Gustong yumaman, pero ayaw magtipid.
Gustong sumexy, pero ayaw mag-diet or mag-exercise.
Gustong matuto pero ayaw mag-aral.
Gustong magka-client, pero hindi naman nag-apply or sumisipot sa interviews.
Ano ba talaga? Ang gulo natin kung minsan ano?
Tapos, when things don’t go our way, yung ibang bagay ang sisisihin natin:
…ang dami kasing gastos
…kay Anne Curtis lang gumagana yang diet at exercise dahil artista
…ang hirap kasi ng lessons
…di rin naman kasi magrereply yang mga clients
Naririnig ko rin toh sa mga freelancers sa FLIP. “Ang hirap kasi sa freelancing dahil ganito, tapos ganyan...”
Kawawa naman si freelancing, mga besh. Siya yung nasisisi kahit tayo naman talaga ang madaling mag-give up.
Madalas kasi, simple lang naman ang daan para ma-achieve natin ang mga goals natin. (Take note: Simple, malaking kaibahan sa ‘madali’…)
Pero based sa experience ko bilang student coach, eto lang ang #1 Reason kung bakit hindi nagkakatugma ang actions natin sa ating mga goals:
Mahirap man aminin, pero totoo...
Ayaw mong mag-diet dahil MAS priority mo ang kumain ng masarap.
Ayaw mong magtipid dahil MAS gusto mo ang lumabas at mamili ng bagong gamit.
Ayaw mong magbasa, matuto, o mag-apply dahil MAS trip mo ang ibang mga gawain. (FB, K-drama, mag-daydream, atbp.)
In this case, mas makakabuti kung aaminin mo ito sa sarili mo kesa patuloy mong sisihin ang pagd-diet, gastos, at freelancing. Sasama lang ang loob mo sa kanila kahit wala naman talaga silang kinalaman sa progress mo.
Pag natanggap mo na toh, tsaka ka na mag-plan ng action steps mo based on your priorities.
Eto pa ang mga dahil na naririnig ko:
Mag-fail. Ma-reject. Magkamali. Mahirapan. Mapahiya. Mapagtawanan. (pa-fill in the blanks na lang kung meron pa)
But ano pa man ang takot mo, eto pa rin yun: Mas priority mong protektahan ang 'ego' mo.
Sorry na kung mejo harsh, besh pero isipin mo na lang na nanay nyo ako na nag-sesermon 🙂
But honestly, sino ba naman kasi sa atin ang totoong immune sa pagkabigo at pagkakamali? Wala 'di ba?
So kung ide-delay mo ang goals mo dahil lang takot kang masaktan ang ego mo, then unrealistic yun dahil hindi ka perfect, besh. Pagdadaanan mo talaga yang rejections na yan kaya bilisan mo na nang malampasan mo na ang mga toh.
Sa computer. Sa English. Sa pagsusulat ng cover letters. Sa interviews.
May mas importante akong dapat tapusin. Busy ako sa bahay at sa mga bata. May fulltime work ako di ko na yan kakayanin.
Priorities pa rin 🙂 Dahil sa bawat oras na sinasabi mong hindi ka magaling or wala kang time, may ibang freelancers na naha-hire na katulad mo ng skill-level at situation.
MADAMING hindi techie, hindi inglesero, hindi nakapagtapos ng pag-aaral na nakapag-umpisang mag-freelance kahit full-time parents or may full-time job. Check success stories here.
The main difference?
Kumilos sila agad para maisakatuparan ang goals nila. 😉 Magkatugma ang action plans nila at ang mga nais nila ma-achieve sa buhay.
Wala namang problema kung iba talaga ang #1 priorities mo. But habang binabasa mo ito at na-realize mong gusto mo pa rin talagang ma-improve ang situation mo, then go for it!
TANDAAN: Magkaiba ang "wish" tsaka ang "goals". Ang isa pinapangarap, ang isa pinagsisikapan.
Kung paano pagsikapan, eto lang masasabi ko:
Hindi naman karera ang pag-aachieve ng goals so ONE A TIME lang.
Take one simple action a day muna - slowly but surely.
Kumabaga sa pagd-diet, aba’y wag mo namang biglain na hindi ka na magra-rice agad!
Lalo ka lang magk-crave nyan at magagalit ka na naman kay diet.
Wag mo ding subukan mag-100 sit-ups agad agad.
Sa sobrang sakit ng mga muscles mo, hindi ka na mag-eexercise ulit.
It's all a progression…
Pwedeng half-rice lang muna. The 'pag kaya mo na, tanggalin mo na si rice tuwing dinner.
Hanggang sa kaya mo nang once a day na lang siya, tsaka mo na pwedeng subukan na wala na talaga.
Paunti-unti lang dahil sa kada maliliit mong tagumpay, nakaka-build ka ng momentum at nakakapag-ipon ka ng discipline.
Sa freelancing naman, kahit 1 good cover letter a day i-submit mo, okay nay un kesa wala. Kung natatakot ka sa mga malalaking tasks, then focus on small tasks muna.
Sa interviews naman, practice ka muna with a friend (madaming willing tumulong sa group natin). Then, sipot ka sa isang real interview. It doesn't matter kung matatanggap ka o hindi, dahil yung pagharap mo sa client ay isang malaking progress na! Yung next interview mo, konti na lang ang kaba mo hanggang sa maging sisiw na lang sa'yo yan 😉 mas magiging confident ka, mas magugustahan ka ni client.
One small step at a time lang. Wag mong bibiglain ang sarili mo.
Importante toh. Kapag kasi may bagong goal ka sa buhay mo, madalas mahirap makakuha ng support from your old friends.
Sad but true - pero kasi, nakilala mo sila nung 'birds of the same feathers' pa lang kayo so kung mag-iiba ka na ng pakpak, normal lang na magkaka-resistance.
Example, sa diet ulit.
If gusto mo nang mag-diet at mag-exercise, pero ang mga kabarkada mo ay yung mga mahihilig pa rin mag-foodtrip, lagot!
Kung gusto mo nang magtipid, pero lumalabas ka pa rin with friends na sa mga sosyal na restaurant lang kumakain at parating namimili ng kung anu-ano, lagot ka pa rin!
Kung gusto mo nang mag-freelancing, pero ang mga hinihingan mo ng advice ay yung mga officemates or kapamilya mong never pa nag-freelance, talagang hindi ka makakakuha ng support na kelangan mo.
I'm not saying din naman na wag mo na silang kaibiganin.
But if you’re serious about your goals, you have to start meeting like-minded people.
Madali na toh ngayon dahil may internet. May mga FB groups at meetup.com events na pwede mong salihan.
"You're the average of the 5 people you spend the most time with" nga raw, so piliin mo nang mabuti ang magiging support group mo.
Isulat mo ang goals mo, pero mas makakabuti if gumawa ka ng vision board.
Mas klaro kasi, mas effective dahil mas magiging malinaw ang direction mo. Mas magiging specific din ang prayers mo kay God kapag clear ang goals mo.
And kung magkahairapan man, at dumami ang distractions sa paligid, may babalikan kang reminder to keep your mind focused. 🙂
Sana nakatulong sa inyo toh to get your head back in the game.
Instead na magtaka (or magreklamo) kung bakit di mo pa naabot ang goals mo, re-evaluate yourself kung bakit nga ba.
Magkatugma ba ang action mo sa goals mo?
I was smiling all the time while reading this Ms. Anna...cheers
may nagsasabi na nakakalakad pa naman. bakit daw mag wowork from home? 🙂
Hi Ms. Anna! Just got back on board after a couple of days na hindi nagcontinue on my bootcamp. Hindi sa tinatamad ako. Gusto ko talaga kaso hindi makayanan sa katawan. Pero ngayon I really wanted to stay late to finish action items...my back logs. I'm so inspired today lalong na itong mga LITANYA mo. Naku po parang sinuntok ako ni pambansang kamao at natauhan sa GOALS ko. Salamat po! I need tiyaga...I need energy...and I need you inspiration!
Hnd ko masyado naintindihan to at di ko alam kung pano sisimulan..
Thank you, Ms. Anna for reminding me.?? Bigla akong nagising! Nkita kong sarili ko dito..I really wanted to quit my full time job na to focus on freelancing.. mahirap KC mag aral at night when your emotionally & physically stressed at work during the day..Tama ka, I should make my vision board na. Pero dapat my deadline ??