Hirap ma-approve sa Upwork? Here's what you should do...

July 9, 2018
by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Hindi ka pa rin ba ma-approve approve sa Upwork?

If 100% na ang Upwork Profile Completeness mo, nagawa mo na ang lahat ng mga steps dito, at naubos mo na ang lahat ng iyong skills sa kaka-try, then mas practical na mag-move on sa ibang alternatibo.

Kesa naman maubos ang oras mo kakaasa kay Upwork, matatapos na lang ang taon at hindi ka pa rin nakakapag-apply sa kahit isang job post.

Oo, oo alam ko! Gusto mo pa rin talaga si Upwork…

Pero if sigurado kang ginawa mo na ang lahat at rejected pa rin, then pakawalan mo na siya, hija/hijo. Kung ayaw niya sa iyo, tama na - hindi naman siya kawalan.

Dahil marami pang freelancing platform dyan. Bigyan mo naman sila ng pagkakataon at baka nasa kanila ang forever, este, ideal client na hinahanap mo.

Tutal, bilang isang freelancer, clients at income while working from home naman ang hanap natin at hindi Upwork approval, tama?

Rejected at di ma approved and Upwork account

Better Use of your Time and Effort

1. Create strong profiles in other platforms.

Sa kaka-edit at re-submit mo ng iyong Upwork profile, siguradong kabisado mo na ang mga impormasyon na kelangan sa mga platforms. Gamitin mo ang kaalaman na ito upang makagawa ng high-quality profile sa ibang platforms.

Not sure kung aling mga platforms ang dapat mong subukan? Eto ang ilan sa mga favorite alternatives namin:

- Freeeup.com https://freeeup.com/

- Onlinejobs.ph https://www.onlinejobs.ph/

- Hubstaff Talent https://talent.hubstaff.com/

- Guru https://www.guru.com/

- People Per Hour https://www.peopleperhour.com/

At marahil iniisip mong kay Upwork lang pwedeng maghanap ng trabaho dahil siya ang pinakasikat, pero madami ring successful freelancing stories mula sa ibang platforms. Eto 'yung 2 examples from our Student Interviews:

- Monette Mejo  https://www.wfhr.io/virtual-assistant-earning-p60k-mo-from-home-an-interview-with-monette-mejo-jassuccess/

- Charm Dizon   https://www.wfhr.io/wahpterview-charm-dizon-stay-at-home-wife-freelancer/

Eto naman ang mga nakalap ko mula sa aming exclusive group sa VA Bootcamp:

Testimony of a VAB student dahil indi ma approved ang kanyang upwork account gumawa siya sa ibang platform


Guru is another platform aside from Upwork kung indi ka ma approved


Online Jobs PH is another platform aside from Upwork kung indi ka ma approved


Kitamz?

Kaya wag ka nang malungkot. Isang freelancing platform lang yan si Upwork and hindi siya ang natatanging daan upang maging isang successful freelancer.

2. Check out jobs posts in Facebook groups.

If member ka ng FLIP Facebook group, mapapansin mo na maraming nagpo-post ng mga job openings doon. In fact, may sarili tayong Job Thread para mas madali mo silang mahanap.

Another way din is to join other groups kung saan andun yung mga potential clients – for example, group ng mga online store owners, coaches, authors, or programmers.

Medyo iba lang ang magiging strategy mo sa pakikihalubilo sa kanila dahil hindi pa nila alam na kelangan nila ng assistance from freelancers (as opposed sa platforms na nagre-respond ka nalang sa mga clients’ job posts).

Magpakitang-gilas ka muna sa pagbibigay ng free advice and valuable information sa group at kapag napatunayan mo na ang iyong skills, tsaka mo i-offer ang iyong freelance services.

You might also want to update your Facebook profile at gawin itong mas professional tingnan, dahil malamang, mapapatingin ang mga clients dito kapag ni-research ka nila.

Isang downside lamang nito is, syempre, wala ung payment protection na nasa ibang platforms. So kelangan na maging mas maingat sa mga scammy offers. Makakatulong na i-review mo ang video na toh na ito para makaiwas ka sa mga scams.

3. Create a winning LinkedIn account.

Hindi man ito isang freelancing platform, isa naman itong malaking social network kung saan pwede kang makipag-connect sa ibang business owners, clients at recruiters.

As long as attractive ang LinkedIn profile mo, madali kang mahahanap ng mga direct clients dito. Pwede ka ring mag-join ng mga relevant groups para makapag-interact sa mga discussions at makapag-connect sa mga posibleng mangailangan ng services mo.

So ayan!

Laging tatandaan na kapag may tiyaga, may nilaga. Kung gusto, madameng paraan; kung ayaw, madameng dahilan. Just don't give up on us baby. ? ?

Freelancing is worth a try pero kelangan ng tibay ng loob. Ako mismo, natagalan din bago ako na-hire online pero hindi naging option ang sumuko.

Keep enhancing your skills and wag magsawang mag-send ng personalized cover letters. Maging consistent ka lang at naniniwala akong ikaw naman ang susunod na magpo-post ng success story mo sa Facebook. 🙂

Hanggang dito na lamang at sana makatulong para sa mga nawiwindang na. Kung may mga katanungan kayo, wag mahihiyang magtanong sa comments and I’ll do my best na mabigyan kayo ng sagot.

Kitakitz sa FLIP! I thank you. ?

Follow us on Social:

by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram