profile. Kasi nagjo-join ako noon nang iba’t -ibang freelancing group, aside from WAHP.  Talagang nakita ko, nabasa ko doon na kailangang i-build mo si Profile para mapansin ka nang mga, mapansin iyong Profile mo ng clients.  Since newbie, parang ang pinaka-ano mo, pinaka-pinanghahawakan mo iyong feedback sa iyo ng client.  Para kapag nakitang okay kang mag-work, iyon, maha-hire ka.
  • Tapos nabubuhay na lang ako sa invites.  Puro invites na lang.  Hindi na ako need mag-apply kasi mas ano na,  madali ng ma-hire kapag invited ka ng client for interview.  Kasi iyon, sila iyong nakakita sa iyo eh. So, once replyan mo lang, hired ka na. So, nagstart si Profile from $5.  Tapos nag-experiment ako, sabi ko sa’yo, every month, na in-increase ko siya kada may feedback ako, 6,7,8,9,10  hanggang nag-reach ako nang $15 na nagdadata entry lang ako.
  • Sabi ko talaga, maraming client na willing talaga magbayad nang mataas.
  • Mag-add din kayo nang skills. Marami talagang client na willing magbayad ng matataas na rate for us. Na hindi por que Filipino tayo, stuck na tayo sa ganitong rate, mababang rate. Kaya, kayang mataas.
  • Ang kagandahan nang nagwo-work online, iyong flexi-time.  Iyong hawak natin iyong oras natin kasi mas gusto natin malaya.
  • Isipin mo kung ano iyong kikita ka na masaya ka, at the same time, hindi ka nape-pressure.

Anna Soriano's Journey to Freelancing

  • She is a mother of 4 and one of those 6-digit earners in the group;
  • She worked as an Accounting Assistant and owned a Water Station Business together with her husband;
  • She tried and learned different networking stuffs, she became a Real Estate Agent and an Online Seller;
  • She likewise went to Singapore and worked there, but, after 2 months, she decided to come back in Philippines due to  more competition with many Filipinos working in said country;
  • She likewise tried to have Management Training in Mango;
  • She quit work for a lot of reasons:
    • When she got married in 2003 and having 2 kids then, her husband decided to put up a Water Station Business.  6 months later, said couples decided to quit from their respective work and opted to focus in their growing business, instead.
    • She looked for another job when she felt that the money they’re earning in said business were just breakeven;
    • She quited her Managerial position because of the road traffic. She always experiencing during that time and at the same time, she failed to see her kids and to take of her family;
    • On May 2016, they had a Financial Problem wherein their delivery truck/s were pulled out, so, she decided to become more serious in Upwork

Q&A Highlights

You’ve been freelancing for how many months now?

1, August, September, October.  1 year and 2 months.

How did you get freelancing and what were you doing before?

Mga 21 years ago, Accounting Assistant ako. So, dalaga pa ako noon.  And, when I got married by 2003, may dalawang kids na ako, nag-decide si husband na  magput- up ng Water Station Business.  Kasi sa Agua Vida siya nagwo-work dati. So, noong nag-reach na siya ng 10 years doon sa company and naka ipon na kami nang enough to put up the business,  iyon, itinayo namin iyong Water Station sa drive way ng mother ko,  sa parents ko.

So, ayon , medyo, noong nagsa-start, medyo bibo kami maghanap ng mga ano.  Ako iyong tagahanap ng mga customers sa ano, sa offices, companies, hospitals. Tapos kasi marami din within the subdivision iyong Water Station.  So, may market kami sa subdivision, mayroon pa rin kaming dapat maisip  kung mayroon ding dapat may mga companies, may mga corporate account na pagde-deliveran anmin.  So, ayun, so we’ve been doing business for 10 years.  After noon kasi na nagpick-up na siya after 6 months.  Nag-resign na si husband, nag-resign na rin ako. Kaming dalawa ang naka-tutok sa business. Talagang hands-on, may delivery boy kami sa subdivision pero kami ng husband ko yung nagdedeliver sa mga companies at sa mga hospitals. Sya yung driver, ako yung pahinante tapos meron kaming tagabuhat. Parang nagwo-work din kami ng full-time, kasi 8:30 alis kami, uwi ako 5:00pm na tapos as in sobrang traffic, ramdam na ramdam ko kasi may Quezon City, may Makati, lahat talaga. Kung pwede nga lang mga probinsya papatulan namin. Ganun kadami yung dinedeliveran.

What made you go into freelancing?

So, since nagsimula kami nang madaming utang, parang break, na-feel ko na parang breakeven lang iyong ano, iyong pera.  So, nagdecide ako noon na, in between, mag-try na mag-ano pa rin , mag-try, maghanap nang pagkakakitaan.  So, na-try ko si networking stuffs kaya pag mga networking mga power power, alam ko iyon. Bihasa ako.  Sa networking na iyong unang una na  Forever Living nakasali ako diyan., name it. Hanggang Royale, Usana at kahit anong nasa networking.   Tapos, na-try ko ding mag-Real Estate (DMCI) Staff, nag-try din akong mag-Online Selling (bag),.  Tapos nag-try din akong mag-Singapore aksi nandoon iyong sister ko, I mean mga kapatid ko,nero umuwi lang akong luhaan.  Dahil noong time na iyon, ano, medyo marami nang Pinoy doon. Parang saturated na  nang Pinoy ang Singapore . After 2 months, umuwi ako. So, iyon ang dami kong tinry para magkaron nang extra income.

Na-try ko ding mag-MAnagement TRaining ang daming expenses, Expenses increased, ang daming dapat pag-aralin.

She attending the Management Training in Mango-Megamall sometime in December, however, the salary she had received was enough only for her food and transportation allowance despite of having an overtime payment.

No time for her family especially on their kids. Pinakahuli ko noon management training Nag-try ako sa Mango . My frien akong nagpasok sa aken na mag-Managment .  .  

So napasok ako doon, How did you get into freelancing?

Actually, 2015 pa ako may Upwork Profile.  Parang si brother, iyong kapatid ko,  ang supportive diyan.  Ang sabi niya sa akin “Ate, bakit hindi mo i-try?”.  Mayroong friend daw si ano, si wife niya na kumikita Data Entry noon nakaka-50k a month”.  Sabi ko “wow! galing naman!” sabi ko “sige, i-try ko din”. Gumawa ako ng Upwork Profile”.  Pero hindi ko pa siya sineryoso noon.  2015, medyo okay pa si business noon.  So, ano, noong last year, mga bandang May, nagkaroon kami ng financial problem . Medyo nagkaroon ng problema iyong pang-deliver namin, nahatak iyong ano namin iyong pang-deliver.  Sabi ko “paano na tayo magde-deliver? ganyan.  So, sabi ko “kailangang mag-ano, maghanap na ako ng way” Kaya nag-decide na ako talaga na  seryosohin na si Upwork.  So, tinry ko siya nang May 2016 noon.  May to July, 3 months un. Apply ako ng apply. 

May nakita akong mama sa Facebook, ang gwapo! Sabi ko “sino kaya ito?”.  Kaya sinearch kita.  Sabi ko “baka networking ito ah? Ayaw ko na ng networking, sawang sawa na ako, please! So, chineck ko iyong  ano mo, iyong site mo.  Tapos ikinwento ko kay brother.  Sabi ko “ano kaya, mag-enroll kaya ako dito? Palagay mo, okay lang kaya?” Sabi niya, “kung gusto mo talaga, sabi niya why not .  Enroll ka, wala namang mawawala”. So, inano niya ako, hindi ko nga alam na talagang on the spot, in-enroll niya ako, credit card niya ang gamit, So, wow! Instant ano, instant access.  So, August 3 iyon, August 3, ang sabi niya “Ate, na-enroll na kita .  May na-receive na akong email na ano na pwede mo daw i-access “ So, start ko na siya.  So, from August 3,  inano ko lang, tinapos ko lang siya ng 5 days.  Kasi inisip ko, kapag hindi ko tinapos to, tatamarin ako. Sabi ko kailangang matapos ko na ito.  Sabi ko, “ ano schedule itong pinagsasasabi ni Jason na 30 days? Ayaw ko nang 30 days,  kailangan ko nang magka-work .  Walang 30 days.  So, iyon noong nag-enroll ako noon.  Almost 5 days ko lang tinapos, hindi ba? So, noong nag-enroll ako noon, 5 days ko lang siyang tinapos, hindi ba? So, after noon, tinry ko na at iyon “Ay!, ito pala ang mali, iyong cover letter ko ganyan ganyan.  So, in-edit ko si Profile, tapos saka ko lang na hundred percent.  Kasi noong nag-create ako last  2015 , wala pang pakialam si Upwork,  kung 80% lang iyan o 90%.,  Tanggap lang nang tanggap tapos hindi nagrereject ng Profile.  Parang sige lang  tangap lang nang tanggap . Talagang swerter ako last year na ganoon pa ang sistema ni Upwork.  So, iyon, after bootcamp ng 5 days, nagpuyat ako ng 2 days talagang tinutukan ko.  Iyon pa din want to sawa pa rin ang pagaapply.  So, ayon 2 days, nagpuyat ako na mag-apply. Tapos iyong time na iyon , si 60 connects pwede mong ubusin , hindi iyong tipo na masu-suspend ka pagka-apply ka nang apply tapos hindi ka naha-hire. Marami akong natutunan sa Masterclass.  And, after 3 months sa Masterclass, kasi hindi ba, mag-3 months na yung Mastersclass? Tama ba? After 3 days, ang galing talaga, may nakuha agad ako na client for bookkeeping flexi-time/full-time, magcoach sa student , coaching to VA Bootcamp students everyday, Upwork sideline more on WFHR and to affiliates and Upwork.

Why did you change?

So, iyon, nag-try ako. Nagbago iyong pananaw ko, nitong year. Nagenroll  kasi ako sa Masterclass . Tinuro sakin yung right mindset and attitude para mas naging mas malalim ang pagkakaintindi ko sa  mga bagay bagay about freelancing. Dun ko natutunana na business sya. Hndi employee-employer relationship. Nag-enroll ako kay Road 200k.

Even before,when you were focused on Upwork, iyong nagfu-full time ka sa Upwork, were you more on project based?

Yes.

Were you able to earn a lot kahit naka-flexitime?

Yes.  Kasi Hindi lang ako naka-focus sa isang client.  Kaya kung may gagawin man ako na project based na isa, meron pang isa. Altough mayroon talagang matagal ng client, hndi naman kadaming taks on-call lang din. Yung ang nag sustan sakin until ma hire ako sa WFHR and WAMP.

The flexi-time, is that something you'd recommend to the newbie freelancer?

Pwede rin naman.  Pwede siyang i-recommend doon sa may mga full time work.  Iyong hind pa decided na kung ito ba ang gusto nilang gawin.   Pwede nila iyong gawin for the meantime, maging flexi para kung gusto nila sa morning doon muna sa office ,  at kung kaya, sa evening. Pwedeng matapos mo lang iyong task submit mo iyon tapos na. Sa mothers lalo, napaka ganda for a mother na mayroomng work and at the same time, naaalagaan mo pa iyong kid/s mo.  Nakakagawa ka nang  househoold chores.  Marami rin namang clients na gustong mag-hire ng flexi-time. Although marami din parang employee ka din kung i-hire.

Have you tried interview to the client and sinabihan ka na “can you work parang shift, 8 to 5 or 9 to 5 Meron pero may specific time. Ok pa rin kasi part-time na 4 hours. 

Na sinabihan ka na flexitime?

Ay! Wala.  Meron ba? Para kasing lahat talaga na in-applyan ko, I make sure na flexitime siya.  But, there is one na parang hours ko lang walang specific time. Ako magwowork.  

How many hours were you working in a day, average?

Siguro mga 8 din.  Pero hindi, putol putol lang.  Hindi iyong straight talaga. Pwede rin before matulog.

Are you able like, right now, that you do freelancing and when you do WFHR,  when your kids need something, is that give you a freedom thereafter go back to work?

Oo.  Sobrang ano, pwedeng mag-attend ng mga parents meeting, pwedeng mag-attend ng mga activity sa school mga ganoon, pwedeng magbabayad ng tuition.  Maraming ano saka kapag dala ko naman ang phone ko pwede ring doon mag-ano, pagka-Community Forum like FLIP pwede din.  Pag mag-aapprove ng post.  Pwede talagang dalhin kahit saan si work.  Tapos si Upwork naman, sasabihan ko lang na babalikan kita mamaya , isu-submit ko siya later on.  So, wala akong iniiwan na pending na maiipit din ako.  So, tapos, magpapalam din ako kapag mag due date na gagawin.

Wala namang problema kay Client when you tell them?

Wala naman. Sobrang swerte ko, siguro din, mga clients na nakukuha ko.  Wala pa akong nai-encounter na  katulad noong ibang nagpo-post na sobrang toxic si client, wala, wala din talaga.

Lightning Round

If you were given a one minute to make a positive impression, what would you do?

Hala!. Smile.

At what age do you want to retire?

50

What’s on your bucket list that you want to accomplish the soonest?

I want to travel out-of-the-country with my whole family.

Describe one thing that annoys you the most?

Makulit, parang ako.

If you were to go back in your life 10 years ago,  knowing the things you already know, what would you do things differently?

Hindi ko alam.  Parang pareho lang din.  Wala akong gustong baguhin kasi, ‘di ba one word lang? In God’s perfect time, may plano na takaga si Lord para sa akin. So, parang naglead lang siya dito.  Dapat i-let go ko lang yung mga previous experience para maging ganito ako now. Wala akong babaguhin.

How to get started?

If you want to go work freelancing, itong working from home, like Anna did, head over to our free course.  It’s a free VA course.com and you can see , in the pinned post, you should be able to see the link there.  It’s a freevacouse.com.  And couple of people are asking about the bootcamp, the VA Bootcamp in which Anna enrolled in, hndi yung free course. Tapos iyong may bayad ay iyong VA Bootcamp.  So, head over to VA Bootcamp.ph, so that you can check that out.

And somebody asked if it’s available for enrollment?

Yes.

What’s your advice if wala ka pang experience regarding sa profile?

Ako din, noong nagstart ako, wala pa din akong experience sa paggawa ng profile.  Pero nakagawa ako before joining the bootcamp.  So, ano, magsearch ka lang sa ibang freelancer.  Hindi naman masama na kopyahin mo iyong profile ng ibang freelancers.  Pwedeng pagsama-samahin mo iyong information na related doon sa ina-applyan mo.  Basta lang make your profile na maca-caught iyong attention ni client.  Iyong itong ano, parang sinabi ko na iyong technique natin sa bootcamp.

How long nag last ang per project mo?

Usually, ang mga data entry kasi ano lang iyan, kapag natapos mo, i-submit mo, tapos na.  Pero kapag natuwa ang client sa gawa mo, pwede ka nilang i-contact and balik-balikan.  Kaya make sure na iyong ginagawa mo would a good quality at on-time para ano, kung may bagong ipapagawa or may new projects, ikaw ulit ang hahanapin.  Pwede ka ring mag-communicate regularly, like, update,”client, I am here”, parang ganyan.  Iparamdam mo lang.  Minsan ka-ano ko rin sila sa linkedin.  Minsan mayroon silang ano, open project or may ipapagawa, eh di ikaw ang nanjan.

Binago mo po iyong Upwork Overview mo na Data Entry and now as Bookkeeper?

Iyong profile ko kasi naka-general.  In-apply ko doon iyong natutunan ko sa Bootcamp na AIDA.

When you switched to bookkeeping, binago mo naman profile mo diba?

Noong nagbookkeeping ako, naka-focus lang siya sa Bookkeeping, kung ano iyong mao-offer ko sa bookkeeping. Hindi na ako sumunod.  Mayroon na akong Admin. Support, Bookkeeping, VA. Sa totoo ngayon, hindi ko na talaga fino-focus sarili ko sa bookkeep.  Natutuwa na ako sa ginagawa ko sa WFHR parang hindi ako nasstress.  Parang ito iyong gusto ko. Isipin mo kung ano iyong kikita ka na masaya ka, at the same time, hindi ka nape-pressure.  Kasi itong work ko sa WFHR, parang, ano, hindi talaga siya work  kasi parang ginagawa ko. I mean, hindi ko talaga siya nafi-feel na work.  Although, minsan nakakapagod dumaldal, pero ano ko iyon, forte ko iyong dumaldal. Ay ang daldal ko ba? Sorry naman. So, iyon, si bookkeeping ko noon, iyong  Overview ko for bookkeeping.  Pero ngayon, parang naka-general siya, iyong kaya ko i-offer for the client. 

Mga walang background sa Bookkeeping pero they are interested in becoming a bookkeeper?

Ano iyong advice.  Iyong course naman kasi ni JAson about sa bookkeeping kung hindi ka marunong mag-bookkeep, napaka-basic noon.  Ganito na lang isipin mo, kung may business ka, papaano mo siya iintindihin.  Paano iyong expenses, paano ang income.  Madali lang talaga siyang ma-absorb. Napaka-basic  na ginawa ni Jason tapos yung Quickbooks naman, doon mo matutunan kung papaano gamitin iyong software.  Pinadali lang din ni Quickbooks ang buhay ng mga Bookkeepers and Accountants. Kasi parang automated na siya.  Parang iyong Account titles na lang, yung chart of accounts.  Napakadaling intindihin kaya nga kayang tapusin in 1-day iyong Bookkeeping.

Can you share an example of what your day is like? Like jugling tasks being a Mom, doing chores and doing freelance work?

Kwento ulit. So, iyon nga gumigising ako 5am in the morning para sa pagpasok ng mga kids.  Tapos, pag naka-alis na sila kasi ang sundo nila iyong service nila ay mga 7 o’clock. Iyon, mag-aano na ako, magwawalis walis na ako tapos mag-start na akong mag-laundry. Si automatic naman, lagay ko lang iyan, lagay ng soap tapos iwan ko siya.  Tapos mamya mag-oopen ko nang laptop  ko. Tapos  si husband kasi nag-aano na rin, nag-duduo, katulad ko na rin.  Minsan siya na ang gumagawa nang  mga ano ko, data entry ko on the side.  So, si husband nandito na lang din.  Siya iyong taga-luto, siya ang Master Chef namin. So, ayan may pagkain na diyan, kakain na lang ako . Tapos ayon, magco-coaching muna sa morning tapos kapag tanghali medyo groggy na, inaantok na,  tulog muna.  Darating iyong bunso ko, pakainin ko muna kami. Sabay kaming matutulog .  Tapos later, study, study.  Tapos, iyong kids na iba, darating 3 o’clock. Ayon, dire-direcho na, teleserye! Wala ba akong sinabi? Sabi ko in-open ko iyong laptop ko, nag-coaching ako.  Tapos, anom, pagka-meron nang ano, pagka-meron nang invites, saka ko gagawin si data entry or kung meron mang ano. Kasi bihira naman din iyon, iyon nasa in-between siya nang time ko. Kasi sobrang mabilis lang gawin iyon.   At minsan nga, si husband na ang gumagawa noon. Kasi kasabay nang pagko-coaching ko kaya hindi ko na nagagawa, so, multi-tasking. May tauhan ako.

Kailangang may laptop or compute?

Oo, kailangan ng laptop or computer to do this job hindi pwedeng cellphone lang. Sometimes, there’s a work where yoou can use cellphone pero pag-work talaga, hindi pwede.

Time versus quality, which to choose?

Anong tanong ‘yan, Time versus quality? Nakakainis, mag-iisip ako eh.  Magbigay kay nang example.  Time versus quality, minsan lang magtanong ang hirap pa. Time.

Pwede pa kaya iyong account ko sa Upwork, matagal na kasing suspended? Is there a way to recover it? I wanted to work again sa Upwork.

Kapag suspended ka na tapos hindi mo na-reply agad si Upwork CS, kasi usually, nanghihingi iyan ng mga proof kung bakit nila  dapat ibalik iyong account mo.  Kung hindi mo nagawa dati, parang mahirap ng maibalik, mahirap mo nang maibalk.  So, much better to try other platforms na lang.  Hindi lang naman si Upwork ang  platform.  Although maganda sana kung Upwork, wala tayong magagawa, ayaw ni Upwork.

Maraming nagtanong, they don’t have experience sa bookeping but they want to become Bookkeepers.  Kaya ba?

Yes. Pwede naman, pwede naman din talaga.  Pero ‘yon, I suggest, simulan, mo muna kung Upwork ka, simulan mo muna sa VA or iyong mada-dadali muna. Build mo muna iyong Profile mo. Kasi madali naman  mag-shift later on kung ano talaga iyong gusto mong gawin para lang ano ma-start mo...kasi kung hindi mo iyon forte, so, kung iyon ang uumpisahan mo baka magkamali ka on the side mayroong mangyari na ma-low feedback ka or ganyan. Mahirap magbuild nang profile kapag nasimulan ka nang mababang feedback. Much better sa mas madali ka muna. Like ako, ang ginawa ko, bookkeeper talaga ako by profession, pero matagal akong nabakante doon.  So, hindi ko tinangka na iyon muna ang simulan. Nagdata-entry lang muna ako.   

Paano niyo po na-sense iyong need na mag-bookkeeping course noon? Ano po iyong inspiration mo?

Kasi, iyon talaga iyong course ko.  So, noong nag-masterclass ako, tinanong kasi kami ni Jason kung ano iyong...

Bakit ka nag-enrol sa Bookkeeping course sa WFHR?

Hindi, actually,   na-hire na ako doon sa bookkeeping. Na-hire na ako as a Bookkeeper noong nag-enroll ako sa ano.  Ang ano lang, napaka-swerte lang noon.  Nag-enroll ako late na.  Naka-ano na ako, na-hire na ako.  So, I needed refresher, tapos iyon nga, hindi pa familiar si Quickbooks so nag-enroll ako.

May client from Australia at kailangan pang Australian accent iyong books sa Quickbooks. Should I charge you an extra para sa pagset-up  ng Quickbooks bukod doon sa hourly rate ko?

Hindi na siguro kasi madali lang naman si Quickbooks, ili-link lang doon sa bank tapos iyon or credit cardmadali lang. Napakadali nga ni Quickbooks eh. Just charge based on oyur hourly.

Ms. Anna, do you recall any fears when you were hired for the first time and paano niyo ito na-overcome?

Sobra, oo.  Hindi naman mawawala iyon.  Kasi parang first time ko noon, parang wala. As in, wala ako masyadong matanungan pa ng time na iyon. Iyong interview na lang eh, nakakakaba na. So, ang ginawa ko noon, kasi ano,  honestly,  kapag nag-ienglish na ako sa interview nagba-buckle buckle ako.  So, inuuna ko muna iyong ano, inuuan ko magdasal, nag-aano ako kay Lord na sana i-guide niya ako.  Kasi minsan name-mental block na ako kapag ano na, lalo kapag interview.  Lalo na dati noong kapag sa office, titingnna lang iyong mga nag-iinterview.  Ayaw ko taklaga niyan, sino ba may gusto niyan? Ikaw lang yata nasa Kung nasa office pa ang mga interview, ikaw lang yata.  At kapag ganoon ang mga interview, ayoko talaga niyan.  SIno ba ang may gusto niyan, ikaw lang ata Bossy. Ayaw na natin nang interview. Kasi kapag tayo eh hindi masyadong tagapag-alaga ng korona.   Ano kasi, kapag hindi tayo masyado fluent mag-English, so, na-feel ko rin iyon.   So, ano lang, prayer lang sa umpisa dahil igu-guide ka ni Lord, as per my experience.  Kasi bago ako ma-hire kay bookkeeping, hindi ako , as a bookkeeper , hindi ako confident noon nai-offer talaga pero naglakas-loob lang talaga.  Tapos, ano, dinagdagan ko lng nang dasal , ayon. Confidence with prayer.

Do you recommend working with agency ? I received some invites but they lowe rates.

Yes.  Kasi kapag agency, may cut pa si agency sa iyo tapos may cut pa rin si Upwork.   Wala nang natira sa iyo noon.   Ang dami mo pa kayang mahahanap nan work na direct client. Marami akong ganoong invite pero dinecline ko.  Parang sila lang ang kikita sa iyo, ikaw ang naghihirap, sila lang ang kumikita. Yes, oo.  Sa first start, pwede rin naman, pero kung masyado nang mababa na wala ka nang kikitain, pwede mong pag-isipan.  

Na-try mo na magkamali sa work mo and how do you handle that?

Na-try ko na bang magkamali? Data Entry lang naman iyong work ko, so, madaling mag-edit.  Saka hindi siya ganoon, hindi ganoon kahirap iyong ginagawa ko.  Wala pa naman akong na-encounter na nagkamali. Promise.  Madali lang iyong ginagawa ko. Kay Bossing, pero lenient naman kapag may mali okay lang sa kanya.   

Where do you buy confidence and how much did you buy it?

Phoenix, marami sa Divisoria.  Bumili ako nang tumpok.  Hindi, ngayon lang iyan Phoenix.  Nakadagdag siguro kasi nag-aral kasi.  Parang kapag nag-aral ka kasi, nakakadagdag ng confidence iyon.  Kung wala kang alam, eh di syempre, medyo ano ka, nangangapa ka noon. Kapag nag-aral ka, may confidence na nadadagdag, ganoon. When you practice din.

Nagkaroon ba kayo ng challenges or struggles noong nag start kayo sa freelancing?

Oo.  Marami.  Before I enrolled sa Bootcamp, 3 months akong puro declined.   Tapos, noong time na iyon, parati kaming nag-aaway ni husband kasi nga nasa bahay lang ako.   Tutulog-tulog lang ako, ganya,   wala pala akong ginagawa. Akala niya ganoon.  Ayon, nag-start kaming magkaproblema noong nagsisimula pa lang ako.  Kasi wala pa akong napo-prove na may income pala dito, ganyan.  So, iyon yung mga unang challenges ko.  Noong nakapag-enroll ako, doon na nag-start na magka-income  after ko i-apply lahat ng mga natutunna ko sa Bootcamp.

Any final  piece of advice that you can give to aspiring freelancers and existing freelancers?  

Teka, sinulat ko iyan eh.  May kodigo ako eh.  Ito, para muna sa mga newbie, para sa mga newbie na coolest when to start, keep reading, learning iyong mga freelance groups tapos basa-basa kayo ng mga FAQs noong ibat-ibang group kasi marami naman iyon. Like dito sa FLIP, meron niyan.  Sa WFHR, may mga free courses and mga vlogs.  Tapos, iyong WFHR Team, naggu-guide nang mga baguhan paano magsimula.  If you don’t any budget to enroll,  madami namang mga YouTubes para matuto kayo.  Madaming mga experienced freelancers na hindi nag-enroll, so, nasasayo naman if you want to invest on yourself.  Noong time kasi nila, konti pa lang iyong  mga freelancers, so, mas maraming time para mag-explore sila.  Pero kung ikaw, gusto mo nang mabilisan para matuto, kumuha ka nang mentor na mag-guguide sa iyo, like si Bosing.  Igu-guide tayo niyan.  So, lahat depende pa rin kung anong gusto mong gawin. If this is what you want to pursue, invest on yourself. Iyon nga, kasi ano, doon ka magiging confident eh para ma-offer mo iyong skills, iyong sarili mo kay client.   

Sa mga students naman, ‘wag kayong mangamba.  Kung iyong ibang students mabilis magka-work , kanya-kanya kasi yan ng time. Baka hinahasa ka pa ni Lord,  may mas magandang nakalaan para sa iyo kaya hindi ka pa nagkaka-work. Basta keep on enhancing yourself. Naka-enroll ka na sa course, make the most out-of-it.  Huwag mong itenga, na nag-enroll tapos sasabihin na hindi ko pa siya natatapos, parang 3 months na ganoon.  So, anong purpose nang course? Tapusin mo. Iyon kasi ang ano, iyon kasi ang mas makakatulong talaga sa iyo like nang ginawa ko. Kaya sabi ko ngaa na talagang pinursige kong matapos tapos ano, para mai-apply ko din siya agad. At nagtagumpay naman, nagtagumpay. Pwede ka nang magpetiks-petiks later on na kapag kumikita ka na. So, unahin mo muna iyong sipag at tyaga.  Sa umpisa talaga mahirap, pero in God’s time.  Mahi-hire ka din, huwag kang ma-disappoint or mawalan nang pag-asa.  Basa-basa ka doon sa groups natin.  Sa Student’s Group, sa FLIP. Nakakainspire na kung ano iyong ginawa nila noong mga time na nawawalan na rin sila nang pag-asa sa buhay.  Don't loose hope. Those who enroll make the most of it. There are a lot of free courses out there. 

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

109 comments on “The 100k Earner And Mother of 4 - An Interview with Anna Soriano”

  1. Im a VABOOTCAMP grad... I graduated last july and since den d pa po ako nakakahanap ng work... D pa po nabibiyayaan huhuhu.... Im getting hopeles na po but u guyz inspired me a lot and same as with my clasmates...

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram