Tagumpay na Pangarap: Our Singapore Family Trip While Freelancing

April 19, 2018
by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Matagal ko nang pangarap na makapag-travel abroad.

Nakapunta na akong Singapore dati, pero mag-isa lang ako nun.  Alam mo na kapag nanay, parang ang hirap mag-enjoy mag-isa...

Naiisip ko: ‘Sana kasama ko sila’ or ‘Uy, matutuwa si Kuya dito.’

Parating kasama ang buong pamilya sa mga pangarap. So good luck nalang sa’kin dahil magastos mag-travel at 6 na kami!

Nung isa pa lang kasi anak namin, empleyado ako nun.

Sa dami ng priorities, pangarap na bituin talaga ang travel - di ko na sinubukang abutin. Yung makasama ko lang nga ang anak ko buong araw, struggle na eh.

Pinangarap ko na sana maka-imbento si Lord ng trabaho na pwede kong makasama ang mga bagets.

Ang hirap kasi, bilang isang nanay, kelangan mo pa talagang mamili between TRABAHO or PAMILYA? 

Kaya nga tayo nagtatrabaho para sa pamilya, hindi pa pwedeng BOTH?

Or ‘yung tuwing may balak kang bakasyon or special event, kelangan mo pang ipagpaalam or magpa-approve ng leave - so, either paplanuhin mo sya ng maaga or absent ka na lang sa mga pictures.

Nung maliit palang si panganay, sobrang sakit sa loob ko nung iniiwan ko siya sa parents ko para sa trabaho.  ‘Pag papunta na akong work, hahabol siya sa’kin dahil ayaw niya akong umalis. Breastfed ko sya nun, kaya din sobrang clingy niya sa’kin.

Minsan naiiyak na lang din ako kapag umiiyak siya tuwing ganito ang eksena, kaya madalas I make sure na tulog pa siya pag papasok na ko.

Naging ganun din ang scenario sa pangalawang kong anak. Nakakapanghinayang kung may mga milestone silang sa kwento or sa picture mo na lang makikita.

Kaya’t pinangako ko sa sarili ko na ‘pag nagka-baby kami ulit, di ko na talaga siya iiwan sa parents or in-laws ko.  (Sa ilang taon ko ring empleyado, halos di ko na naisip ‘yung travel goals ko dahil sa mga gastusin pa lang, hindi na sapat ang kinikita ko.)

Kaya’t pinasok ko ang pagnenegosyo...

Sa ikatlo at ikaapat kong anak, natupad ko naman ang pangako ko. Nagka-water station business kame so talagang hindi ko na sila iniiwan.. literally!

Dahil super hands-on kaming mag-asawa sa business, lagi ko naman silang bitbit tuwing may delivery kami - si hubby ang driver ng delivery van, ako ang pahinante 🙂

Masaya dahil kasama ko sila buong araw pero ayoko din namang ma-deprive sila from a normal childhood. Napagod din ako sa eksenang ganun, pramis!

After mga 10 years na ganun, nakasama ko nga sila, pero wala namang quality time and hindi pa rin namin nagawang mag-travel. Naisipan kong maghanap ulit ng iba’t-ibang raket.

Hanggang napadpad ako sa online freelancing…

Dito talaga naging swak ang schedule ko para sa mga kids, kumpara sa pagiging employee at pagiging hands-on na negosyante.

  1. Unang una, naaalagaan ko ang aking mga anak habang tumutulong financially kay mister.

Nakaka-gising ako ng maaga para asikasuhin sila pagpapasok sa school, tapos pag-uwi nila, andyan lang din ako para makalaro at mag-tutor ng assignments.

Sa 2 years ko sa freelancing, masasabi kong eto talaga ang sagot sa dasal nating mga ina.

  1. Pangalawa, hindi na ako nauubusan ng energy sa traffic.

Nope, hindi na bilang isang empleyado. At hindi na rin bilang isang pahinante.

Kung sumasabak man ako sa traffic ngayon, na-eenjoy ko na dahil for sure, gimikang pampamilya ang mga gala ko! 😉

  1. Natupad na rin ang pangarap kong mag-travel.

Sa wakas! Kahit 2 years palang ako sa freelancing, nakapag-book ako ng Singapore flight kasama ang buong pamilya. 🙂

Last Monday, sabay-sabay kaming nag-board ng airplane, wuhoo!

First time ni bunso sumakay ng airplane nyan (milestone, YEHEY!) 🙂

At dahil may tutuluyan kami for free sa SG (andun ang aking mahal na kapatid), nilubos-lubusan ko na at ginawang 2 weeks ang bakasyon namin.

Eto pa:

- Hindi ko kinailangan mag-file pa ng leave at kung anong mga anek-anek.

- Pwedeg mag-work from anywhere, basta may internet. So, nakakapagtrabaho pa rin ako at kumikita ng pambawi-gastos 😉

I’m sharing this story dahil alam kong maraming mga Mommies ang makaka-relate sa kwento ko.

Sa mga nagbabalak mag-freelancing, ituloy-tuloy n’yo lang ang pag-aaral at pag-reresearch, magbubunga din yan soon tulad ng story ko.

‘Pag gusto, maraming paraan ‘di ba? And iba yung mga Mommies kapag may pangarap para sa pamilya, walang makakapigil sa’tin! 

So ayan!

Kayo naman ang mag-share ng Mommy goals niyo for the family.

I’m sure madami yan (madame pa din akong goals na hopefully ay ma-reach ko this year and in the near future.)

Let me know in the comments din para may ka-chikkahan ako online. Mag-rereply ako promise. 🙂

 

Follow us on Social:

by Anna Soriano 
Anna is a full-time freelancer and a mother of 4 boys. Aside from being a Top-Rated freelancer on Upwork, she is one of VABootcamp’s partners and coaches where she provides guidance to VABootcamp enrollees. Anna also hosts FLIP Chat & Chill and JasSuccess Fb live shows where they feature success stories and tips for freelancers in the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

15 comments on “Tagumpay na Pangarap: Our Singapore Family Trip While Freelancing”

  1. Inspirasyon talaga kita Ms. A..isa sa mga goals ko din to sa family ko..thanks for sharing ☺

  2. Hi Ms. Anna, inspiring po talga ang story mo. 5 years na po ako sa freelancing pero pangarap prin po ang mkapag travel kasama ang pamilya. I juggle 2-3 jobs to hit my monthly salary quota. Though marami nman akong investment para mas mapalago ang work ko sa online. Hindi nman gaano kalakihan ang sahod ko kaya naghahanap ako ng skill na pwede ko ma acquire at mgamit ko online at maging mas mataas ang rate ko. Sana mabigyan nyo po ako ng tips. I’m a full time mom if two rin po. Kaya struggle po skin ang 3 jobs and ang pag aalaga ng 10 months old at 4years old. Saludo po ako sa inyo to manage your time taking care of the family and having a successful onlin job that can provide enough for the whole family.

  3. Ms. Anna, congrats po sa travel nyo. finally po natupad na ang isa sa iyong pangarap. sana po magawa ko rin yon later. pero sa sitwasyon ko po ngayon parang di po yata mangyayari kc po ala ako sa pinas. dito po sa lugar ko ngayon email and chat lang po pwede. di po pwede ang live kc po banned. kaya po siguro nahihirapan ako sa target clients ko kc po di nila ako pwedeng makausap ng live. ano po ang advice nyo? many tnx po sa help mo.

  4. Pangarap ko din one day mksama mga anak ko mging saksi s mga milestone nila....bilang isang OFW importanteng okasyon ng pamilya absent ako....pray hard lng n mapasaakin maging isang freelancer....pray for me ms anna...tnx

  5. Bago palang po ako sa wfhr,at di ko pa natatapos yung bootcamp pero bilang Momsh nakakainspire po yung kwento ninyo Ms. Anna. Mas namomotivate po ako na ipagpatuloy itong freelancing. Kahit maraming nagsasabi na gastos lang yung pagttraining ko dito, gusto ko patunayan na magiging successful ako dito.

  6. Hi Miss Anna,

    Ramdam ko pinagdaanan mo sa first baby mo. I also cry everytime iniiwan ko ang panganay ko sa nanay ko. And the distance is an 8-to-10 hour drive. Nakikita ko lang sya 2 or 3 times a year. Good thing meron na videocall kaya kahit through it lang, lumalaki syang kilala nya na kami ang parents nya. Pero that's not enough kasi we are missing a lot sa buhay nya. And now na buntis na ko sa 2nd baby namin, gusto ko na magkasama sama kami kumpleto and pagdating ng panahon, maabot din ang "pangarap na bituin" 🙂

    I'll give birth in June and hopefully, after full recovery, makapagstart na ko sa freelancing (leaving my corporate life).

    I am so inspired by the stories like yours and also looking forward into learning from you as I start my career as a freelancer!

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram