E-com Specialist Didn't Have Her Own Laptop When She Started Freelancing

August 25, 2021
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

There's a person you need to meet.

Her name is Joyce.

A former factory worker, canteen helper, and fast food crew.

Now?

She's one of our successful freelancers.

Though not consistent yet, she's making Php70,000 to 6 figures every month.

Boom!

Would you believe, wala siyang laptop at Internet when she started.

How did she do it?

How did she go from zero to making 6 figures a month?

Does she have any strategies for getting clients?

Watch this replay to know her answers.

Introduction

Joyce Puro was a former computer shopkeeper, factory worker, service crew, and agency employee.

Her “never say die” attitude overcame every struggle she had faced on her journey of becoming a successful freelancer.

Learn from her story on how she became an eCommerce Specialist and landed multiple clients until today.

Notable Quotes:

  • Wala akong laptop or internet nun pero nag reach out ako sa kanya. Hindi ako nag hesitate.  Hindi ako nag-atubili na mag reach out kasi iniisip ko pag nandyan naman yung trabaho kaya mo na siyang gawan ng paraan.
  • Ako kasi yung tipo ng tao na kinakabahan ako pero alam ko yung pwede kong maging possible solution. 
  • Kung nag start ka pa lang, wala kapang idea, so grab the opportunity, wag kang magsasayang kasi nandun na yung opportunities.
  • Pag ina-allow talaga ni God na alam mong sayo talaga yung time na yun, sayo talaga walang makakapigil kahit anong problema.
  • Hindi ako marunong mag english. That time kasi tumatak sa isip ko dun sa sinabi ng kakilala namin "hindi ka makakapasok sa ganitong industry kung di ka marunong mag english". Pero sabi ko, hanggat hindi ko nasusubukan, paano ko mapapatunayan na tama yun?  So, ang ginawa ko sinubukan ko muna.
  • Malaking bagay talaga kung prepared ka, yun yung nagsalba sa akin kasi hindi ako marunong mag english yung mga kasabayan ko marunong mag english at may experience na sila.
  • At the end of the day, solution is the key. At saka walang ibang magbigay ng solution kundi sarili mo lang.  Ikaw yung maghahanap ng solution sa problema mo.
  • Merong mga instances na kailangan mo talagang tiisin, so hindi natin masisisi yung mga taong nagtitiis kasi hindi naman din ganun kadali  yung mag set ka sa sarili mo na hindi pwedeng eto na lang ng eto.  Pero ako kasi, ang number one motivation ko is wag magutom at saka kasi I experience na walang makain sa loob ng isang araw.
  • Sabi nila makuntento ka kung anong meron ka  pero ako kasi  hindi ako naniniwala sa ganun. Pero mas maganda yung hindi ka naniniwala sa contentment pero happy ka.  Kasi pag nakuntento ka na lang kung anong meron ka, paano kung mahirap yung buhay tas kuntento ka na dun? Hindi tayo pare-parehas ng mindset pero isipin mo na lang kung ginagawa na nga ng iba, what if subukan mo wala namang mawawala. Pag hindi mo pa nasusubukan hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kaya.  Subukan mo muna, kapag hindi mo talaga kaya, dun mo sabihin kung kaya mo o hindi mo kaya.
  • Iba iba yung skills natin. Meron pa hindi nadi discover at saka merong nadiscover mo na, ini ignore mo lang.
  • Kung gusto mong mag success, you need to take the risk.  Kailangan susugal ka din talaga.
  • Mapalad lang ako na nagkaroon ako ng experience pero hindi. Kasi bakit naman yung sa corporate pag nag apply ka ba may experience ka na kaagad? Kasi matutunan naman yan.  Kasi yung sinasabi ng iba, hindi naman nilalahat, pero may mga iilan kasi sa freelancing na pag walang kang experience nadi discourage ka na. Pag ganyan yung mga tao na nakausap mo hindi ka talaga makakapag-umpisa.
  • Yung ginagawa mo sa client mo pag nasa ecommerce ka pwede mong gawin sa sarili mong business. So, magandang opportunity sya lalo na ngayon kasi in demand ang ecommerce.
  • Marami talagang gustong mag start na walang equipment, walang resources.  Pero ngayon naisip ko kahapon nung binasa kong pandemic ngayon .  Ang ma advise ko sa mga walang resources, since mobile phone ngayon ang gamit natin at may internet na nag load ka . What if na doon pa lang simulan mo na paunti-unti, single steps hanggang sa makapag ano ka ng client. Halimbawa sa phone lang maraming resources ngayon na using phone makagawa ka ng resume, cover letter, makapanood ka ng webinar , makakapanood ka ng free course.  Doon pa lang muna simulan mo na.
  • Pag wala kang pera, kasi aminin na natin ngayong pandemic talagang maraming nawalan ng trabaho. Ang gawin mo, hindi ko din sinasabi na e risk mo rin ha. A bright idea is kung meron kang mga lumang damit, gamit na hindi na ginagamit, what if mag live selling ka until maubos mo yung mga hindi mo naman kailangan. Maipon mo yung pera na yun. Makapag provide ka ng laptop. Ngayon in demand pa din ang mga pautang, mga rent na laptop dun ka mag start. Walang nakakahiya mag start sa ganun. Huwag mong intindihin yung alam mo na meron silang laptop. Bless sila. Bless sila na meron silang equipment and resources.
  • Huwag nyo nang i-mindset yung "wala akong resources". Andyan na. Internet na. Malawak yung internet. Maraming resources dun. Hindi ka nga lang marunong mag baking pwede kang mag youtube.
  • Dun naman sa mga "Hindi ako marunong mag english", "Natatakot  akong mag start kasi hindi pa ako confident". Kailan ka pa mag start pag confident na confident ka na? Subukan mo. Hindi ka naman mamamatay kung isang beses pa lang ma reject ka na . Pero learnings. Pag na reject ka one time, alamin mo kung bakit ka na reject. May mga client na nagbibigay ng feedback kung bakit ka na reject. Pag may nakikita ka ng ganung client na nagbibigay ng feedback nila, yun yung aralin mo at sa next interview mo or next client mo huwag mo ng gawin. E avoid mo sya. Atleast, kahit ilang beses kang ma reject, for sure naman merong 1 percent or 1 client na ma hire ka kahit sa pasimula. Hindi eto mabulaklak na salita. Sure na sure ako dun.
  • Sa mga walang skills, para sa akin gasgas na yung salitang "wala po akong skills", "wala akong experience". Alamin mo, hindi mo lang siguro na ano ngayon di mo pa lang . Halimbawa marunong kang mag copy-paste, mag start ka dun sa typing job. Kung gusto mo yung pagbebenta, mag follow ka dun sa mga nag start na din ng business na ecommerce.  For example, call center ka before or wala ka talagang alam sa english or sa calls pero confident  ka naman sa pananalita mo, what if mag follow ka dun ng mga taong sa ganung industry. Sa ganung paraan meron kang makukuhang experience. Lakasan lang ng loob lalo na ngayong pandemic. Kapag  hindi malakas yung loob mo ay wala. Di ba maraming mayayaman, kung hindi sila dumiskarte nung wala pang pandemic siguro ngayon gutom na . So, diskarte lang yan.  Kung ako nagawa ko for sure mas marami pang kagaya natin before na beginners na makakagawa baka nga mahigitan pa tayo.
  • Karamihan sa atin ugali nating nagtitiis. Kailan ka magtitiis? Nasa sitwasyon tayo na tag gutom . Walang ibang taong mag kukuha sayo . Siguro one day or two days pwede kang tulungan pero ikaw pa rin hahanap ng solution.

Joyce’s Journey to Freelancing

  • She got married at a young age. And her first job was as a computer shopkeeper with only a  P100/day salary.
  • In 2016, she found her next job as a factory worker.  Then, she decided to apply to Jollibee to pursue her dream to work as a Cashier.  But, she failed the height requirement.  Though discouraged,  she persisted and told the manager that she could work even as a kitchen crew and finally got the job.
  • Then, she was transferred to Chowking and got the chance to reach her goal to become a Cashier.  And realized that she would finish her studies.  But it was difficult for her to juggle her work as a service crew and her studies at the same time.  So, she decided to resign and accepted the job as a canteen helper together with her husband.
  • She started online selling to meet her school needs and other expenses.
  • To find more income sources, she reached out to her friend who was already working as an Amazon freelancer.  She asked for help from her to get an online job. Eventually, her friend outsourced work for her.
  • She got her first job as an Amazon Virtual Assistant and her first struggle was not having a laptop and internet.  So, she decided to do her work at the computer shop.
  • She got her first salary and she invested it in buying a laptop and internet subscription.
  • In 2017, she saw the ad of Jason Dulay and found out that what she's doing was similar to what the ad was trying to say.  That's the time she started to learn a lot about freelancing. That learning led her to quit working with outsourcing agents and decided to go solo.
  • She joined a freelancing group where she learned how to create a resume, cover letter, and where to find a client.
  • Then, she applied directly to the clients and got her first non-agency job as an Amazon Virtual assistant.  Until now, she has had multiple eCommerce clients and felt blessed for all the things that she received.

Q&A Highlights

How long did it take you to endure before na nasabi mo na,  “sandali, hindi na pwede eto” at “kailangan ko nang umahon”?

Actually, sa akin hindi sya tumatagal ng year.  I mean, hindi naman sa lahat ng pagkakataon merong mga instances na kailangan mo talagang tiisin. So, hindi natin masisisi ang mga taong nagtitiis.  Kasi hindi na man din yun madali na mag set ka sa sarili mo na, “hindi pwedeng eto na lang ng eto” pero kasi ako ang number one motivation ko is wag magutom.  At saka ako kasi, I experience na walang makain sa loob ng isang araw.  So, sabi ko pano if hindi eto yung trabaho ko? Parang hindi ko alam if kaya kong suportahan yung family ko.  Kasi maraming nawalan ng trabaho, maraming nagsara ng business.  Sabi ko, maganda rin pala may ganun kang attitude.

Sabi nila makuntento ka kung anong meron ka, pero ako kasi hindi ako naniniwala sa ganun.  Pero mas maganda yung hindi ka naniniwala sa contentment, pero happy ka.  Kasi pag nakuntento ka na lang kung anong meron ka, pano kung mahirap yung buhay? Tas kuntento ka na dun? Hindi tayo pare-parehas ng mindset pero isipin mo na lang kung ginagawa na nga ng iba eh, what if subukan mo.  Wala namang mawawala.  Pag hindi mo pa nasusubukan, hindi mo pwedeng sabihin na hindi mo kaya.  Subukan mo muna.  Kapag hindi mo talaga kaya at nasubukan mo na, at hindi mo pa rin kaya, dun mo sabihin kung kaya mo o hindi mo kaya.

Bakit ka naglakas loob na mag rent ng laptop?

Nakasanayan ko na kasi sya. Di ba, natatandaan mo sabi ko sa’yo, wala akong pang tuition pero naglakas loob akong mag enroll sa college.  Pero humanap ako ng solution tapos iisipin mo pa yung tuition mo, yung pang araw-araw mo na gastos. Naglakas loob din ako na e-risk yung natitira kong pera, pumunta ng divisoria na wala naman akong idea kung mabibili ba yung cosmetic na yun.  So, what is the most important things na magiging set mo sa mind mo is, kung gusto mong mag success, you need to take the risk.  Kailangan susugal ka din talaga eh.   

One thousand pesos malaking bagay na sa akin that time, pero bakit ko sya ni-risk na mawala dun sa sahod ko? Kasi naisip ko, what if maganda tong opportunities na to at pinakawalan ko? Nandito kaya ako ngayon? Kikita kaya ako ng ganito kung dun pa lang ni regret ko na o ipinawalang bahala ko na?  Manghihinayang ako sa one thousand pesos kung ilang dollars naman yung kikitain ko.

Naranasan mo ba yung part na gusto mo nang mag quit sa freelancing?

Sa freelancing hindi ko naramdaman yung sumuko.  Sa corporate, oo. Kasi sobrang hirap talaga.  Hindi ko naman nilalahat.  Pero dito kasi sa atin sa pilipinas, may discrimination pag hindi ka naka graduate.  Hindi ka graduate ng college, hindi ka makakasahod ng magaganda.  Pero sa freelancing yung gusto ko, pag nasa bahay ka lang, walang pakialam yung client even di ka graduate ng college.  Lalo nga akong na energized sa freelancing.  Lalo ko syang natutunan ngayon na marami palang pwede i-improve.

When you’ve discovered VA bootcamp and nakita mo yung ads, hindi ka ba nagmarunong na “ay hindi, alam ko yan, ginagawa ko na yan eh”.  Were you even more interested discovering your potentials?

Hindi. Mas na curious ako lalo.  Kasi sabi ko, nakakapag ads sila. Dati tingin ko sa mga nag ads, high paying yun. Pag may mga ganun, ibig sabihin ok yung industry na to .  For me kasi, kahit na siguro sobrang galing mo na sa freelancing o sa isang bagay, may mga kulang pa rin na skills.  Kasi everyday nag i-improve ang system sa internet, nag i-improve yung mga ginagawa mo before, baka hindi na yung latest version. So, kailangan mong wag tumigil.  Tulad sa amazon, alam ko syang gawin pero maraming secrets pa dyan.

Sa experience mo, kailangan ba ng experience talaga  to become an ecommerce VA?

Mapalad lang ako na nagkaroon ako ng experience pero for my personal opinion, hindi.  Kasi ba’t naman sa corporate pag nag apply ka ba may experience ka na kaagad?  Kasi matutunan naman yun eh.  Hindi naman nilalahat pero may mga i-ilan kasi sa freelancing na pag wala kang experience nadi-discourage ka na.  Pag ganyan yung mga taong nakakausap mo, hindi ka talaga makakapag umpisa.

In your experience, was there ever a time na kailangan mong i-reveal ang iyong educational background sa client mo?

Meron. Mostly, mga ganung humihingi ng educational background is mga agencies.  Marami kasing klase sa freelancing, may agencies, may direct clients, so ang natutunan ko din ngayon ay hindi na ako tumatanggap ng agencies kahit invites. Kasi, sorry hindi ko din nilalahat, kasi basis nila yun, policy nila yun, so wala ka naman ring ikagalit sa mga nagha-hire.  Pero the good thing is,  kung makakahanap ka ng direct client, na hindi sa agency, mas maganda.  Actually, yung mga hindi naghahanap ng educational background direct client.

What is your niche right now? Are you fine-tuning your niche now?

Nag focus talaga ako sa ecommerce like Amazon, Ebay, and then Shopify ngayon merong i-ilang clients.

What made you decide on eCommerce?

Hindi ko naman sya denecide eh,  yun yung experience ko and I love selling.  Parang natutuwa ako na we’re doing the business ni client para kang nag b-business.  Yung ginagawa mo sa client mo pag nasa ecommerce ka, pwede mong gawin sa sarili mong business yun. So, magandang opportunity  sya lalo na ngayon kasi super in demand ang ecommerce.

Paano makahanap ng direct client since you recommended na maganda pag direct client?

Kahit saan may mga direct client.  Malalaman mo kasi  kung agency yung a-aplyan mo kasi sa posting.  Sa atin kasing mga freelancers, alam mo na kung ang nag post na yun ay si HR or yung mismong client. So dun pa lang, alam mo na kung direct client sya.  Pero hindi ko dini-discourage na wag kayong mag apply sa agency ha.  Maganda rin ang agency kasi stable.  Pwede ka nilang hanapan ng client kapag wala ka na dun sa client account na yun. Personal opinion ko lang na ayaw ko na ng agency.

Nag provide po ba ng trainings ang clients once na ma hire ka?

Pag ang front mo is experienced ka na, ang i-train na lang sa’yo ni client, yung mga tools na hindi mo alam. Pero kapag yung front mo ay beginner ka, na wala ka talagang experience pero gusto mong matuto nung niche na yun, sample etong ecommerce, may mga client na  nag provide ng trainings.  Kasi every clients paiba-iba yung system , iba-iba yung strategies.  So, meron pa rin namang talagang trainings kahit saan naman.  Kahit hindi sa ecommerce,  kahit sa ibang niche.

Hindi ba scam ang ecommerce?

Actually, may mga tao kasi na ginagamit yung ecommerce sa mali.  Nagpapabango sila masyado sa mga binibitawang details sa internet. Pero ecommerce is very true.  Baka ikaw na lang yung naniniwala na hindi true yung ecommerce. Madaming kumikita ng milyon sa ecommerce.   Merong ecommerce na naglalabas ka talaga ng pera, kung business owner ka.  Lahat naman eh, kahit hindi ecommerce.  Merong mga business na kailangan mo talaga ng puhunan.  Pero meron sa ecommerce na laway mo lang puhunan, ang internet, equipment.  Yun yung dropshipping na sinasabi ko.  Maraming ways ang ecommerce.

What is the biggest advice that you can give to our audiences today?

Nung una, gusto kong e advise sa inyo yung ginawa kong solution. Aminin na natin marami talagang gustong mag start pero walang equipment, walang resources.  Pero ngayon sabi ko pag ina-advise ko yung ginawa ko before, hindi  na sya applicable kasi wala namang computer shop ngayon.  So, ang ma advise ko sa mga walang resources,  since mobile phone ngayon ang gamit natin tas may internet na nag lo-load ka .  What if na dun pa lng, simulan mo na paunti-unti, single steps hanggang sa makakita ka ng client.  

Sa phone lang maraming resources.  Makakagawa ka ng resume, ng cover letter, makapanood ka neto ng webinar, makapanood ka ng free course.  Pag wala kang pera, hindi ko sinasabi na i-risk mo din ha, a bright idea is kung meron kang mga lumang damit, gamit na hindi na ginagamit, what if mag live selling ka until maubos mo yung mga hindi mo naman kailangan.  Maipon mo yung pera na yun, makapag provide ka ng laptop. Ngayon, in demand yung mga pautang, yung rent ng mga laptop, yun dun ka magstart.  Walang nakakahiyang mag start sa ganun. Wag mong intindihin yung alam mong meron silang laptop. Bless sila eh.  Bless sila na meron silang equipment at resources.

Wag nyo nang e mindset yung “wala akong resources” .  Andyan na eh, internet na. Malawak yung internet.  Maraming resources dun. Hindi ka nga lang marunong mag baking pwede kang mag youtube.

Dun naman sa mga “hindi ako marunong mag english”, “natatakot akong mag start kasi hindi pa ako confident”, Kailan ka mag start? Pag confident na confident ka na?  Subukan mo.  Hindi ka naman mamamatay kung isang beses pa lang ma reject ka na.  Pero learnings. Pag na reject ka one time, alamin mo kung bakit ka na reject.  Pero may mga client na nagbibigay ng feedback kung bakit ka na reject.  Pero mostly wala kasi pag mga business owner hindi na nila pina pansin. Pag reject ka, reject ka. Pero may mga client naman na nagbibigay ng feedback. Pag nakakita ka ng client na nagbibigay ng feedback nila, yun yung aralin mo. Sa next interview mo o next client mo wag mo na gawin.  E avoid mo sya.  Atleast, kahit ilang beses kang ma reject, for sure naman merong one percent o one client na maha-hire ka. Kahit sa pasimula.  For sure yun ha,  hindi mabulaklak na salita. Sure na sure ako dun.

 

Tapos ang tips ko pa sa mga walang skills, para sa akin gasgas na yung “wala po akong skills eh”  “wala akong experience”. Alamin mo. Halimbawa, marunong kang mag copy-paste, eh di mag start ka dun sa typing job.  Pag gusto mo yung pagbebenta, mag follow ka dun sa mga nag start na din ng business na ecommerce.  For example, call center ka before, I mean wala ka talagang ano sa english pero confident ka naman sa pananalita mo , what if mag follow ka din ng mga taong sa ganung industry.  Lakasan lng ng loob, lalo na ngayon pandemic, pag di malakas yung loob mo ngayon, ay wala. Di ba madami ngang mayayaman, kung hindi sila dumiskarte nung wala pang pandemic, siguro ngayon gutom na.  Kung ako nagawa ko, for sure mas maraming pang mga kagaya natin before na beginners na makakagawa, baka  mahigitan pa tayo eh.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

60 comments on “E-com Specialist Didn't Have Her Own Laptop When She Started Freelancing”

  1. Thank you for every other excellent post.Where else may just anybody get that typeof information in such an ideal method of writing?I've a presentation next week, and I am at the search for such info.

  2. Everything is very open with a really clear description of the issues. It was truly informative. Your site is very helpful. Many thanks for sharing.

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram