How A Newbie Managed A 3-person team in just 4 months - An Interview with Emmanuel Domingo

May 17, 2017
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Emmanuel Domingo is a newbie to freelancing - he just started freelancing 4 months ago. But in that short amount of time, he was able to hire 3 people AND earn over P100,000 as a team! If he was able to do that in 4 months, so can you! Emman is not a super-genius or an English expert. How was he able to do it?

Free VA Course for Newbies
Work at Home Pinoys FB Page
Free SEO Course
Learn How to Do SEO

Notable Quotes

  • ● Ano ba talaga ang goal mo in life then? Ano ba talaga goal mo na ma-achieve, kung magkano na rate gusto mo? Kasi without goal para sakin, without goal wala kang mararating kasi talaga, pag without goal kasi ganito lang yan, tatanggap ka ng trabaho, aalis ka, tatanggap ka ulit ng trabaho aalis ka, kasi ganon yung nangyayari sa freelancing eh napansin ko, base din sa nababasa ko na like, for example kuha ka ng,
    ng trabaho, tapos di mo nagustuhan, lilipat ka ng iba, kuha ka ulit ng trabaho, lilipat ka ulit ng iba.
    ● ‘Wag nating hayaan na sobrang baba yung offer, kasi pag nakita ni client na tumatanggap ka ng 2 or 3 dollars dun ka niya mapapansin, share ko lang, meron akong before parang nagbibid kami, meron akong ka bid, 3 dollar daw yung offer, sabi ni client, “there are VAs that are saying that they are good and only 3 dollar”, sabi ko, “sige client ganito nalang, try mo si 3 dollar, try mo rin kami. Tignan natin for example 10 hours then after 10 hours tignan natin yung difference nung 3 dollars sa 7 dollars.”
    ● Huwag tayong mahiyang makipag kwentuhan sa mga client natin kasi alam niyo, ang isang reason kung bakit sila nag-outsource ay para maka tipid at mag-a- outsource pa rin sila. Kaya kung meron kang mai-te- train na kagaya mo, kung meron kang mai-te- train na
    kapamilya mo, pwede nyo silang i-refer. Yan yung isa sa pinaka maganda, ako rin di ko rin alam kung bakit napadali yung process kasi meron akong ugali na yung ginagawa ko, nire-record ko. Gumagawa ako lagi ng checklist. Yung step by step, paano ko ginawa ito, ganoon at screenshot. Ngayon nung nag start yung kapatid ko, binigay ko nalang yung checklist tapos konting tanong na lang siya. Para alam niya, pati yung naka-indicate na anong tools na ginamit ko. Ano yung mga log-ins na ginagamit ko. So step by step tapos sa bandang huli meron checklist kung tama ba yung ginawa nya. Yung ganoon kaya mas napadali yung ginagawa namin.
    ● Nagkaroon ako ng habit na I’ll make sure na everyday, meron akong 4 na proposal. Take note, yung proposal po na yun, ay hindi kinopya. Yung kapag binasa ko yung cover letter ni client, parang ina-analyze ko mabuti, ina-apply ko yung kung ano ba yung magiging punch line ko from the start like for example, are you looking for a well-rounded VA. Powerful yung nasa bootcamp napansin ko. Hindi siya sobrang haba.
    Hindi siya mala-telenobela. Masasabi ko kahit hindi naman sobrang profesional yung cover letter natin, pero maikli at naiintindihan ng client yung pinupunto at yung kaya mong gawin.
    ● Hindi ko hinahayaan na dumadaan ang isang linggo na hindi ko nakakwentuhan ang client ko. Maraming pwede mapagkwentuhan. So hindi ako pumapayag na hindi kami magchachat o hindi kami magkausap sa Skype kasi nagbibuild ako ng hindi lang business kung hindi relasyon din sa kanila. Kasi tinitignan ko na time will come mabubuo yung gusto kong team of 5 at sila yung pwedeng maging client namin. Kasi nakita na nila kung papano kami gumawa. Nakita na nila yung quality ng trabaho namin.
    ● Tandaan po natin, minsan mas mataas ang ini-offer ni client, dapat mas professional kausap yan, ibig sabihin, hindi sila yung maliit na kumpanya or hindi sila yung sobrang barat, kasi pag pinagaralan ninyo ang rate ng empleyado nila at sa Pilipinas, makikita nyo po, yung ibinabayad nila sa atin for 1 month, 1 week lang ng isang empleyado nila. Kaya tip ko lang. wag niyong tipirin sarili ninyo.
    ● Build relationship. Gamitin natin yung pagiging makuwento natin. Most of them gusto makipag kwentuhan satin ang problema takot tayo, bakit? kasi palpak yung English natin. Hello, ako po, andami kong grammar lapses pero ako at yung client ko ay nagtatawanan lang kami, confidence lang po talaga.
    ● Dun ko na realize di pala ko dapat nagmamadali kasi noong nakita ko yung laki ng Upwork at  ang dami ng platforms na pwede akong maghanap ng client, so sabi ko, anlaki, andami, at guys kahit sa Facebook naka kuha ako ng client
    ● Wag nating hayaan na maging VA or virtual assistant tayo for the rest. I mean andami mong specialization pagdating dito.
    ● Tsaka pag na win mo yung, I mean yung heart ni client, na hindi mo sila iiwan, sila mismo mag-ooffer sayo ng increase. Kasi, eto pa yung natutunan ko ah, yung mga kinukuha natin na employer, ayaw nilang mag-aksaya ng panahon magtrain pa ng bago. Kaya surely pagnakuha mo sila, alagaan mo sila, alagaan ka rin nila. Kasi na remember ko, sabi ni Sir Jason, "do not try to be everything sa cliente", focus mo lang kung anong tinatanong nya na kailangan nya. Hayun ang sabihin mo na kaya mong gawin, wag niyong sabihin na kaya ko ‘tong gawin, pati ‘to, pati ‘to, pati ‘to, sigurado ako mapapagod ka.
    ● Doon ko na realize na oo hindi lang pala ikaw ang dapat may concern sa ginagawa mo pati si client, dapat kayong dalawa magtulungan, Yun yung natutunan ko, wag tayong mag overthink na pag di natin nagawa ng maayos, masisipa na agad tayo, No!  ang una mong dapat gawin, makipag communicate ka, sabihin mo sa client mo kung ano ang problema, kasi kapag hindi mo sinabi kung ano yung problema, sasabihin sa’yo ng
    client, kung sinabi mo ‘to ng mas maaga or mas mabilis, nasolusyunan natin hindi yung marami ka pang oras na naaksaya.
    ● Tanggalin natin sa sarili natin na pag nagtanong ka sa cliente ay nagmumukha kang parang bobo. No, minsan kapag nagtatanong po tayo sa cliente, mas nai-isip or mas nararamdaman ng cliente na interesado ka at gustong gusto mo ang trabaho kasi nagtatanong ka patungkol duon eh, kaya wag mahiyang magtanong.
    ● Lahat ng mga ginagawa nyo sa mga cliente nyo, i-compile nyo. Gumawa kayo ng video. Gumawa kayo ng mga lessons, then maghanap kayo ng somebody or someone na makapagkakatiwalaan niyo, yung hindi kayo basta basta iiwan, take note kukuha kayo ng panibagong cliente. So Pag kuha kayo ng panibagong cliente, may bago kang pangangalagaan, so pag iniwanan ka ng panibagong hire mo, bigla-bigla di niya
    nagustuhan yung trabaho sigurado ako kayo ang magkakaproblema.
    ● Ihanda mo yong materials mo para sa pagtuturo para ma-lessen yung time ng pagtuturo. Hayun yung ginagawa namin, kahit yung sa team ko ay kinu-compile namin lahat nong process, paano ‘to ginagawa kay client.
    ● Ito yung pinaka importanteng gusto niya kasi yung conflict of interest.  Kapag hindi sila interesado sa ginagawa nila maaksaya ang oras mo ng pagtuturo kasi iiwanan ka din nila. Sayang naman kapag biglaan ka nyang iniwan, sayang yung tinuro mo, sayang lang lahat ng investment mo sa kanya. Take note, tingnan ninyo eto ah, kapag tinuruan ka lang ng kung sino at di mo binayaran yung inaral mo, pwede mo iwanan, eh kung binayaran mo yun, eh di ka iiwanan non. Yun yung pinupunto natin pagdating sa libre-libre. So ayun, siempre. magkaroon kayo ng parang "build your communication with your team".
    ● Kasi before, tanggap ako ng tanggap ng trabaho, wag niyo akong gagayahin kasi dumating sa punto na parang 8 hours nalang ang tulog ko araw-araw, Ayan kasi matutukso ka, matutukso ka lalo pag nakikita mo na maganda ang takbo ng ginagawa mo, ng business mo matutukso kang tumanggap ng tumanggap.
  • ● Actually hindi ko talaga balak kumuha ng team, kaso yung girlfriend ko yung nag push sa’kin. Sabi nya i-share mo kung anong meron ka, i-share mo yung blessing mo kaya naisip ko yung kapatid ko, yung best friend ko. Pero sabi ko, aba di ko na kailangan kasi okay na ‘to, kumikita na ako ng malaki, ayun nga lang, sabi nya dati nga ang dami mong tinatangihan na cliente, kung may matuturuan ka, hindi sila maging sayang, makatutulong ka pa.
    ● Magkaroon tayo ng big room of understanding. Wag natin i-limit sarili natin, hangga’t kaya mong mag aral, mag aral ka. Hindi dahil may cliente ka, hindi ka na mag aaral. Everyday, meron akong binabasang blog like for example sa specialization na pinili ko. Aralin mo, i-apply mo. As much as possible aralin mo lahat. Pero di ka naman yung taong trying to be somebody, I mean di naman yung taong trying to be, yun nga everything. Aralin mo yung lahat ng para sa specialization mo, Yun yung punto ko.

Emmanuel Domingo’s Journey from being a Newbie Freelancer to Managing a 3-Person Team in just 4 Months

  • ● After graduating from college, Emman had to go to Manila to find a work with good pay.
    ● So he worked in a call center where he experienced the bad traffic, graveyard shift and a relatively different lifestyle.
    ● Hoping to find a better option to earn a living, he went to research on the internet on how to work from home.
    ● Fortunately, while doing his research, he stumbled upon Work From Home Roadmap.
    ● He didn’t join at the spur of the moment, though. A couple of months have passed before he was fully decided to take the risk and enroll in WFHR’s Accelerated Bootcamp.
    ● For him, the best part of the boot camp were the lessons on goal-setting. He believed having goals is the most important thing; having no goals will just lead you nowhere. With this kind of mindset, he was able to keep most his clients while constantly growing a number of them. There even came a time when he was the one who has to decline a client because the offer was low for the services he has to render.
    ● What helped him the most to get noticed by clients is applying AIDA, which he learned in the Accelerated boot camp, in creating cover letters.
  • ● He didn’t mainly focus on Upwork. Among his six clients which are ongoing to be seven, only two of them are from Upwork and the rest are direct clients paying through Paypal.
    ● He started out with a 3-dollars rate until eventually he learned how to set a standard and will not accept an offer less than 5-dollars. Most of his clients, he is charging a higher rate than 5-dollars.
    ● At first, he was a general VA until fate brought him to a client who willingly taught him about SEO and paid for the materials for him to study.
    ● By building rapport and good relationship with his clients and sharing his vision and goals for the future, he has grown his list of clients and now earn 6-digit figure and spearheads a 3-person team.
    ● He likes to share his vision with his team as well and he motivates them in pursuing their dreams.
    ● He likes initiating conversations with clients because he knows the reason why the clients outsource their employees and that’s to save a lot of money. So when he can train a family member, he can refer them to his client.
    ● For their team to be more productive at work, he creates processes out of habit. He makes sure to record everything that he does. He creates checklists, a detailed one, with step by step procedures on how he does things and keeps a screenshot of it. So that when he trains someone, he’ll give those to them, complete with the tools, log-in credentials.
    ● His goal at the end of 2017 is to double and even triple what they have right now: income and headcount in an office space.
    ● Indeed, Emman is one of the successful Filipino freelancers out there right now.
    ● It all started out with a goal and a purpose, not just luck.

Q&A Highlights

How did your goal guide you to where you are? How were you able to keep clients who didn’t let you go? Can you share your thought process and goal setting?

Okay po. Actually dito na lang po talaga ako nakakuha ng SEO client although nagkaroon ako ng maliit na knowledge sa SEO hangang dumating si Joe, one month palang po sya. So tingnan po nating mabuti, nung nag start po ako, that was December, nagkaroon ako ng tatlong client hanggang bandang January kung hindi ako nagkakamali. Tapos dumating sa punto na hindi ko na mahahandle yung 3 clients kasi yung iba sa kanila nagdedemand na ng mas maraming oras so patungkol po sa-Full VA po ito ha, VA palang to, sa February VA pa rin hanggang sa nag March, dumating si Joe, hanggang sa naturuan ako at nagkaroon po ako ng isang client. Papano ko po sya nagawa? Nabanggit ko po kanina, hindi ako nag fofocus sa Upwork. Nagsubok din ako sa onlinejobs.ph.

Yes, meron pang HubStaff. Tapos yung ginagawa ko, nagkaroon ako ng habit na I’ll make sure na everyday, meron akong 4 na proposal. Take note, yung proposal po na to, ay hindi kinopya. Yung kapag binasa ko yung cover letter ni client, parang ina-analyze ko mabuti saka ako mag-a-apply.
yung kung ano ba yung magiging punch line ko from the start like for example, are you looking for a well-rounded VA, natatandaan nyo sir Jason? Ginamit nyo pa yun.  Actually, powerful yung nasa bootcamp napansin ko. Hindi siya sobrang haba. Hindi siya mala-telenobela. Mas masasabi ko kahit di naman sobrang profesional yung cover letter
natin, maikli man pero naiintindihan ng client yung pinupunto at yung kaya mong gawin. Ganon po yung nangyari, hanggang sa noong una parang nawalan din ako ng pag-asa. Sabi ko, before ko pa nakuha yung tatlong cliente parang walang pag-asa ba. Nagstart akong nung December, tapos nakuha si 3 dollars. Pero eventually nawala pagdating ng January, pero after pala non tuloy-tuloy na. Tapos nakeep ko yung client, lahat ng client nakeep hanggang ngayon. Hanggang ngayon po may nag-ooffer pa, pero siempre hindi na natin matanggap kasi ayoko naman pumalpak sa quality, sa ginagawa din namin.

Tiyaka isa pa, yun nga yung nakatulong, magbasa tayo ng inaapplyan natin. Tapos tingnan nating mabuti kung ano talaga yung hinahanap nila. Kasi yung si Joe, yung nagbabayad para mag-aral ako. Kilala nyo po si Niel Patel, sa marketing? Yeah. Actually yung isang client, hindi si Joe, yung isang client kung sesearch nyo si tomhay.net dun kami nakapasok. Hanggang ngayun client namin yon, nagbabayad din para naman sa marketing namin na worth $1200 kung hindi ako nagkakamali. So papano nangyari yun. Siyempre una ulit, hindi ko hinahayaan na dumadaan ang isang linggo na hindi ko nakakwentuhan ang cliente ko. Maraming pwede mapagkwentuhan. So hindi ako pumapayag na hindi kami magchachat o hindi kami nagkausap sa Skype. Kung tatanungin nyo po araw-araw may kausap ako sa Skype, kasi nagbibuild ako ng hindi lang business, relasyon din sa kanila. Kasi kinikinita ko na time will come kapag na buo ko yung gusto kung buoin na maliit na team of 5, sila yung pwedeng maging client namin kasi nakita na nila kung papano kami gumawa. Nakita na nila yung quality ng trabaho namin. So ayun po, isa pa yung magbuild ng relationship, di lang basta yung pagnagtatrabaho yung parang nagtatrabaho ka ng para sa client. Lalo pagdirect, laging may increase, Joke.

Any tips on how to find good clients? Is it just luck or is it a skill to find a client?

Yun, magandang tanong po yan. Kapag $3/hr wag nyo ng sunggaban. Joke. Pero seriously-Oo. Pero pag kaya siguro, nakita ko yung difference. Tandaan po natin, minsan mas mataas ang ini-offer ni client, mas professional kausap yan, ibig sabihin, hindi sila yung, pano ba sabihin, hindi sila yung maliit na kumpanya or hindi sila yung sobrang barat na, kasi pag inaralan ninyo ang rate, ng empleyado nila at sa Pilipinas, makikita nyo po, yung ibinabayad nila sa atin for 1 month, 1 week lang ng isang empleyado nila. Meron nagsabi, nagkwento sa akin, si Tom Hay. Yes, si Tom Hay, isa kong client, sabi niya, “eto yung rate mo?” So, 3 digit. Tapos tinanong namin, sabi niya, actually, meron nga, imagine, Filipino VA, sinuswelduhan niya ng 5 no, 4 digit per week. That’s per week. US dollar per week, US dollar. Sabi niya kasi matagal na daw yung VA na yun sa kanya, 4 years. Kaso nagtaka lang kung bakit aalis pero maayos naman ang paalam mukhang
magbabakasyon lang kaya nangailangan ngayon ng VA tapos kinuha kami so ang sabi niya, kapag maganda yung performance ko after 6 months, pwede daw niyang doblehin. Kasi pinaliwanag niya, it’s a win-win situation, kasi sabi niya kung kukuha ako ng somebody or
someone na magaasikaso nito here in my country. Ganito ang babayaran ko. Which is kulang-kulang 2,000 dollars per week. Imagine, 8000 dollar per month ang binabayad ni client kung doon sila kukuha ng manpower so kaya sabi niya it’s a win-win parin even if ang demand ng freelancer ay 5 dollars pataas or 7 dollars or 10 dollars para ma achieve mo yung 1000. Yung road to 1000. Kaya tip ko lang, wag niyong tipirin sarili ninyo.

From newbies asking, what advice can you give them? What experience is needed as a VA, for those who have no idea about it, what can you advise them?

Okay, yung advice ko talaga siempre ay mag aral pero ito po yung gusto ko pong i-punto, gastusan natin sarili natin, wag tayong mahiyang gastusan ang sarili natin. Maging best tayo. Kasi lahat ng mga cliente natin, gagastos yan. Imagine, yung isang client ko, gagastos nga
$8000 per month. Para lang malaman ang  technique pero hindi naman competitor, na tinitingala sa field ng SEO. At yun pa pinapapanood pa sa’tin. Ayun, alam mo sir Jason kung papano yung competition ng SEO, right? So kung mag start ka ng VA, I suggest wag kang mag start sa
free course, free course okay yan pero mas maganda kung i-level up mo, mas maganda kung gastusan mo sarili mo. At sinasabi ko sayo, yung balik nito, yung balik nung matutunan mo, sa kahit anumang kukunin mo, ayan mayroon tayong VA bootcamp. Yung balik nito, hindi lang
doble, kundi life changing. Yun yung term ko talaga. Kasi kung di ko to natutunan right from the beginning, siguro nangangapa parin ako ng cliente, baka hanggang ngayon puro pa rin ako tanong di ba. So yun po yung advice ko, gastusan natin yung sarili natin. Wag tayong mabuhay sa salitang libre. [laughs] In short, tama po ba ako? Kasi hindi mo ma-apreciate ang isang bagay kapag hindi mo ito pinaggugulan ng pansin. Hindi mo pag-aaksayahan ng panahon or kahit ano pa, kasi unang-una hindi ka nasaktan. Hindi ka nagbigay ng bagay na parte ng katawan mo para sa bagay na yon pero pag kung may parte ng katawan mo na ibibigay mo doon sa ginagawa mo, sigurado ako masakit sayo pag nawala yon. At sigurado ako na aaralin at aaralin mong mabuti. Merong goal dun na 30 days sa VA bootcamp. Pero I think tinapos ko sya within a week. Kasi gusto ko agad mag start. So yun lang yun, kailangan mo lang talaga mag set ng goals. At ayun pa, after nun, siempre application. I-apply mo sa gitna ng buhay mo. Yung maraming training na pwede ding puntahan yun lang ang masasabi ko.

Would you be able to have the same success in a different specialty other than SEO?

So kung hindi ko nakuha yung SEO, siguro I think magiging successful pa rin kahit puro VA yung job na makukuha namin. Kasi unang-una, andudun pa naman ring yung process ninyo eh. Yung skills, yung services lang ng SEO ang nawala sa inyo eh. Pero yung process at yung pagse-set nyo ng goal, andun pa rin eh. Right? So, hindi sya kaso, I think hindi siya kaso talaga eh. Tsaka, time to time mayroon kang matutunan lalong-lalo na pag nagsti-stick ka sa isang cliente. Maituturo’t-maituturo sayo, alam nyo nabanggit ko isa sa marketing, at yung isa nga yung sa, although yung SEO ay under ng marketing. Pero yung isang client mas malalim sa SEO yung ano niya eh. Yung strategy sa isang kinikilala sa marketing yung gusto niyang matutunan. I think hindi po siya hindrance para makuha mo yung goal mo na 6 digit a month. Hindi po, hindi para sa akin.

How do you woo clients in a not so car salesman style?

Okay, ako kasi pag nagstart, tinatanong ko muna ano bang papagawa niya. So ganon, tingnan natin, negotiable naman tayo, yung sinasabi ko, parang nakikipag kwentuhan ako sa kaibigan. Sige try natin yan, tapos ako mismo nagsasabi sa kanya na within 1 week pag di mo
nagustuhan ang trabaho ko, sabihin mo para makapag usap pa tayo sa rate ko kung ibababa natin o hindi, so siempre so far wala pa naman ako na experience na binababa nila yung offer ko sa nagawa namin. Kaya pano ko ba sya talaga hindi sabihing hindi talaga siya selling,
parang ibenta mo muna yung skills mo, yon. Yun yung nakikita ko sinasabi ko yung anong nagagawa ko tapos lagi kong sinasabi na kung
meron kang bagay na nakita mo na wala sa akin sabihin mo. Kasi given a time, aaralin ko siya, kahit yung basic. Kasi meron ako, eto pa tinanggihan ko ‘to. meron akong isang client, willing sya magbayad ng $15 per hour. Ang problema lang namin, binabagsak niya muna ako
sa 5$. Kasi sabi niya, gusto daw niya ako muna makakuha ng VA na meron certificate sa hubspot. That time hindi naman talaga ako nag te-take sa hubspot so wala ako nung 3 certificate na gusto niya. Tapos bigla niyang sinabi gusto daw niya yung attitude ko, gusto niya
personality ko. Siguro ganito, 3$ pero magtatrabaho ka sakin ng 3$ tapos aaralin mo siya habang nag 3$ ka, tapos kung nakuha mo na yung mga certificate, tsaka kita i-reraise, tsaka tayo magtataas ng rate mo. Ganon yung naging ano, ayun pa yung maging open tayo. Kasi na
remember ko, natandaan ko ‘to eh sabi Sir Jason, do not try to be everything sa cliente, focus mo lang kung anong tinatanong niya na kailangan niya yun yun sabihin mo na kaya mong gawin wag niyong sabihin na kaya ko ‘tong gawin, pati ‘to, pati ‘to, pati ‘to, sigurado ako,
[laughs] mapapagod ka. Ayun pa yon, ibigay mo yung needs

How to build a great team especially if you have different skills from one another?

Gusto kong sagutin yan ha, actually ganda ng tanong niya. Kasi eto, makakatulong to. Okay, so, you guys are currently earning 80-90k, you want to siempre mas lalo pang mag earn. Ang kailangan nyong gawin. Lahat ng mga ginagawa nyo sa mga cliente nyo, i-compile nyo.
Gumawa kayo ng video. Gumawa kayo ng mga lessons, then maghanap kayo ng somebody or someone na makapagkakatiwalaan nyo, yung hindi kayo basta basta iiwan, take note kukuha kayo ng panibagong cliente. So Pag kuha kayo ng panibagong cliente, may bago kang pag-
aalagaan. So pag iniwanan ka ng panibagong hire mo, bigla-bigla di niya nagustuhan yung trabaho sigurado ako kayo ang magkakaproblema. Number 1, ihanda mo yong materials mo na para magturo. At para ma-lessen yong time ng pagtuturo ayun yung ginagawa namin, kahit
yung sa team ko ay kinu-compile namin lahat nong process, paano ‘to ginagawa kay client, actually hindi lang kami nagfofocus lang sa social media. Ewan ko baka mabaliw na kayo pag sinabi ko to. [laughs] Meron kaming na nag lead gen, nagso-social media meron kami sa
marketing, meron kami nag we-web research lahat na yata pinasok na namin joke. Pero yun, yun totoo yun. Kasi ang naging punto naming kapag natutunan namin lahat to, I mean na master namin, di naman na master na nakuha na namin lahat ng basic, kapag nagkaroon kami
ng panibagong friends, circle of friends, panibagong team mate, sa kanya naman namin pinapasa or ituturo yung panibagong ginagawa namin hanggang sa lumalaki yung team namin. Ganon po sya, so number 1, kailangan gawin materials kung kukuha kayo ng
panibagong team mate, make sure na klaro sa kanya yung materials, and then ito yung pinaka importanteng gusto niya kasi yung conflict of interest kapag hindi sila interesado sa ginagawa nila maaksaya ang oras mo ng pagtuturo kasi iiwanan ka din niya. Sayang naman kapag
biglaan ka niyang iniwan, sayang yung tinuro mo, sayang lang lahat ng investment mo sa kanya. Take note, tingnan ninyo eto ah, kapag tinuruan ka lang kung sino at di mo binayaran yung inaral mo, pwede mo iwanan, eh kung sisingilin mo yun, eh di ka iiwanan non. Yun yung
pinupunto natin pagdating sa libre-libre. So ayun, siempre. magkaroon kayo ng build your communication with your team. Kasi ako nga yung kapatid ko, tapos yung bestfriend ko, ayun para kaming magbabarkada pag nagtatrabaho. Yun po yun.

Which is better, become a VA first or become an SEO when you’re just starting?

MagVA po kayo muna, kasi po yung mga specialization like SEO medyo sobrang technical po nila pero maganda rin kapag may konti kang experience sa SEO or like, for example sa marketing, sa social media and I believe kapag nag enroll ka sa VA Bootcamp, lahat ng basic,
matututunan niyo. Basic sa wordpress, basic ng SEO, yung content marketing kung di ako nagkakamali. And then basic po nga sa social media, lahat, lahat po na typical na ginagawa ng VA nandun, kasi ganito po mangyayari kapag nakakuha kayo ng, ng cliente talaga aalagaan
kayo, sya mismo ang magpapa aral sa inyo. Siya po mismo ang magsabing magtrain ka ng ganito. Kasi hindi iisipin ng cliente na bayad siya g $2000 dollars na course na para sa inyo kung ang return naman sa kanya ay ikaw na maaasahan niya sa lahat ng oras. Ganon po iyon.
Imagine po, uulitin ko. Ang binabayad ng Amerikano or ng mga banyaga ay nasa 7000 dollar per month, kung pag aaralan ka niya ng 2000 dollar sa course tapos suswelduhan ka niya ng 3000 talo pa ba siya? Hindi siya talo.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One comment on “How A Newbie Managed A 3-person team in just 4 months - An Interview with Emmanuel Domingo”

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram