Online Meat Seller’s Pinteresting Journey to Becoming a VA

February 9, 2022
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Have you experienced working abroad and leave your family?

Or are you one of those who's tired of working like a horse but earning peanuts?

If yes to both, you’re not alone.

Many Filipinos are facing that dilemma.

Thanks to the Internet and technology because more opportunities are now available online.

But it’s not for the weak of heart.

It requires a leap of faith.

Getting out of your comfort zone.

Pushing yourself beyond your limits.

Facing the challenges head-on.

Just like our JasSuccess guest tomorrow, a former OFW in Taiwan but is now earning six figures as a freelancer.

Meet Manneth Arellano.

She didn’t want to return to Taiwan anymore.

She turned to freelancing and explored a variety of niches and markets such as FB ads, landing pages, and web creators.

Now?

She can work at her own time and demand the price or rate that she wants.

Get excited to learn more about her challenges, inspiration, and wins, on this replay.

Introduction

Find out why an OFW in Taiwan went back to the Philippines and why she started her freelancing career. You'll also know-how from a 6k Pay Per Click Freelancer transitioned into becoming a six-digit earner.

Discover Manneth's resourcefulness, positive mindset, and work habits.

Notable Quotes:

  • Hindi ko talaga isinantabi si Freelancing, pinagbigyan ko lang yung people around me. Kasi hindi nila nakikita yung nakikita ko noon. Minsan kailangan ng different environment para magawa mo yung gusto mo. Maki-bagay ka muna sa environment na meron ka. Pero later on, once you've been given a chance then i-push mo everything.
  • Kailangan pati sila(your family) i-settle mo sa magiging environment once meron ka nang trabaho. Kasi yun din ang naririnig ko sa iba. Na once nasa bahay, sabi "okay lang yan nasa bahay ka lang naman nagwowork." Hindi, you manage din na para kang nasa trabaho ka rin kasi kung yon ang mindset mo, wala. Hindi magtatagal ang mga kliyente mo. Dapat kung mind settled ka na, dapat yung pamilya mo naka-mindset din na may trabaho kang totoo. Na andito ka kahit nasa bahay.
  • Minsan kasi hindi natin kailangan magpataas ng sarili kung newbie ka pa lang. Di’ba nga pag galing natin sa pagka-graduate, san ba tayo nag-start? Sa mababa din, di'ba? Wala namang nag-start sa manager agad. Yun din ang in-apply ko sa Freelancing. Although yung iba ang sinasabi "Pwede kang mag-charge ng mataas. Filipino ka dapat ganito ka kasi first language mo na rin ang English." Pero kailangan mo pang i-ayos yung sarili mo; yung confidence mo, so why not mag-settle sa mababa pero may matututunan ka. Kaysa naman hanap ka ng hanap kay five dollars pero wala pa rin. Later on naman tumaas na sya.
  • Visualize yourself five years from now. Then if you want to start freelancing, the best yung natutunan ko sa VA Bootcamp na maglagay ka ng 50 Whys mo. 50 Whys bakit gusto mong mag-freelancing, 50 Whys bakit ito yung nakikita mo para sa'yo. Darating na manghihina ka, or darating na parang "ano ba to bakit walang nangyayari" katulad sa'kin, it took three years. 2017 ko nakuha si Freelancing pero 2020 lang ako nagkaroon ng client. Ito yung 50 Whys mo para ma-motivate ka na i-push mo pa yung sarili mo kasi yun ang magiging guide mo rin na nangarap ka nang minsan, kaya mo siyang gawin. Saka may talent tayo, kailangan lang natin syang day in day out mong gawin.
  • May malelearn ka na skills na hindi mo inaakala at hindi lahat ng bagay ay natutunan sa school, along the way matututunan mo sya.
  • Don't be scared humarap sa client. Kasi yun ang iniisip ko, "Kung takot ka, maglagay ng piso sa daliri mo habang iniinterview ka." Kasi hindi mo na naiisip yung takot mo sa kliyente, ang naiisip mo may piso kang kinakapa sa paa mo so nadidivert yung attention mo na instead na kabahan ka, naaalala mong may piso ka. Yun yung isang trick kung hindi mo kayang humarap. Pero mas maganda nang humarap ka ng humarap sa client kasi later on, na-eenhance naman yan.

  • It's better to fail than nothing. Mag-fail ng fail kasi don sa failure na yan may malelearn ka. Wag na ikaw mismo ang magbababa sa sarili mo. “Hindi porke't ganito na yung edad ko..” Or di'ba yung iba, mga mothers na late thirties nang mag-start ng freelancing. No, we all have a chance in Freelancing. There's no age limit, there's no gender, lahat pantay. Basta kaya mong mag-deliver kay client saka if may client ka na, constant communication is the key. Kahit may mali ka, sabihin mo basta you communicate with your client. Mawawash out lahat ng yon kung lagi kang nagkocommunicate kay client. Yun ang masasabi ko in Freelancing.
  • Believe in yourself.
  • Advice ko lang, wag kayong sumabay sa agos ng tao kasi ibig sabihin maraming competition don. Dun kayo sa konti lang kasi mas malaki ang chance nyo saka okay lang mag-start ng maliit kasi later on nag-iincrease yung experience mo, yung knowledge mo, and maybe like me maging six-figure earner ka na rin. From piso walang one thousand, walang one thousand na nagiging one million so start from small then dream big.
  • Minsan kailangan mo lang talagang dumaan sa butas ng karayom pero after that babalikan at tatanawin mo na lang yung mga bagay na yan. Wala kasing ibang magpupush sa'yo kundi sarili mo saka yung kahirapan na nararanasan mo dapat maging stepping stone mo yon or yung mga taong nagdodown sa'yo, gamitin mong inspirasyon para abutin mo yung pangarap mo.
  • Thankful ako na naachieve ko tong six-figures na buhay pa nanay ko. Na napaparanas ko sa kanya. Yun yung best thing sa'tin na naaachieve mo yung goal mo, yung dream mo na kasama mo pa sila. Kaya bilisan nyo para maparanas nyo sa mga anak nyo, sa pamilya nyo yung pangarap mo.
  • Pag may itinuro sa inyo, it's your part na i-enhance yung skills na yon and then pay it forward. Kasi hindi mo matutumbasan yung binigay nilang chance so might as well i-pay it forward nyo.
  • Take action, yun lang. In every learning that you've learned kasi useless kung hindi mo i-aapply.

Journey to Freelancing

  • She has been an OFW for five years in Taiwan before getting pregnant with her second child.
  • After working as a machine operator, she had part-time jobs like ironing their engineer’s clothes, babysitting and selling accessories and trinkets to her Chinese co-workers.
  • While pregnant, she had always scrolled through Pinterest with hopes that she can learn new things and that’s where she discovered freelancing.
  • The first freelancing that she had was PCC or Pay-per-Click and for her to earn six thousand pesos she needed to work it for two weeks.
  • While her husband was working in a supermarket, she would sell meat online and have it delivered to her customer’s homes personally.
  • Pandemic happened, and she can’t go outside of their subdivision to deliver meat. Instead of being idle and waiting for things to get better she collected vegetable seeds from her own garden, dried them, repacked, and sold them throughout their subdivision.
    • With this hustling, she earned two thousand pesos and that’s what she used to install their internet at home. And that was how she started her freelancing career. 

Q&A Highlights

Let's start with your journey, what's your story?

Dati po akong OFW for five years sa Taiwan then umuwi ako because pregnant ako sa second child ko. Then while on my pregnancy, mahilig na talaga akong mag-Pinterest. Instead of Facebook, maraming DIY, maraming knowledge na makukuha then dun ko nalaman ang Freelancing. 

The first freelancing that I had is the PPC or Pay Per Click where you'll view ads or videos for 30-seconds then you will be paid around 10¢ then you will do some tasks and for 6 thousand pesos, I need to work it for two weeks. 

Then nagkaroon na ng baby, naging busy, nawala na sa'kin ang Freelancing but sa FB ko, lumabas si Jason Dulay from then I've been interested in Freelancing again. 

I already bought the Complete Package of the VA Bootcamp while being a Store Leader at a convenience store in the Philippines and dun nagstart yung hustling ko. 

But the community around me has this mindset na you must have a corporate job para mabigyan tayo ng decent income. 

Before pandemic, I was selling meat online kasi yung asawa ko nagwowork sa isang supermarket then nung nag-pandemic bawal lahat, bawal lumabas kaya walang income. But since mahilig ako magtanim, marami akong naipon na buto ng gulay. 

Ni-repack ko sya kaya nakapagproduce ako ng two thousand pesos then ginamit ko sya sa pagpapakabit ng internet. Dun nagstart ang hustle ko.

What made you decide to come to VA Bootcamp?

Kasi computer, so madali lang lahat kumbaga andun yung thinking ko na kaya mo lahat kaya mong gawin. 

Madali lang sya basta aralin mo and may process na nakita ko yung Sales Page, nanuod rin ako sa Youtube kaya naging interesado rin ako kasi ayoko nang bumalik ng Taiwan. Nakita ko sa sample nya na yung 60-80k na sinasahod ko sa Taiwan pag converted na, kaya ko syang kitain dito sa Pilipinas. 

Nakita mo yung development ng anak mo na pagdating mo, malayo yung loob sa'yo. Ayoko nang maranasan sa second child ko na hahabulin mo ang panahon para maging okay kayo. 

That's the main reason why I wanted to stay here with my kids.

What made you decide na ayaw mo nang bumalik sa abroad?

Sa Taiwan kasi machine operator ako sa factory and aside from that marami akong naging sideline.

Nagplantsadora ako ng mga engineer, dun rin ako nagkaroon ng business na gumagawa ako ng accessories (hikaw, kwintas, bracelet). 

Minaximize ko yung panahon na nasa Taiwan ako pwede pa kong mag-extra income para kumita pa kasi hindi ako yung tipo ng tao na nakaupo lang maghapon. 

Sanay akong may kinakalikot yung kamay ko kaya pagkagaling ko ng work, diretso ako sa schedule ko. 

Ang oras ng trabaho namin 7PM to 7AM tapos ang curfew  namin sa Dormitory ay 1PM kaya may 4-5 hours ako na pwede pa sa labas. 

Nagtinda ako ng mga accessories kaya  marami akong libro ng mga Chinese para sa paggawa ng mga accessories. 

Hindi ko naiintindihan pero titignan ko yung design, ako na gagawa. Tapos binebenta ko sya sa mga kasamahan kong Chinese.

Bilib naman ako sa'yo na mahilig kang mag-side hustle kahit na hindi required sa'yo, in fact kung tutuusin medyo okay naman pala ang sitwasyon mo sa abroad pero nag-side hustle ka pa rin?

Mataas kasi ang cost of living din sa Taiwan. Kailangan mo talagang magsikap para makaipon ka kasi nung umalis kami ng asawa ko, specific time frame lang talaga na ganito lang kahaba na mangingibang bansa kami; mag-iipon, uuwi. Pero syempre yung ipon mauuubos. 

At well known kami sa realidad ng OFW na possible ang broken family kaya bago kami umalis, usapan namin na ganito lang kahaba yung iispend sa abroad kasi nagkaroon ng recession noon. 

Bakit mas mataas ang pag-weigh mo sa corporate than freelancing?

Not exactly mas mataas ang corporate kasi nasa paligid tayo ng mga tao na ang tingin nasa corporate ang ikaka-unlad natin na once you graduate, aapply ka. Pinagbigyan ko lang talaga sila Mama kasi dapat nagfifreelancing na'ko.

Then nagkaroon ng opportunity na maging English Conductor ako dahil nagkaroon ng free training ang isang Call Center Agency kaya na-enhance ko yung speaking skills ko, communication skills saka pagharap sa tao. 

Nung bumukod na kami at nakuha ko na itong bahay namin noong late 2018, doon na ako nagpatuloy na kahit data lang, pinanunuod ko uli, inaaral ko pa rin mga videos ni Jason Dulay. 

Ilang buwan ka nag-hustle sa VA Bootcamp before ka napunta sa sitwasyon na medyo okay na?

2017 nung binili ko si VA Bootcamp then 2018 lumipat kami dito pero nasa convenience store pa rin ako. Then 2019 nag-decide ako na mag-stop mag-work at talagang i-pursue ito. Hindi ako tumigil na magbasa at tumingin sa Youtube regarding sa freelancing kahit small action lang yon basta related. Habang gumagawa ng paraan, aral ng aral, basa ng basa, improve my english everyday para in the right time ready ako. Dapat magkakaclient na'ko kaya lang hindi talaga kaya ng internet namin noon. Then nung meron na sa phase namin dito sa subdivision, gumawa talaga ako ng paraan. Yung naipon ko na buto ng gulay, nakakuha ako ng two thousand pesos at yun ang ginamit ko para makabitan kami ng internet. 2020 nagkaroon na ako ng client, now apat ang client ko aside sa mga side hustle ko for graphics.

Nag-struggle ka ba na suportahan ka ng asawa mo with your venture in Freelancing?

2017 kasi nung umuwi sya from Saudi, naubos na kasi yung ipon namin nung nasa Taiwan kami. Nakita nya tong ginawa ko na Pay Per Click tapos andon kami sa situation na nakatira pa kami sa Mama ko na pagkagaling ko sa work sa Convenience Store, sa gabi inaaral ko si VA Bootcamp. Uuwi ako ng past 10:30PM, aaralin ko sya hanggang 12MN. Kaso hindi talaga given ng panahon, ng lugar kaya nung lumipat kami dito sinabi ko talaga na "give me a chance" kasi meron talaga akong nakikita na ito talaga ang magbibigay sa amin ng maayos na pamumuhay. Kasi ang pagpapamilya, team work kayong mag-asawa kaya kailangan mong kausapin din ang pamilya mo na this time mga 8-9PM iseset aside ko na sarili ko sa isang tabi para i-focus ang sarili ko sa freelancing hanggang sa makahanap ako ng client. Kasi sinasanay mo na rin sila para pag nagkaroon ka ng client, hindi ka na nila pwedeng guluhin. 

Paano mo nakuha ang apat na client plus side hustle?

Ang lahat ng clients ko ay from Facebook. Nasa Amazon Market ako since nagstart din ako maghanap ng kung anong market: web design, landing page, Facebook Ads pero walang swerte kaya bumalik ako kay Amazon. Napansin ko na ang mga Filipino lahat nasa PPC, nasa advertisement ng Amazon. Ang Amazon maraming stages: product research, product listing, sourcing, then PPC. I went to product listing. Nagkaroon ako ng client through cheerleading sa Facebook. Pumupunta kasi ako sa mga FB Group ng mga Amazon Sellers, dun ako nagcocomment at pag hindi ko alam yung tinatanong ni Client pumupunta ako sa mga past comments ng iba, pinaparaphrase ko sya kaya hindi na nila alam na ginaya ko lang yung comment na nung nauna and it made me look like a specialist.

Ano po ang niche ni Ms. Manneth? Sumali ba kayo sa mga internships within VAB or outside or nag-DIY lang kayo?

Hindi ako sumali sa mga internships within VAB. Kasi pa-stop stop ang pag-aaral ko sa VA Bootcamp kaya hindi ko namaximize yung mga offer dito sa VA Bootcamp kasi pabalik-balik ako. Ang plano ko noon is Bookkeeping, yun ang target ko kasi more on analysis ako. Naiba ako pero analytic pa rin sa Amazon.

Do you have any regrets for not taking Bookkeeping?

None. Parang naging passion ko na rin si Amazon na parang kahit umupo ako dito maghapon okay lang kasi nagustuhan ko sya kaya yun ang sinasabi ko sa ibang mga students na umaattend ng free webinar ko na listing optimization na minsan hindi mo kailangan sumabay sa agos ng mga taong pumupunta doon kasi marami na silang nag-aapply doon. Why not dito sa listing na kaunti lang ang nag-aapply kaya yun ang ginawa ko na daan. 

Bilib rin ako sa'yo Manneth na meron kang apat na clients side hustle pa rin ng side hustle?

Aksidente lang din yung mga side hustle ko kasi nasa product listing ako so may graphics din kasi ang Amazon yung seven images tapos nung time na yon, yung client namin sa isang agency na part rin ako. Dahil nakakapag-market research ako, hindi ko nagustuhan yung outcome nung Chinese graphic artist nung nila kaya ni-redo ko sya sa Canva. Hanggang sa binigyan ako ng chance na gumawa ng package label, nagawa ko. Chinarge ko sya ng $65, kumagat si client. Tinaasan ko sya ng $150, kumagat nanaman yung panibagong client hanggang sa ngayon nasa $150 per package design ko. Yun ang malakas kong side projects and si Gal Gadot naging client ko sya for graphics.

Ang dami mong sinabi na mga tidbits na gusto kong i-focus pa sana pero alam kong marami kang hinandang advice mo para sa mga audiences natin for tonight.

  • Visualize yourself five years from now. Then if you want to start freelancing, the best yung natutunan ko sa VA Bootcamp na maglagay ka ng 50 Whys mo. 50 Whys bakit gusto mong mag-freelancing, 50 Whys bakit ito yung nakikita mo para sa'yo. Darating na manghihina ka, or darating na parang "ano ba to bakit walang nangyayari" katulad sa'kin.Ito yung 50 Whys mo para ma-motivate ka na i-push mo pa yung sarili mo kasi yun ang magiging guide mo rin na nangarap ka nang minsan, kaya mo siyang gawin.
  • Don't be scared humarap sa client. It's better to fail than nothing. Mag-fail ng fail kasi don sa failure na yan may malelearn ka. Wag na ikaw mismo ang magbababa sa sarili mo.
  • Basta kaya mong mag-deliver kay client saka if may client ka na, constant communication is the key. Kahit may mali ka, sabihin mo basta you communicate with your client. Mawawash out lahat ng yon kung lagi kang nagkocommunicate kay client. Yun ang masasabi ko in Freelancing.
  • Wag kayong sumabay sa agos ng tao kasi ibig sabihin maraming competition don. Dun kayo sa konti lang kasi mas malaki ang chance nyo saka okay lang mag-start ng maliit kasi later on nag-iincrease yung experience mo, yung knowledge mo.
  • Pag may itinuro sa inyo, it's your part na i-enhance yung skills na yon and then pay it forward. Kasi hindi mo matutumbasan yung binigay nilang chance so might as well i-pay it forward nyo.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

75 comments on “Online Meat Seller’s Pinteresting Journey to Becoming a VA”

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram