Caregiver Abroad In The Day, Freelancer at Night - Interview with Joana Caluducan

April 3, 2019
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Caregiver Abroad In The Day, Freelancer at Night - Interview with Joana Caluducan #JasSuccess

Be prepared to be inspired once again with another JASSUCCESS LIVE Interview with Joana Marie Caluducan, who is currently working as an OFW in Taiwan but at the same time doing freelancing after her duties.

So why was she freelancing in the first place? It wasn't just to overcome her homesickness during her idle time - but to be able to see if she has the chance to come home to her family as soon as possible.

Because indeed, being an OFW is not at all easy. Missing the family, and not being able to see your kids - makes it really hard to be away. Until she saw a silver lining with freelancing.

This is where freelancing can be of great help. It will give you a chance to come home and be with your family, and at the same time have the means to provide for them.

In this interview you'll learn:

✅ How She Was Able to Land Freelancing Projects Despite Not Being Fluent in the English Language

✅ Why Freelancing is a Good Opportunity for OFWs like Her

✅ How Freelancing is Leading Her to Put Up Her Own Shopify Store

And a whole lot more…

Free VA Course for Newbies
FreeLancing In the Philippines (FLIP) FB Page
Subscribe to Jason Dulay's YouTube Channel

How does Joana work as a full-time caregiver while freelancing at the same time? Here’s what she got to say as she tagged us along with her virtual assistance journey.

Notable Quotes:

  •  Hindi dahil nasa abroad ka, marami kang pera. Hindi ganun. Kasi mas marami kang sweldo, mas marami kang obligasyon.
  •  Tapos na ako sa course in 5-6 days. Natapos ko sya sa kagustuhan ko na mag-apply na talaga.
  • Sa cover letter naman, kailangan marunong ka mag-English. Di naman kailangan na magaling ka. Siguro mag-research ka, mag-aral ka. Kagaya ng ginagawa ko ngayon. Di ako magaling pero patuloy pa rin ako sa pag-a-aral. Talagang nagbabasa ako. Yung cellphone ko, may podcasts yan. Subscribe ka sa kung saan my English movie para lang marinig mo yung English.
  • Mas focus ako sa mga na-gain ko, hindi sa struggle kasi na-e-enjoy ko yung pag-a-aral kahit mabilis. Naintindihan ko naman.
  • Ang pinaka-gain ko dito bago yung knowledge ay unang-una yung mga kaibigan ko.
  • High school graduate lang ako. Inaral ko yung course, madadagdagan yung knowledge mo, yung learnings mo. Ah kaya ko pala.
  • Yun ang mga na-gain ko: yung friends, lakas ng loob, at yung mag-reach out.
  • Sa akin kasi ang JasSuccess is yung successful ka na talaga. Parang makikita na may na-gain ka na or nakauwi ka na or nakabili ka na ng ganito. Kaya ayaw ko muna mag JasSuccess kasi wala pa akong naipapakita sa sarili ko pero nung inisip ko kung paano ko naitawid yung pag-aaral ko, yung mga interview ko na nakaka-nerbiyos. Yun pala yun.
  • May timeline ka kaya huwag ka magmadali. May timeline ka pero kalma lang. Isa-isahin mo yung mga gagawin mo. Tama ba yung mga maging desisyon mo or tama ba na umuwi ka na walang ipon?
  • Walang mangyayari pag magmadali ka.
  • Sisipagan mo na lang kasi pag tatamad-tamad ka din sa pag-a-apply, wala ring mangyayari sa yo.
  • Kasi talagang inayos ko yung assignment. Ginalingan ko talaga sya para pagka nilagay ko sa portfolio ko, makikita nila na, ah marunong to kasi meron syang mga screen shots. Kaya sobrang thankful ako sa VA Bootcamp na may module silang ganun tapos may certificate pa.
  • Gusto ko rin i-educate ang mga ibang OFW tungkol dito. Gusto ko rin silang tulungan, kung paano sila mag-start dito. Kasi maganda talaga syang opportunity pag talagang sineryoso mo or pag-aralan mo.
  • Yun din ang kagandahan dito na napipili mo din yung ina-a-applyan mo na dapat flexi lang yung oras mo.
  • Yung cover letter ko, napakasimple lang din. Kung paano yung itinuro ng VAB. Kaya lang huwag mo namang i-copy paste. Sa akin po, ini-iba ko kasi hinihimay ko talaga yung job post. Kung ano yung meron sa job post, binabanggit ko kasi gusto nila makasiguro na binasa mo talaga.
  • Syempre pag pinagmalaki mo, aralin mo para di ka mapapahiya pag nandiyan na yung client.
  • Work from home lang pero pag sineryoso mo, ang ganda ng sahod dito kung magtuloy-tuloy client mo, kung talagang matiyaga ka.
  • Wag mo lang hintayin na makuha mo. Ipagdasal mo kung gusto mo.
  • Kung may gusto kayong mag-aral, pag may hindi kayo alam, i-Google nyo or mag-research, mag-aral ng mag-aral. Huwag tayong tumigil magresearch kapag hindi po natin alam. Samahan natin ng dasal lage yung mga ginagawa natin lalo sa proposal kapag gusto natin. Parang yung sa Christian song na gustong gusto ko yung "The more I seek you, the more I find you". Parang sa proposal or cover letter natin, the more na magpapasa ka naman, mas marami kang mapupuntahan na job.
  • Maghanap ka. Huwag yung maghintay lang. Hanapin mo kasi hindi talagang kukusang lalapit sa inyo yung trabaho talagang kelangan maghanap.

Joana’s Feelancing Journey:

  • She had an online business, but failed and decided to work as a caregiver in Taiwan.
  • Joana had to find a way to ease the boredom and loneliness from being away from her family.
  • She was introduced to freelancing by her friend who was working from home at that time through Upwork.
  • She registered in Upwork but it took her a year before submitting her first application.
  • Her curiosity piqued when she saw Jason in YouTube videos.
  • She came across the free courses through endless research. She was not satisfied and wanted in-depth learning so she enrolled in the Bootcamp.

Q & A Highlights:

What attracted you the most to the freelancing lifestyle?

As OFW, ayaw ko namang tumanda dito. Gusto ko ring umuwi tapos ang liliit pa ng mga anak ko. Yung mga napapanood ko sa VA Bootcamp na kasama nila yung mga baby nila habang nagtratrabaho sila. Sabi ko sa sarili ko, Wow! Parang okay ito.

Share mo naman sa amin how come you had an online work even if you think na hindi ka ganun magaling mag-English.

Actually di ko alam. Lumabas na lang sya. Pag foreigner ang kausap mo, sasabihin ng client sayo na mag-relax. Sa cover letter naman, kailangang marunong kang mag-English. Di naman kailangan na magaling ka.

Ano yung naging struggle mo since you're working fulltime. Paano mo naisabay yung pag-aaralmo?

Stuggle ko noong una yung puyat sa kagustuhan ko na matapos agad. Inaabot ako ng alas dos tapos ang aga ko pang magising. Alas sais pa lang, gusto ko ng manood na ako.

Sino/ano yung motivation mo?

Ang motivation ko ay mga anak ko. Gusto ko na makasama na sila at gusto ko na rin matapos yung mga iba ko pang obligason sa Pilipinas.

Paano mo na-overcome yung pag-scam sa yo? Meron ka bang naging online friends dito or how do you cope up?

Nagkaroon ako ng mga virtual friends. Parang kapatid nga ang turing ko na sa kanila. Parang nagkaroon ka ng biglang kapatid sa malayong lugar. Pag tahimik ka, ichecheck ka nalang nila.

Paano kayo nagkakausap ng mga anak mo since fulltime ka sa work at may freelancing ka? How do you manage your time?

Natatawagan ko naman sila palagi pag may free time ako. Tawag pa rin ako kahit nakukulitan na sila sa akin para hindi nila ako makalimutan.

Ano ang niche mo?

E-Commerce tapos Social Media Manager.

How did you discover your niche? Did you learn E-commerce through the VA Bootcamp?

Opo. Meron akong online selling dati pa. Nagbebenta ako ng kung ano ano na tingin ko may bibili naman. So yung E-commerce, magagamit ko sa pagbebenta ko. Tapos syempre yung work ko sa una kong client kaya yun na lang pinursue ko na niche. Nakatulong ng malaki yung E-commerce course sa VA bootcamp.

Anong mai-a-advice mo sa mga ibang OFW’s?

Sa mga OFWs na kagaya ko. Kahit gusto mo silang i-guide, meron pong tao talaga yung para sa kanya lang yung ganitong gawain kasi mabusisi sa phone, sa laptop. Kaya meron talaga yung mga ibang tao na ayaw nila. Sana mag-ganito din sila. Gusto ko rin iparating din sa kanila yung mga ganitong pag-aaral para ma-realize din nila na mas maganda dito.

Tips on cover letters and profiles.

Yung cover letter ko, napakasimple lang. Kung paano yung itinuro ng VAB kaya lang huwag mo namang i-copy paste. Sa akin po, iniiba ko kasi hinihimay ko talaga yung job post. Kung ano yung meron sa job post, binabanggit ko kasi gusto nila makasiguro na binasa mo talaga. Ganun din sa profile. Nagkatalo lang siguro sa mga screenshot ng portfolio ko kasi talagang nilalagay ko po talaga doon.

Saang platform ka nakakuha ng work?

Sa Upwork lang ako talaga kasi nung wala pa akong profile sa Upwork nag Freelancer ako. Grabe talaga yung scam doon pero sa Upwork lang talaga ako sinuswerte.

Last piece of advice sa ating mga nanonood right now para magkaroon naman sila ng work online.

Sa mga newbie ngayun, sa mga nag-aaral pa lang or gustong pumasok sa ganito, ituloy tuloy nyo lang po. Dapat din dito magdasal. Wag mo lang hintayin na makuha mo, ipagdasal mo kung gusto mo.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

161 comments on “Caregiver Abroad In The Day, Freelancer at Night - Interview with Joana Caluducan”

  1. FLIP MEET UPS

    CEBU – April 6, 1PM at Handuraw Pizza Mango Square, Cebu City

    LAGUNA – April 7, 2PM at Bilkish Café, Calamba, Laguna

    TARLAC – April 13, 1PM at Diwa ng Tarlac Hub Area

    CAVITE - April 13, 2PM at Incub8 Space, Kawit, Cavite

    DAVAO – April 27, 1PM at Kopi Factory, Davao City

    1. Ang VA Bootcamp ay yan ang backbone ko. Halos lahat andun to help you face the freelancing journey. And we have there a community that readily and willingly helps. Mostly din ay the client would train you with new tasks.

  2. “Sa mga newbie, nag-aaral pa lang, tuloy tuloy niyo lang. Ako po, never ako naging madasalin na tao, pero nung napasok ko freelancing, dapat pala pinagdadasal ‘yung mga ganito, wag mo lang intayin na makuha mo (yun job).” - Joana Marie Caluducan

  3. Thanks for the inspiring word, for the motivation we've learn a lot from youJoana Marie Caluducan ,take care and GOD BLESS YOU,Always!thanks Ms.Pinky!Good evening!

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram