Ano ang Upwork?

May 28, 2018
by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Upwork Sahod na naman!

Down ba si Upwork ngayon?

Bakit kaya ayaw pa rin ni Upwork sa'kin?

Kung parati kang tumatambay sa mga freelancing groups or nagbabasa ng mga blogs at Facebook posts tungkol sa online freelancing (a.k.a online jobs or work-from-home), madalas nababanggit ang salitang "Upwork."

Sino nga ba si Upwork? Ano nga ba ang Upwork?

Ang Upwork.com ay isang website kung saan pinagtatagpo ang mga clients at freelancers. Isa itong freelancing platform, kung saan pwede kang gumawa ng sarili mong profile upang makapag-post ng job opening or para makapag-apply ng trabaho.

Maaari natin ‘tong maihalintulad sa Facebook na isang social media platform, kung saan gumagawa tayo ng personal profile natin upang makipag-socialize at makipaghalubilo sa mga kaibigan natin.

Halos ganun lang din sa Upwork at sa ibang freelancing platforms, pero imbes mga ‘likes,’‘hearts,’ at ‘comments’ mula sa mga friends ang nais nating makuha, ‘invites,’ ‘offers,’ and ‘feedback’ mula sa mga clients naman ang dapat nating matamo bilang freelancers.

Anu-ano ang mga trabahong pwede kong gawin sa Upwork?

Kung slam book toh, too many to mention na siguro ang isinagot ko -nahalata ba ang edad? 🙂

But seryoso, napakarami. Subukan mong magpunta dun ngayon at tumingin tingin lang sa mga job categories nila.

Mula sa mga simpleng tasks tulad ng data entry, blog writing, research at transcription hanggang sa super techie na software development meron. May mga nakakatuwang categories din na baka bumagay sa iba't ibang hilig tulad ng pag-voice over, animation, photography, at illustration.

Madami talagang mapagpipilian at pwedeng subukan sa online freelancing.

Ano ang trabaho ko sa Upwork?

Data entry at research ang majority sa mga tasks ko. Meron rin akong bookkeeping client ngayon (dahil may Accounting background ako).

Kailangan ko bang magkaroon ng Upwork account?

Para makapag-apply sa mga job posts, kelangan mo gumawa ng Upwork account. Simple lang naman ang steps, tulad ng paggawa ng Facebook profile, pero syempre, mas paglalaanan mo toh ng oras at atensyon dahil ito ang titingnan ng mga clients kung ih-hire ka nila.

Kung gusto mo nang step-by-step guide, check mo 'to: How to Create an Upwork Profile

Pwede mo syang i-browse para magkaroon ka ng ideya kung ano ang mga dapat mong iprepare. I recommend na wag madaliin ang paggawa ng profile and mag-set aside ng at least 1 hour para kumpletuhin lahat ng details. Dahil dumarami na ang nais mag-freelancer ngayon,  naghihigpit na si Upwork at may approval process na sila. Makakabuti if seseryosohin mo ang paggawa ng profile para mas malaki ang chances na ma-approve.

May bayad ba ang Upwork?

Libre lang ang paggawa ng profile sa Upwork pero meron rin silang paid membership na $10/month (nasa P500 kada buwan). May mga magagandang benefits naman ang pagiging paid member, may mga nagsasabi ring mas malaki ang posibilidad na ma-approve agad ang profile mo.

Pero naka-free account lang ako mula sa umpisa, and so far, masaya naman ako rito at nakakakuha din naman ako ng client. Kapag nagka-client ka na, tsaka lang maniningil si Upwork sa'yo. Kakaltasan nila ng 20% service fee ang first $500 na kikitain mo mula sa client at  10% nalang kapag kumita ka na ng mahigit dun.

Paano mag-apply ng trabaho?

'Pag na-approve na ang profile mo, punta ka lang sa 'Browse Jobs' para maghanap ng mga trip mong job posts. Search search and basa-basa ka lang hanggang sa may makita kang gusto mong applyan.

Eto ang example ng isang writing job post sa Upwork. Kung bet mong subukan 'to, click mo lang ang "Submit a Proposal" button at magsulat ka ng cover letter.

Kung gusto mo ng guide kung paano magsulat ng cover letter, eto ang aming suggested links:

Upwork's Guide: https://www.upwork.com/blog/2010/05/how-to-write-a-cover-letter/

WFHR's Guide: https://vabootcamp.ph/ultimate-guide-to-writing-better-cover-letters/

Best Practices: https://vabootcamp.ph/6-cover-letter-templates-from-a-top-earning-seo/

Ano ang ibig sabihin ng Upwork Connects?

Mapapansin mo dun sa job post sa itaas na may nakasulat na "Required connects to submit a proposal: 2."

Ang Upwork Connects ay ginagamit ng Upwork upang masukat kung ilan pang proposals ang pwede mong mai-submit. Ang bawat freelancer ay may 60 Connects kada buwan (70 Connect kung naka-paid membership ka).

Ang bawat job post ay may kaukulang Required Connects para makapag-apply (madalas, nasa 2 connects siya). So kung tigd-dalawang Connects lang ang halaga ng mga job posts na inaaplyan mo, maari kang mag-apply up to 30 job posts sa isang buwan.

Nagre-refresh ang Connects tuwing 1st day of the month at hindi pwedeng i-carry over ang mga hindi nagamit na Connects (unless naka-paid membership ka). Sayang man ang matitirang Connects, I recommend na HUWAG mong uubusin ang connects mo monthly dahil kapag na-max out mo siya at hindi ka na-hire, maaring ma-suspend ang account mo.

Paano ko malalaman na nag-reply na si client?

Mag-eemail sila sa'yo. Makikita mo rin ang reply ni client sa Upwork Messenger, kung saan pwede kayong mag-chat bilang interview or discussion lang about sa tasks. Dito mo rin pwedeng i-message si client kung gusto mong i-followup ang status ng application mo.

Ingat lang sa pag-mention ng mga pinagbabawal na salita tulad ng Skype, Paypal, bank account, etc. May magpa-pop up naman na warning sa tuwing mababanggit ito. Mahigpit na binabantayan ni Upwork ang mga chat conversations upang maiwasan ang scam at pakikipag-kontrata sa labas ng Upwork.

Common terms rin ang mga salitang invites at offers sa Upwork.

Kapag nakatanggap ka ng invite, ibig sabihin, nagustuhan ng isang client ang profile mo at gusto ka niyang mag-apply sa job post or maimbitahan sa isang interview.

Kapag nakatanggap ka nito, mag-reply ka lang bilang pasasalamat sa invite, sabihin mo kung interesado ka ba sa job post, at kung kelan ka pwedeng makausap.

Kung offer naman ang natanggap mo, pwede ka nang ma-excite 🙂 Ibig sabihin, ikaw ang napiling gumawa ng isang task at may job contract na ibinigay sa'yo si client.

May mga cases din kung saan, sa sobrang galing na ng profile, eh job offer na agad ang ibibigay ng isang client (wala ng invite or interview man lang). Okay toh dahil in-demand ka na, pero I highly recommend na bago tanggapin ang offer, basahin muna at initindihin ang tasks para hindi ka ma-low feedback, in case di mo pala maintindihan ang gusto niyang ipagawa.

Paano makakatanggap ng sahod?

Dalawa ang klase ng projects sa Upwork: hourly at fixed price.

  1. Hourly 

Sa hourly projects, bayad ka sa kada oras na nagt-trabaho ka. Kelangan mong mag-download at iinstall ang Upwork Tracker, isang app na magr-random screenshot sa monitor mo para masigurado na nagt-trabaho ka nga (at di nagy-YouTube lang).

So kung $5/hr ang hourly rate mo at 40 hours a week ka sa full-time client mo, $200 a week ang sasahurin mo.

But syempre, wag kakalimutan ang Upwork service fee.

$200 x 0.20 = $40 Upwork Service Fee

$200 - 40 = $160 weekly (nasa P8,000 ang weekly sahod mo)

May cut-off tuwing * para sa ma-total ang hours worked at tuwing Wednesday make-credit ang sahod  sa pinili mong Payment Method

2. Fixed Price

Kung naka-fixed price naman ang projects mo, ibig sabihin, mababayaran ka lang kapag natapos mo na ang isang milestone. Kumbaga, project-based ang milestone at depende siya sa matatapos mo, regardless sa kung ilang oras mo siya ginawa.

Kunwari, pinagsulat ka ng isang 1,000-word article for $100. Mababayaran ka lang kapag natapos mo na ang article and considered as complete na siya kay client.

Kung mas malaking projects naman tulad ng pagsusulat ng 10 Chapters na manual, pwedeng kada matapos mo ang isang chapter ang katumbas ng isang milestone. So kada approved na chapter, mababayaran ka. Depende itong lahat sa agreement at contract niyo ni client.

Ayaw ma-approve ang Upwork account ko, ano ang pwede kong gawin?

Lately, naghihigpit na si Upwork para mapanatili ang balanse ng freelancers at clients sa platform nila. Kung hindi ka ma-approve dahil hindi pa 100% complete ang profile mo, kumpletuhin mo muna tsaka mag-submit ulit.

Kung sinabing marami nang freelancers na katulad mo ng skills, check mo lang kung anong skills ang nilagay mo. Subukan mong burahin yung ibang medyo common at magdagdag ng panibagong skills na posibleng makapag-meet ng demands ng mga clients.

Baka may mga tinatago kang expertise dyan sa pag-narrate, pag-photoshop, or kung anu-ano pa. I-mix and match mo lang ang iba't ibang skill sets, pasahin mo ang iba't tests, at kumpletuhin ang previous experience field (kahit internship or voluntary positions mo nuon).

Check mo rin ang blog post na ito para sa complete details:

https://vabootcamp.ph/why-did-upwork-reject-my-profile/

https://vabootcamp.ph/complete-upwork-profile/

Your best option:

Ang pinaka-practical na solusyon ko rito ay ang gumawa muna ng profile sa ibang freelancing platforms habang naghihintay kay Upwork.

Totoo nga na mas maganda kung may Upwork account ka, pero masasayang naman ang oras mo kung mag-aantay ka lng at walang gagawin. Magiging excuse pa siya para wag muna seryosohin ang freelancing.

Kaya kung ako sa’yo, gawa ka na muna ng ibang accounts sa ibang freelancing platforms.

Madami akong kakilala na naapagpayuhan nito, and mas nauna pa nilang natagpuan ang first clients nila kesa kay Upwork. O, di ba?

Hindi lang Upwork ang natatanging daan para maging isang freelancer. Madami pang iba, at basta may tiyaga ka lang sa paggawa ng profile at pag-submit ng cover letter, imposibleng hindi ka mapansin ng isang client. 🙂

So ayan, hanggang dito na lang muna siguro! Sana nasagot ko ang lahat ng mga katanungan mo tungkol kay Upwork.

Kung meron man akong nakaligtaan, just let me know sa comments sa baba and I'll do my best na sumagot kapag di busy sa work at sa pagiging nanay 🙂

Check niyo na rin ang Upwork Support at basa-basa sa forums nila, madami kang mapupulot jan for sure!

Kitakitz sa FLIP! 😉

Follow us on Social:

by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 comments on “Ano ang Upwork?”

  1. I'm truly enjoying the design and layout of yourblog. It's a very easy on the eyes which makesit much more enjoyable for me to come here and visit more often. Did you hireout a designer to create your theme? Great work!

  2. Hey There. I found your blog using msn. That is a really neatly written article. I'll make sure to bookmark it and return to read more of your helpful info. Thank you for the post. I will definitely return.

  3. An attention-grabbing dialogue is worth comment. I feel that it's best to write more on this topic, it might not be a taboo subject but generally individuals are not sufficient to talk on such topics. To the next. Cheers

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram