Overcoming Obstacles to Give a Better Life for Her Son - Interview with Christine Manlapaz

September 4, 2019
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Overcoming Obstacles to Give a Better Life for Her Son - Interview with Christine Manlapaz

Did you ever have to choose between taking care of your family and pursuing a job opportunity that will help provide for their needs?

This is the case for most OFWs and working women, isn't it? It's a difficult dilemma because taking care of one's family requires both money and time with them. Luckily, for freelancers, we can have both.

For this week's JAS SUCCESS interview, we're going to learn about the inspiring story of Christine Manlapaz, a virtual assistant who left the corporate world so she could spend more time with her son.

When she was still working in Manila, she had to leave her child with her in-laws in the province because that was the best arrangement she could think of. Understandably, it was difficult for her, as a mother to be far away from him.

When she heard about online freelancing, she tried her best to acquire the knowledge and skills necessary to get started. The idea of being able to work from home gave her hope that she could take care of her son without worrying about their financial situation.

At first, she tried working part-time as an ESL Teacher, but the pay was too low so she looked for other opportunities. Then she got hired as an e-commerce VA but she didn't get paid - she was scammed!

You could imagine how discouraging that was, but she didn't give up the fight!

Watch the replay here.

Notable Quotes:

  • Before, after graduation naghanap ako ng trabaho nung nag apply na ako dito sa amin dahil wala ako mahanap na work agad agad pumunta ako ng Manila para mag hanap ng work
  • Nag bank po ako before 8 months lang po yata ako sa bank nung lumipat ako sa office, ito na yung pinaka matagal ko na work sa corporate office job in Makati
  • Nung single pa syempre okay lang na malayo ang distance kasi yung mga ka office mo gala kayo dito gala kayo doon, okay lang po yun. Wla ka pa masyado maiisip na responsibility
  • That time po palipat lipat ako ng tirahan kasi gusto ko malapit sa office lang kaso mahal naman sa Makati, mahal yung cost of living
  • After two years ko sa corporate nagkaroon ako ng baby
  • Ang hirap nung iniiwan ko siya sa in-laws ko kung pwede lang huwag ka ng umalis
  • 1 week po yung pinakamatagal na leave
  • Yun po parang nahirapan na ako at that time magkasama na kami ng sister in law ko sa manila kasi para may kasama ako at maykasama din siya
  • 3 to 5 hours bago ako makauwi
  • 1 year na ganun nag tya-tyaga ako from cubao to makati 
  • Okay lang po sana yung work kaso yung biyahe
  • Na homesick pa ako sa anak ko
  • Dun na po yung pumasok yung na realize ko na “wala bang trabaho sa bahay?”
  • Yung mga tanong ko gino-google ko kahit na complicated na tanong gino-google ko
  • Tapos yun nakita ko Jason Dulay tapos work from home pa yun
  • Nag subscribe po ako sa 5 days free VA course tapos habang nagba-byahe po ako nanunuod ako ng course niyo
  • After 1 week nag start na po ako at nag enroll na po ako
  • Sa ang kalaban ko talaga nun is yung anak ko at byahe at minsan may stressful na tao
  • Kung ano yung last salary ko sa Manila yun na po yun pero di na po yun nagbago
  • Nag decide na ako ng kelangan ko ng additional income kasi lumalaki na yung anak namin
  • Magkakaroon dapat ako ng client kaso yung asawa ko bigla siyang pumasok at sabi niya “Bat ka nakikipag-usap sa foreigner?” Hindi ganito kasi sa homebase
  • Yung mama ko sinasabihan ko po siya , kinu-kwentuhan ko siya, tapos sabi niya “Sigurado ka ba diyan baka mamaya walang kang trabaho pag dating ng oras, tapos hihingi ka sa akin”
  • Minsan na nenega na po ako kasi ganun yung nasa paligid ko di pa talaga nila alam na may ganito na work
  • Apply lang po ako ng apply at matagal po talaga magka client
  • Minsan talaga mawawalan ka ng pag-asa pero pag na nenega na po ako nanunuod na po ako ng Jassuccess
  • After 1 month po nag apply ako as ESL tapos natanggap naman po ako, nag 3 months lang po ako dun kasi ang baba ng sahod
  • After two months nahanap ko si Ecommerce yung nang scam sa akin, pinag trabaho ako ng 1 month 
  • Bago po kayo mag-accept ng offer kay client, lalo na kung testing, siguro one day lang dapat (ang testing period with free work). Tapos i-search niyo po siya kung totoong tao ba siya.
  • Sabi ko, “Okay lang kahit ‘di niya ako binayaran (one month free work).” Kasi ‘yung mga files, mga Excel, mga training, sinave ko po ‘yon. Sabi ko, “Eto na lang. Pang-portfolio ko na lang ‘to.” Binawi ko na po doon.
  • Minsan sabi ko, “Parang ayoko na.” Sabi ko, “Parang ayoko na.” Tapos tinitingnan ko ‘yung anak ko, hindi puwedeng, “Ayoko na.” “Kawawa naman ‘yung anak ko.” Tinitingnan ko siya. Sabi ko, “Hindi maghahanap pa ako, madami pa diyan.
  • Ang saya saya po. Hindi na ako gumigising ng maaga, tapos andito ‘yung anak ko katabi ko, tapos nagtatrabaho po ako nandiyan [siya].
  • Sa mga nawawalan po ng pag-asa, siguro hindi pa po para sa inyo yung mga ina-applyan niyo. Malay niyo po--anong tawag nito--hindi niyo lang siya na-applyan, pero one day mahahanap niyo din yung maayos na client.
  • Habang naghahanap pa ng client, mag-pray po palagi, tsaka ‘wag mawalan ng pag-asa.
  • Hindi po ako nagpadaig doon sa negativity, kaya ‘yun: hanggang ngayon, lumalaban.


Christine's Journey to Freelancing:

  • She is from Legazpi, Albay.
  • After finishing college, she applied for work in Manila after not being able to find a job in the province.
  • She worked in a bank for 8 months.
  • She then transitioned to an office job in Makati for two years.
  • She kept changing her living location before getting pregnant.
  • It was hard to have to leave her baby with her in-laws often because of work logistics.
  • Her husband is an OFW seafarer.
  • It was tough to file a leave from the office (one-week maximum in general).
  • For a year: commute time to work took 1 hour, commute time to go back home took 3-5 hours.
  • She heard about Jason Dulay after googling about work from home opportunities.
  • She availed of the Free VA Course at freevacourse.com.
  • She watched WFHR videos while commuting.
  • She enrolled in the VAB Accelerated course after taking the free course.
  • She bought and used Smart Bro for internet while learning the lessons.
  • She got a first online job as an ESL tutor (3 months), but the pay was meager.
  • Later on, she got scammed by an e-commerce client from OLJ (1 month of work).
  • She applied for the October 2018 Guided Hustle Challenge yet got hired just before the training began.
  • She got another client after one week.
  • She eventually then lost all her clients because, according to them, she lacked skills.
  • It took around one year for her to get decent clients online (5 clients in January 2019).
  • Eventually, she started being the one turning clients down because they made her overloaded.
  • She resigned from her corporate job in April 2019.
  • She used the knowledge gained from the client who scammed her to start her own Shopify business.
  • From applying to job posts, she has now transitioned into posting jobs to hire her team online.
  • She is currently training one staff person for her Shopify business.
  • She is looking to hire more.

Q & A Highlights:

 Mas mababa ba ang sahod mo sa ESL compared sa corporate? 

Opo. Mas mababa po.

 One year ‘yung struggle mo ‘nung naghanap ka ng freelance work. Looking back, would you say worth it ang dinaaanan mo ba?

Opo. Kasi trials lang ‘yun na binigay sa akin ni God. Para kunyari kung malalagpasan ko o hindi. Kung matibay ba ako. Kasi, kapag nalalagpasan mo ‘yung mga problems, mga trials na ‘yon, [ibig sabihin noon] matatag ka ‘eh.

 Flexi-time ho bang maging E-Commerce VA? Mga ilang oras ang naibibigay niyo sa isang E-comm client?

Pag sa E-comm po, alam ko flexi.

 Did you go through ‘yung E-comm training sa bootcamp? 

Opo.

 When you were going through your challenges, masyadong nakaka-demotivate din minsan noh? 

Minsan nakakatamad na mag-apply. Nakakawala ng pag-asa po talaga. Pero dahil nga po sa mga ‘yun nga: diyan sa Jas Success, yung mga ganito po na ginagawa niyo. Nakaka-motivate po siya, Nakakatulong po siya sa mga ano: nanenega na ng tao na nawawalan ng pag-asa na, “Magkakaroon pa ba ako ng client? Para sa akin ba ’yung freelancing?” Mga ganoon.

 Tapos ‘pag napanood mo na, sinisipag. Ako kasi ganoon po ako eh. kapag nanenega na ako, tapos nanonood ako ng mga positive na videos, “Ay! Hindi. Minsan hindi na. Ay! Magpapa-late ako ng tulog. Gagawin ko to! Gagawin ko to!” Ganyan. Ganoon po. Maganda po talaga ma’y ganito sa isang group, sa community.  

 Ikaw na nag-hihire ng VA mo diba? 

Pina-free training ko siya. ‘Yung iba kong task na data entry, siya ang pinapagawa ko, kasi ‘di ko na kaya. hindi ko na po kaya. Ang purpose ko po talaga sa madaming clients ay [para] may maturuan ako tapos maibigay ko doon [sa tinuruan ko], para--ano po--experience nila. Ma’y pang portfolio sila.

 Anong advice ang maibibigay mo sa viewers natin? 

Sa mga baguhan po, try to watch mga [free] tutorials muna. [At kung] nakukulangan ka pa sa mga nakikita mo, Mag-enroll ka po sa mga paid courses, kasi worth it po siya. Kasi nandoon ‘yung support ng group, support ng mga coach, ng magiging coach. Sa mga naghahanap ng client at wala pa rin, huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Ako nga po one year mahigit din bago nakakuha ‘yung maayos na client at bago nakapag-resign, kasi matagal ko na po talagang gustong umalis sa corporate pero ngayon tiyanaga  ko po, kasi iniisip ko din ‘yung anak ko--kapag wala akong trabaho tapos wala pa akong client. So mag apply lang po kayo ng mag apply. Eto nga pong free PDF file na resources po, na para makapag-boost ng confidence ninyo sa interview. Tingnan niyo po para makatulong po ako kahit papaano. Hiring po kami doon. Sa mga nasendan po ng PDF, hiring po kami. Pa-send na lang po ng mga CV niyo. Nandoon po ‘yon.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

87 comments on “Overcoming Obstacles to Give a Better Life for Her Son - Interview with Christine Manlapaz”

  1. Pag breadwinner ka, biggest challenge talaga na nega ang mga tao sa paligid habang pinu-pursue mo ang freelancing. Atleast 3 months allowance, nag-work yan sa akin before nagkaroon ng good client. After mo naman ma-hire, super sulit lahat ng sacrifices. Very convenient mag-work sa bahay at super tipid pa hehe😁

  2. Nakaka-demotivate nga pag hindi pa na-replyan o na-hire pero dahil andami ng applications na nai-submit ko, nung time na hindi ko ine-expect, nun nag-reply ang mga clients😊

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram