Kelangan Ko Bang Mag-VA Bootcamp Para Maging Freelancer?

May 10, 2018
by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Parang sa expressway lang ang sagot ko rito.

Kelangan mo bang magbayad ng toll fee para makarating from C5 to Alabang?

Hindi naman – pero kung gusto mong makarating ng mas mabilis sa pupuntahan mo at may pambayad ka naman, eh di mas okay di ba?

Kung iwas stress din lang at sa oras na matitipid mo, sulit talaga kung mag-eexpressway! Much better pa nga kung itotodo mo na at mag-skyway ka na rin 😉

Kung di naman kaya ng budget at di ka naman nagmamadali, pwedeng namang dumaan sa ordinary route. Mas ma-traffic, magulo, at maaari kang abutin ng ilang oras, pero makakarating ka pa rin naman sa papupuntahan mo.

Ganito rin sa freelancing.

Sa totoo lang, hindi mo naman kailangan mag-enroll sa courses para maging isang freelancer.

Kung meron kang computer at internet connection, pwede ka nang gumawa ng profile at mag-apply sa mga job posts online.

If may mga questions or confusions ka, pwede mong hanapin sa Google, Youtube, or sa mga Facebook groups ang mga sagot.

Madami ring mga free courses na pwede mong aralin.

Basta naman mahilig kang magbasa, masipag kang mag-research, at kaya mong i-present ang sarili mo sa mga clients, kayang-kaya mong maging isang successful na freelancer. Actually, may mga kakilala akong ganito ang ginawa.

Kahit na it took them some time at ilang trial-and errors para maintindihan ang pasikot-sikot ng freelancing, na-achieve pa rin nila ito.

Sa totoo lang, sinubukan ko rin ito dati.

Nung newbie palang ako, gumawa na ako ng freelancing profiles ko. Nag-apply2 na rin ko sa mga job posts at nagbasa-basa online. Pero nung umabot ng 8 months at deadma pa rin ang mga clients sa’kin, nag-enroll na ako sa VA Bootcamp.

My Personal Experience

Bilang graduate sa VA Bootcamp, I would recommend it lalo na sa mga newbies na gustong mapabilis ang freelancing journey nila.

Kung working mom ka at gusto mo nang mag-resign para alagaan ang baby mo, or kung OFW ka at malapit na mag-end ang contract mo, or kung interested ka lang talagang matuto and ayaw mong magsayang ng oras sa mga rejections at experimentations..

Kung hindi ka rin sigurado sa specialization skill mo, being a Virtual Assistant is a good place to start. 🙂

Pag log-in mo pa lang, ayan na’t nakabungad sa’yo ang 9 Modules na puno ng lessons.

Maiksi ang mga videos (hindi boring) at detailed ang pagkakaturo. Recorded at self-paced ang mga lessons, so flexible schedule siya kung kelan mo tatapusin.

Kung may 1-2 hours na spare time ka a day, matatapos mo ang VA Bootcamp in 1 month.

Kung madami ka namang oras at atat ka nang maging freelancer (tulad ko dati), pwede mo siyang tapusin in a week. May mga students din na may mga full-time work pa so depende sa schedule mo, pwede ring months before mo siya matapos.

Ang nagustuhan ko lang talaga is detailed and kumpleto na siya - as in, andyan na talaga ang mga kailangan mong matutunan. Iaabsorb at i-aapply mo na lang.

May 7 skill-based modules about Email Management, Schedule Management, Office Applications, Schedule Management,  WordPress Updates, Social Media Management, Data Entry and Transcription.

Then 3 HUSTLE-focused modules tungkol sa paggawa ng attractive profiles, magsulat ng strong cover letters, pati kung paano mo sasagutan ang mga interviews, andun na din!

Meron ring assignments na pwede mong gamitin as portfolio items, may quizzes at Credly badges para mas fun ang learning.

Biruin mo yun, pagka-graduate mo, hindi lang madaming laman ang profile mo... handa ka na ring humarap sa mga client interviews!

Also, may exclusive Students-Only Facebook Group and chat group din kami kung saan makakakuha ka ng support sa mga katulad mong nag-uumpisa pa lang. Andun din syempre kaming mga 'old students' na mga full-time  freelancers na ngayon.

So hindi lang lessons ang makukuha mo kundi isang active at supportive na community na nagtutulungan at nagpapasahan ng clients. May mga meet-ups and Christmas parties din kami, para di naman malungkot ang social life kahit homebased na tayo.

Ayun, so hindi mo na kelangan pahirapan pa ang sarili mo para maghanap ng resources.

Parang nag-expressway via skyway ka pa nga talaga!

Pero syempre, kahit ng-skyway ka, kelangan mo pa rin paandarin ang kotse, paikutin ang manibela, at patuloy na magmaneho.

Sa VA Bootcamp, kelangan mo pa rin i-play ang mga videos, mag-take notes, at i-apply ang mga natutunan mo. Syempre, dahil kung hindi, hindi ka rin aandar sa freelancing journey mo.

Magkano ba ang VA Bootcamp?

May 3 packages siya, pero ang pinaka-mura is yung Starter Package na tig-P4990 (pwede ring 3 installments of P1990 every 15 days). Meron ring Accelerated and Complete packages, check niyo na lang dito para makita niyo ang pagkakaiba nila.

Kung may budget ka naman, super sulit ang VA Bootcamp course para sa value na makukuha mo rito.

Isipin mo:

If kelangan mong mag-budget ng 5,000 pesos (VA Bootcamp Starter) para matuto ng skills at gamitin ito para kumita ng 20,000 monthly habang nasa bahay ka lang. (Monthly yan ha and let me tell you na sa $5/hr na suggested rate sa VA Bootcamp, very conservative estimate na yang 20k/month).

Hindi siya mahirap na desisyon. 

Hindi pa counted dito ang matitipid mong pamasahe, ang halaga ng oras na matitipid mo at mailalaan mo kasama ng mga mahal mo sa buhay.

Nung tinapos ko agad ang VA Bootcamp at inapply ko ang lessons, nakakuha ako ng first client in 2 days. Di ba 8 months kong sinubukan on my own tapos walang nangyari?

Pero syempre, if wala talagang budget, hindi mo naman need mag-expressway. Madaming free resources and guides, kung gusto mo talagang mag-freelancing.

VA Bootcamp Reviews

Anyway, kilala niyo naman ako as WFHR's biggest fan... Bilang happy VA Bootcamp graduate (as of 2016) and bawing-bawi na ako sa pinang-enroll ko, magmumukhang bias ako pag sinabi kong 'I really recommend enrolling in the course.'

So, wag na kayong makinig sa’kin. 🙂

Eto na lang ung testimonials galing sa mga naging classmates ko ang basahin niyo.

From our exclusive chat group...

from our Students group din...

a post in our Students group din...

Tatlo lang yan sa mga favorite reviews ko, madami2 kasi sila. Pero if gusto mong basahin lahat, andito ang complete page ng VA Bootcamp reviews.

There you go! Sana ay nasagot ko ang frequently asked question na ito.

If may mga additional questions pa kayo, please feel free na mag-comment sa baba. I'll do my best na mag-reply sa inyong lahat 🙂 God bless!

 

Follow us on Social:

by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

11 comments on “Kelangan Ko Bang Mag-VA Bootcamp Para Maging Freelancer?”

  1. After looking at a handful of the blog articles on your web page, I truly like your way of writing a blog. I book-marked it to my bookmark webpage list and will be checking back in the near future. Take a look at my website as well and let me know what you think.

  2. I like the valuable information you supply to your articles. I'll bookmark your blog and check once more right here frequently. I am reasonably certain I will be told many new stuff right here! Best of luck for the next!

  3. I truly love your site.. Very nice colors & theme. Did you build this website yourself? Please reply back as I’m trying to create my own blog and want to find out where you got this from or just what the theme is called. Cheers!

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram