How Freelancing is 100% Possible for Differently-Abled Filipinos - An Interview With Paul John Redondo

September 19, 2018
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Get ready for another inspiring #JasSuccess episode as host, Anna Soriano interviews Paul John Redondo.

Paul is a differently-abled freelancer and a salutatorian graduate in elementary. He finished High School through ALS (Alternative Learning System) and was recently awarded as Batangas Mabini Awardee 3rd Place. This award is in recognition to differently-abled persons who continue to give inspiration.

In this interview, you'll be inspired with Paul's life story, his “never give up” attitude and how he made it through all the challenges. He also shared a lot including;

✅ How he turns his hardships to fuel his desire to succeed
✅ His struggles of going to a regular school to finish his studies and now on his career as a freelancer
✅ Why he pursued his passion in freelancing to help provide for the family and his endeavor to be self-sufficient

And a lot more.

Free VA Course for Newbies
FreeLancing In the Philippines (FLIP) FB Page
Subscribe to Jason Dulay's YouTube Channel

Notable Quotes:

  • Magdasal. Huwag kalimutan magpasalamat at humingi ng gabay sa Panginoon. Tapos maging matiyaga. Sabi nga nila pag may tiyaga may nilaga.
  • Huwag ka matakot kasi hindi ka naman nila makakain o maaabot diba? Since malayo sila.
  • Just be yourself and do your best. O at least sinubukan mo di ba kung ikaw o hindi, kesa naman sa wala kang ginawa.
  • Maging resourceful din. Kung may mga gusto kang matutunan or nahihirapan ka sa isang bagay, try to do research or kaya magtanong-tanong din.
  • Tapos huwag kang sumuko kahit ilang beses ka madapa, bumagsak, mag-fall, dapat bangon at positive lang. Kung nag failed ka nga tapos sumuko ka pa, sinong ba talo dun, diba ikaw din, hindi naman sila. Kaya go lang ng go.
  • Yun pa, trust yourself, i-claim mo na kaya mo. Bago ka i-trust ng kahit sino lalo na ng client mo, dapat ikaw na yung una.
  • Time management. The good thing ng pagiging online freelancer is flexible sa oras. Dapat may time ka rin sa sarili mo maglibang o magpahinga. Kung kumikita ka nga pero na sa-sacrifice naman yung health mo wala rin, baka sa ospital din ang bagsak ng income mo diba?
  • Tandaan mo na walang madaling trabaho. Pag nahihirapan ako sa work ko tapos naiisip ko sumuko, bigla kong naalala ang mga magulang ko tsaka yung iba ko pang mga kakilala. Kahit na professional teacher, tricycle driver, karpintero, labandera, lahat mahirap. Lahat ng work may kanya kanyang dali at saka hirap. Bale kung tutuusin madali pa yang work online kasi hindi ka napapagod physically. Sa mga online work is isip lang talaga yung medyo mapapagod pero sa kanila physical di ba?
  • Yung mga problema is lagi ko lang siya iniisip in a positive way, kaya nga tumagal ako dito ng as a work online.
  • Makisama sa mga client at mga co-worker like pakiramdaman mo kung friendly yung client mo, tratuhin mo din siya as friend or kung work lang, work lang kasi baka mamaya ayaw niya pala maging friendly di ba?
  • Tapos pag kumikita kana, matuto ka ring mag-budget. Huwag yung gastos ka lang ng gastos. Matutong mag ipon kung kaya pa, kung may maitatago ka pa.
  • Kahit sino pwede maging online freelancer. Ako nga kinaya ko, lalo na siguro kung normal yung katawan diba?

John Paul’s Journey to freelancing

  • He was born and raised in the province of Padre Garcia, Batangas.
  • He was born normal but with slight hydrocephalus due to a slightly larger head and feeble physique.
  • He was a sickly child and was always brought to the hospital.
  • He was diagnosed with Cerebral Palsy when he was 1-2 years old and lost the ability to walk.
  • He taught himself to read and write at home via watching educational TV shows and using his mother’s books who is also a teacher.
  • He studied and finished with honors, his elementary studies went through constant hardships and challenges.
  • He was not able to continue his high school due to issues with the proximity of the school from their home.
  • He looked into the possibility of continuing through homeschooling but was not able to pursue due to the expensive fees required.
  • He was able to get accreditation via Alternative Learning System (ALS) and finished his high school studies while studying at home.
  • He was not able to continue his studies to college due to hardships he encountered.
  • He discovered freelancing by joining freelancing groups in Facebook.
  • He is now aiming to enroll in the VA Bootcamp and find a niche that would better fit him.
  • He also aims to find a second client for part-time to get more earnings.

Q & A Highlights

How did you start and how was your journey into freelancing?

Bale sa bahay naging libangan ko lang is computer, TV, Facebook, tapos paglalaro lang buong maghapon for the past 3 to 4 years yata yun. Pinagkakitaan ko rin siya, yung paglalaro ko, minsan kasi yung mga pera sa mga online games, yun ang binebenta ko as cellphone load o kaya pera via Cebuana. Sa pag-ga-ganun-ganun ko nakakaipon din ako ng pa-konti konti, tapos nakakabili ako ng sarili kong mga gustong bilhin. Yun ang naging buhay ko before ako naging freelancer.

Before ako maging online freelancer, sa Facebook nakakabasa na ko ng mga kumikita online, kaso most of the time is parang scam. Kasi yung parang mag-i-invest ka or something like that. That time kasi puro bali-balita yung mga fake na work online. Yung mga scam mga ganun. Hindi ako naniniwala noon kasi nga marami yung news about scam mga ganun. Nung tumigil ako sa paglalaro, I find it interesting na mag-edit ng photos using Photoshop. Nag-research ako kung paano gamitin kasi wala akong idea noon kung paano talaga yun gamitin. Nanood sa Youtube, yun mga ganun, nag-research. Nung una libangan ko lang mag-edit hanggang sa may nag-suggest sakin na bakit hindi ko daw pagkakitaan? Like paggawa ng layout ng tarpaulin o kaya mga invitations, kaya dito ako kumita sa pag-e-edit ng layout ng tarpaulin. Aside dun pag may mga assignments or projects na kailangan i-print yung mga kapitbahay dito, sa akin sila nagpapa-print instead na sa computer shop, tapos ako na lang yung binabayaran nila.

Then mga year 2017, naisip ko ulit yung online jobs. Kung totoo ba siya o hindi. Kasi na-realize ko na sana nakakatulong din ako dito sa amin kahit pambayad man lang ng internet o kuryente. Kasi may times kasi na naputulan kami ng internet kasi 3 months ng hindi kami nakakapagbayad. Kasi marami ding gastos since dalawa pa yung kapatid kong nag-aaral. Nung sa pag-re-research ko about online work, napadpad ako sa Upwork. Ang hirap. Mahirap ma-approve yung profile dun siguro mga two or three months ko din sinubukan, kaso hindi talaga ma-approve. Siguro dahil walang certification, employment history, education, portfolio or experiences na puwedeng ilagay dun sa profile sa Upwork kaya siguro hindi ma-approve, ewan ko rin. I’m not sure. Hindi ako sumuko, nag-try ako ng ibang online platforms. Napunta naman ako sa onlinejobs.ph. Nag-stick ako dun kasi napataas ko agad ang ID proof ko doon. Siguro dahil nga hindi din naman siya madali since walang nag-re-reply sa mga inaaplyan ko, siguro nga dahil wala naman akong experience tapos hindi rin ako fluent sa English. I tried applying, mga 5 to 10 jobs per day for about 2 or 3 months siguro yun, pero tuloy-tuloy pa rin ako ng pag-a-apply. Nag-search ako ng mga groups sa Facebook, yung mga nag-wo-work online. Tapos nakita ko yung group ng FLIP or Freelancers in the Philippines by Jason Dulay. Na-inspire ako at lalong na motivate na mag-work online. Nagbasa ako ng mga tips tsaka ng mga successful online stories ng mga online freelancers. Mga July 2017, naka-receive ako ng message sa Skype, tinatanong ako kung pwede daw ako mainterview. Tapos noong una syempre natakot ako, kinabahan, pero nung tumagal sinabi ko na “bakit ba ako kakabahan o matatakot, ngayon pa ba ako aatras? Eh wala namang mawawala kung susubukan."

Ang unang work ko is telemarketer, $3 per hour from 1 am to 5 am, Philippine time. Hindi ko kinaya yung work kasi nga madaling araw, tapos yung connection pa namin is wireless kaya parang hindi stable, hindi siya bagay dun. Tapos stressed din kasi yung mga nakakausap ko minsan minumura ka o pinapagalitan ka, tapos minsan bababaan ka lang bigla, ganun. Kaya sa 3rd day ko nagpaalam na ko sa naging manager ko, na sabi ko nga hindi ko kaya dahil sa health issues ko, kasi at that time siguro, 2 days na yung puyat, so medyo nahihilo ako at antok na antok ako. Hindi kasi ako sanay na gising ng ganung oras. Mahirap din naman yung may pera ka nga may sakit ka naman, baka sa ospital din bumasak yung magiging income. Binayaran din ako nung 2 days. Binayaran yung 2 days ko, naging work, kaya na-prove nito lalo na totoo pala talaga ang online job at puwede kayong kumita ng nasa bahay lang. Ayun, kaya naniwala ako na “aba pwede nga talagang mag-work sa online at binabayaran pala talaga.

Tapos nag-apply ulit ako. After 2-3 weeks may na-receive ulit akong message sa Skype, ang pangalawa kong naging work ay Ebay product researcher. Taga-research ng mga product na pang-upload sa Ebay. During interview ay ok naman kaso ang mga questions nya ay nahirapan ako kasi nga wala naman akong, hindi naman ako sanay dun sa field na yun, bago lang yun sakin, ayun, hindi ako natanggap. Pero after a few days, nag-message ulit yung client, hindi ko sigurado, baka nakita niya yung sincerity ko at pagka-gustong mag-work. Binigyan niya ulit ako ng chance, 2 weeks trial period. Mahirap siya, hindi ko na-re-reach ang quota per day, inaabot ako ng 8 to 14 hours per day. Kasi nga bago lang ako at yung mga steps kung paano pag-re-research parang hindi ko, nahihirapan ako. So, nag-decide din ako na tumigil din, kasi halos wala na kong oras, like, magpahinga or kumain kasi nga buong araw na nasa laptop lang ako tapos nag-re-research, eh siyempre mahirap naman yung ganun. Then dumating ulit sa point na, kaya ko ba talaga mag-work online? Kailangan dun mabibilis mag type, iisa lang naman yung kamay na gamit ko sa pag-ta-type. Tapos fluent sa English ang madalas na hanap ng client na nakikita ko sa onlinejobs.ph. Kaya parang medyo nag-doubt din ako kung kaya ko ba talaga.

Tapos August 25, 2017, nag-message sakin ulit si client. Tinanong niya ko kung gusto ko pa din mag-work. Um-oo ako, kaso sinabi ko na hindi ko kaya mag-work ng sobra-sobrang maghapon. And then, he offered me a different task. Iniba niya yung field na gagawin ko. Ginawa niya kong ordering assistant. Hindi ba ang bait ng client ko, kasi kinuha pa rin niya ko, tapos parang pinadali niya ng kaunti yung gagawin ko para at least eh may work pa rin ako. Binigyan niya ako ng training videos na pin-rovide niya, tapos tinrain nya ako ng mabuti. Then nagstart ako ng job kinabukasan na. Tapos until now, for more than a year, magkasama pa rin kami na nag-wo-work. Nag-wo-work pa rin ako sa kanya. Pag malakas ang sale may mga natatanggap na bonus, ayun sobrang bait niya talaga. Tinulungan niya rin ako makabili ng portable generator. Kasi most of the time walang kuryente dito samin, laging may power interruption. I earned $260 per 28 days, every 2 weeks niya binigay yung sahod ko. Before dalawa yung client ko, which is yung isa is friend niya, ni-refer niya ako dun for part-time. Kaso busy na sa work yung friend niya, tapos mawawalan na siya ng time sa business niya kaya nag-stop na din siya sa business. Napakalaking tulong talaga ng naging work ko. Nakabili ako ng mga gusto kong gadgets, nabibili ko ng gusto kong pagkain, ako na nagbabayad ng internet, kuryente, tapos tinutulungan ko din magbayad yung kapatid ko dun sa laptop niya.

Nakakatulong ako sa mga bayarin. Tapos pag may halimbawa kailangan ng Inay ng konting pera, yun binibigyan ko, siya kasi yung tiga-withdraw. Sa kanya ko binibigay yung card ko. Tapos nakapagpagawa na din ako ng sarili kong kuwarto dahil sa work ko. Madami nga natutuwa eh, kasi nasa bahay lang ako pero nakakatulong ako at nakapagpagawa ako ng kwarto. Tapos, I also was awarded 3rd place last August sa ginanap na Apolinario Mabini Batangan Award 2018. Bale bilang pag-recognize yun..

Noong nagtry ka mag-Upwork meron kaba nung background kung papano gumawa ng profile, kung papano maglagay ng portfolio?

Wala po.

Papano ka nakagawa ng profile na napansin ng client? Kasi yun yung usual na nagiging struggle ng newbies na mag-create ng profile and ma-approve.

Siguro after mga ilang tries, mga 2 to 3 months yata yun, nag-stop muna ako sa Upwork. Nag-search ako ng ibang platform, dun ako napadpad sa onlinejobs.ph. Dun ako nag-stick kasi madali ko na verify yung account ko dun, tapos napataas ko yung ID proof. Bale yung client ko po is from onlinejobs.ph

Ano yung skills or ano yung work mo pala na hinire ka ni client, ano yung ginawa mo for the client like Virtual Assistant kaba or meron kang ibang ginawa like Graphic Designer?

Virtual Assistant po ng kanyang dropshipping business. E-commerce eBay. Noong una product researcher, yun nga, nahirapan nga ko kasi nga parang hindi ko ma-reach yung quota na kailangan. Tulad ng sabi ko kanina, nag-stop ako, sinabi ko sa kanya na hindi ko kaya, kasi nga wala na kong oras magpahinga, kasi halos mga 8 to 14 hours a day ang ginugugol ko makuha ko lang yung gusto kong quota, yung kailangang quota. And naintindihan naman niya kaya hinayaan niya ko.

So, alam ni client yung condition mo or sinabi mo ba sa kanya?

Opo sinabi ko po. Naging open ako sa kanya sa lahat. Sinabi ko sa kanya lahat para alam niya rin. Gusto ko din kasing malaman niya, yung halimbawa, mga limits ko or mga ganun para naman aware siya. And then yun, nakakatuwa kasi after 2 to 3 days, ay 1 week yata ng pagpapaalam ko sa kanya, kinontak pa rin niya ako tapos in-offeran parin niya ako ng work pero different task naman, pero mas madali lang ng konti. Pag-process lang ng order yon, kaya nakakatuwa.

Noong hinire ka ba niya, meron ka ng knowledge kung papano gagawin yung pag-pa-process ng orders or tinrain ka ba niya?

Wala po, tinrain niya ako, as in walang kahit anong background. Binigyan niya lang ako ng mga training videos na mula sa kaniya na siya mismo ang gumawa, tapos siya yung nag-train sa akin. Kasi kung hindi ako nagkakamali, hindi lahat o meron ding mga clients din talaga na sila mismo nag po-provide kahit wala kang background. Sila talaga ang nagte -training.

Nung time ba na yun Paul, nag jo-join ka na din ng mga freelancing groups na tulad ng FLIP or ibang mga groups para malaman mo kung papano yung kalakaran or papano yung buhay buhay din ng mga iba ding freelancer?

Bago ako ma-hire, nag-search ako ng groups sa facebook. Ang una kong nakita is yun nga yung FLIP. Natuwa ako kasi ang daming mga positive na mga comments or mga stories from online freelancers, yung mga baguhan, tsaka mga dati na, kaya parang mas na-motivate ako na go go go pa, tuloy pa kaya pa.

After onlinejobs meron ka pa bang sinalihang ibang platforms? Nag-try ka pa rin ba sa Upwork?

Ay hindi na po. Online jobs lang, pero nag-try ulit ako last month mag-approve ng profile sa Upwork at na-approve naman. Nakakatuwa na-approve na siya, pero wala pa din po ako work dun pero nag-a-apply apply pa rin po ako, gusto ko sana at least may another part-time job para another income.

Bale ilang years ka na nga nag oonline freelancer?

One year na po, last August lang siya nag 1 year. Na-awardan ako last August sa naganap na Apolinario Mabini Batangan Award 2018. Nag-re-recognize siya sa mga persons with disablity na nag-e-excel at nagiging inspirasyon sa lahat. Andami nga pong natuwa noon.

Kelan to ginanap?

August 11 po, kung hindi ako nagkakamali, basta, August po siya eh.

Kung mapapansin niyo o makikita niyo si Paul, maraming reason dapat para hindi siya maging successful, kasi sasabihin na lang niya “ayoko nalang magtrabaho kasi ganito ako. Ayoko na lang lumabas kasi ganito ako..” pero hindi yun naging hadlang. Inspite of that, naging mas motivated na ipagpatuloy na lumaban, makibagay sa mundo nung mga normal lang. Hindi niya inalintana na may disability siya so kung kinaya ni Paul, I’m sure mas kakayanin nung mga normal. Mas normal, mas kumpleto, nakakalakad, nakakapag-trabaho sa corporate. Kaya niyo din mag-freelancer, si Paul nga tingnan niyo, maraming reasons din na parang hindi na siya mag-s-school, pero pi-nush niya pa rin so, diba, walang reason para hindi niyo din kayanin kung kinaya ni Paul.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

149 comments on “How Freelancing is 100% Possible for Differently-Abled Filipinos - An Interview With Paul John Redondo”

  1. Congratulations po wala po akong magiging rason na hindi ko kakayanin..laptop nlng tlaga ang kailangan ko at internet connection
    . God bless you paul i know marami ka pang maiinspired 🙂

  2. Like paul, i'm a PWD too pero kaka start ko palang sa freelancing, i'm about to give up na nga kasi sobrang hirap talaga maghanap ng job online until i saw your interview, na inspire ako bigla. Tnx for sharing your story

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram