TESDA Graduate to Successful Ecommerce VA - An Interview with Alvin Candelasa

November 14, 2018
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

Featured on #JasSuccess is the freelancing journey of Alvin Candelasa, an E-commerce VA who describes himself as an “ordinary person full of DREAMS and GOALS.”

With only a 6-month TESDA certification as his credential, Alvin struggled as a breadwinner when he first started.

How did he use failures, hardships, and faith as fuel to improve his circumstances?

In this interview we will find out:

✅ Why workplace issues made him decide to quit a job, he looked so hard for
✅ How he started his online career, even without the budget to enroll in courses
✅What gave him the confidence and courage to create his own brand

And a lot more…

Free VA Course for Newbies
FreeLancing In the Philippines (FLIP) FB Page
Subscribe to Jason Dulay’s YouTube Channel

Notable Quotes:

  • Inumpisahan ko sa free VA course. Nung natapos ko yung 5 days na video lagi akong nag-e-email kay Sir Jason (Dulay). Dahil dun nainspire ako, nabuhayan ako ng loob magwork ulit pero dito nasa bahay. Kasi that time nagbabalak na din ako mag-abroad. ‘Yun yung pinakamabigat na desisyon sa’kin kasi kung meron mang mangyari na ‘di maganda dito sa Pinas, di naman ako basta-basta makakalangoy (pabalik).
  • Hindi ako makapag enrol (sa VA Bootcamp), walang budget, So, sariling sikap, self-study from January 2017 to February 2017. By March 2017,  nagstart na akong gumawa ng sarili ‘kong step. Nag-aral ako within 3 months. Self-study, dahil wala akong pang enrol.
  • Nung una kasi nakita ko ‘yung interview (kay Bernie Castro ni Jason Dulay). ‘Yun inistalk ko (si Bernie). Nagtanong tanong din ako (kay Bernie) kasi hindi naman masamang magtanong. Parang iniisip kasi natin pag nagtanong ka mapapahiya ka. Pero (inalis) ko yung walls na ‘yun. Unang pag-uusap namin unprepared ako sa Skype. Nung time na yun, wala akong headset. Unprepared ako. Parang napahiya ako sa sarili ko. Pero dun sa lesson na yun na gain ko siyang strength. Next time na magkakaroon ako ng client, hindi dapat ganun.
  • (Kinuha ko ay) Accelerated. Tiningnan ko yung mga content, sabi ko, “Ang layo pala nung tinatahak ko,” (base) sa mga content. Dun sa pagsali ko sa Bootcamp, parang nabigyan ako ng idea dun sa mga ginagawa ko. (Naliwanagan ako). Sef-study hanggang sa inapply ko lahat ng natutunan ko sa Bootcamp. First time kung nakilala si ROPE.
  • Talagang nung nagtratrabaho ako, sinabi ko sa sarili ko na gusto kong magkaroon ng sarili kong bahay. ‘Yun yung naging fuel ko. ‘Yun yung naging big why ko (kung) bakit ako nagfree-freelance. Sa mga nangyayari ngayon, ang pagfreefreelance, parang laro lang din yan. Once na naumpisahan mo, kailangan mong tapusin. Nakakuha ako ng sarili kong property within one year.
  • Hindi binase sa pinag-aralan ‘yung ability mo, nasa diskarte pa rin yan kung paano ka magtrabaho. And, yung perseverance mo na kahit gaano kahaba, gaano kahirap yung (pinagdaanan). Sabi nga nila, kung matalo ka man, matatalo ka pero hindi ka magququit. Kasi matatalo ka, babangon ka ulit. Pero pag nagquit ka, hanggang dun ka na lang. Kalaban mo rin sarili mo, yun yung main point ko diyan. Kalaban mo sarili mo, kalaban mo utak mo. Kasi once na prinogram mo ang utak mo na, ganito ka na lang, wala kang mararating.
  • Nasa diskarte lang yan kung paano mo ifufuel ang sarili mo. Ako ang nangyari sa akin. Nagkaroon ako mga burning desire sa sarili ko and hindi ko inalis yun fighting spirit. Yung willingness kong matuto. Kahit na may alam na ako, learning pa rin. Sabi nga ni Shanti, still learning pa rin kahit may alam ka.
  • Sabi nga, “There’s a point in everybody’s life when you have to make a decision to change.” Like in my story, you decide whether you rise or fall. So never give up. If something in your life needs to change then just do it. Take a leap at the problem. Step out of your shell or your comfort zone because time is precious and life is short. You only have one life, so live it. You never ever settle. You must believe in yourself because when you confront your challenges, makikita mo yung success pag nandito ka na. Naging successful ako sa mga VA Bootcamp students dito sa Tarlac. Nakita ko yung success ko sa kanila.

 

Alvin’s Journey to Freelancing:

  • After his father died, his mother becomes the only provider in their family.
  • He took up Computer Information Technology in college, however, he wasn’t able to finish it due to financial problems.
  • In lieu, he took a 6-month Computer Technician course in TESDA at San Sebastian, Tarlac.
  • After he graduated, he helped his mother in providing their family’s needs and he eventually becomes the breadwinner.
  • He tried applying in BPO companies but didn’t get hired because they are looking for someone who has finished a 2-year or 4-year course.
  • His first work is as Sales Attendant in a computer company in Concepcion, but his salary is not enough for their needs.
  • To make the ends meet, he went house to house to repair computers.
  • After five months, he felt that he becomes stagnant and there is no opportunity for growth because of corporate politics.
  • He quits his corporate job and put up his own computer shop but it failed.
  • He planned to go abroad but was hesitant because he doesn’t want to be away with his family.
  • December 2016, he saw the Work from Home Roadmap, prior name of FreeLancers In the Philippines (FLIP), in Facebook.
  • He became curious when he saw Jason Dulay’s ads on how to earn P80k a month.
  • After he finished the Free VA course, he constantly sends e-mail to Jason.
  • He got inspired and thought that this will be his last chance to improve their living.
  • From January to March 2017, he did self-study. He created a profile in Upwork by applying what he learns in the Free VA course.
  • When he saw Jason’s interview with Bernie Castro, a VA Bootcamp student, he followed Bernie and started sending queries to Bernie regarding online jobs.
  • Bernie gave him advice on how to become a freelancer and he eventually finds his first client for Data Entry in Upwork.
  • His second client is for Amazon Product Lister, this is when he becomes an E-commerce VA. This contract lasted only for three months.
  • He got another client as E-commerce VA this time in Onlinejob.ph and the contract ended in February 2018.
  • From February to March 2018, he had a hard time finding new clients.
  • In April 2018, after saving enough money he enrolled in VA Bootcamp and took the Accelerated course.
  • He was enlightened and realized the loopholes in his practice. He started applying ROPE and AIDA techniques in his cover letters and profiles.
  • He did a do-it-yourself Huscle Challenge and got his client in Hubstaff.

Q&A Highlights:

San mo nameet ang WFHR (Work from Home Roadmap)? Anong year nung nakita mo ‘yung Facebook ads ni Jason?

‘Yun yung former name ng FLIP. Nameet ko siya sa Facebook. Parang nakita ko yung ads ni Sir Jason. Na-curious ako. Siguro mga late December 2016 kasi nagstart ako January 2017. Nangyari nun, nacurious ako kasi si Sir Jason kumikita ng 80k a month. Inumpisahan ko sa free VA course. Nung natapos ko yung 5 days na video lagi akong nag-e-email kay Sir Jason.

Parati kayong magkausap sa email?

(Oo). Dahil dun nainspire ako, nabuhayan ako ng loob magwork ulit pero dito nasa bahay. Kasi that time nagbabalak na din ako mag-abroad. ‘Yun yung pinakamabigat na desisyon sa’kin kasi kung meron mangyari na ‘di maganda dito sa Pinas, di naman ako basta-basta makakalangoy (pabalik).

Eto na ung last resort mo para talagang mapaangat pa ‘yung estado sa buhay?

Oo. Sa kakapray ko, nakita ko ‘tong ads ni Sir Jason. Nag-enroll ako sa free VA course. Nagstart ako from scratch. Sinunod ko lahat ng instructions nya sa video. Then, ang masakit nun, parang nabitin ako. Paano ako mag-(eenrol). Nakita ko ‘yung VA Bootcamp, that time wala akong pera.

Hindi ako makapag enrol, walang budget. So, sariling sikap, self-study from January 2017 to February 2017. By March 2017,  nagstart na akong gumawa ng sarili ‘kong step. Nag-aral ako within 3 months. Self-study, dahil wala akong pang enrol.

Nakagawa ka na ng iba’t ibang profile mo sa mga platforms? Like OLJ, Upwork?

Actually, nagfocus ako sa Upwork nun.

Kinareer mo ang paggawa ng profile ni Upwork?

Everytime na nagigising ako ng umaga, lagi kong chinecheck yung Upwork ko kung approved na. Then all of a sudden, siguro mga 50 or 40 tries ‘ata yun. Naapprove na din.

Nung naggagawa ka pa lang ng profile, anong inilagay mo sa portfolio mo since free VA course ka pa lang?

Kung anong natutunan ko sa free VA course. Ang data entry inaral ko rin yan. Pinag-aralan ko rin based on internet research. Excel, Microsoft, pinag-aralan ko siya nag-google talaga ako and YouTube. Walang tumulong sa akin, ako lang. Nakilala ko din si Bernie Castro.

Isang VA bootcamp student din. Minemesage mo ba siya?

Nung una kasi nakita ko ‘yung interview (sa kanya ni Jason). ‘Yun inistalk ko siya. Nagtanong tanong din ako kasi hindi naman masamang magtanong. Parang iniisip kasi natin pag nagtanong ka mapapahiya ka. Pero (inalis) ko yung walls na ‘yun. Unang pag-uusap namin unprepared ako sa Skype. Nung time na yun, wala akong headset. Unprepared ako. Parang napahiya ako sa sarili ko. Pero dun sa lesson na yun, na gain ko siyang strength. Next time na magkakaroon ako ng client, hindi dapat ganun.

Binigyan niya ako ng mga advice paano ko i-start ‘yung (online job) and then one day, sa Upwork luckily nakakuha ako ng isang invitation.

Then, ang work ko lang is data entry. Kasi yun lang talaga ang title ko nun,  Data Entry sa Microsoft. Ang alam kong rate ko dun is $5/hour. (Pero) ang unang kita ko sa kanya is $14 ata. Una hindi ako makapaniwala na (totoo) siya, parang scam ‘ata to. (Pero) nasecure ko (naman) yung salary ko, nawithdraw ko siya.

Continous yung data entry mo na work dun sa naghire sa’yo? Hindi siya one-time lang?

Actually, nung natapos ko yung first project niya, binigyan niya ulit ako ng second project. Unfortunately, hindi nag-retain yung client dahil nga unresposive siya. Parang ako na lang din nag-end ng contract ko.

Hindi niya ako nafeedbackan. Niresearh ko kung ako mag-eend ng contract ko anong magiging (consequence) sa’kin nun. After a month, ako na nag-end ng contract ko kasi nga unresponsive si client. After nun, nagtry akong i-upgrade yung skills ko. Yung profile ko pinolish ko. Nakakuha ulit ako as a product lister sa Amazon. Dun na nagstart yung pagiging E-commerce VA ko.

Nung nagtry ka mag-E-commerce, wala kang background, totally newbie ka sa E-commerce?

Yes.

Paanong ginawa mong diskarte? Nagtraining ka ba?

Meron siyang mga binigay na mga video tutorials sa akin. After nun, lagi kaming nag-uusap sa Skype. Yun yung pinaka-training ko sa kanya. For example, wala akong idea sa gagawin ko, minemessage ko lang siya.

Papaano ka nag-apply? Paano ang ginawa mong diskarte sa cover letter mo since newbie ka pa? Invite ba ‘to or ikaw nag-apply sa job post ng E-commerce?

Kasi ang hinahanap niya is data entry. Nasurprise ako nung sinabi niyang sa Amazon. Parang trinain niya ako. Then, pinakita niya sa akin yung mga basics sa Amazon nun. Kasi ang Amazon nu’n hindi pa ganun karami ang mga sellers. Unlike ngayon, marami na saka bago na algorithm ng Amazon. Nagtagal ako ng 3 months dahil nagshift siya sa distributor kasi dati dropship siya. ‘Yun, struggle na naman ng paghahanap ng client.

Habang may client ka sa Upwork, walang in the side na inapplyan ka? Parang isa lang, one at a time ka lang?

One at a time lang ako kasi wala akong kaidea-idea.

Paano ka ulit nakahanap ng next client mo after nitong 3 months mong gig kay client?

Nagshift ako ng platform, sa OLJ. Kinopy ko yung mga information ko tapos inadd  ko yung experience ko kay second client about E-commerce. Meron nakakita sa’king client. Pilipino naman siya, nasa ibang bansa. Tinuruan din niya ako, yung mga basic operation sa loob ng Amazon.

Tinuruan niya ako sa order process, sa image editing. Minsan ako na nga lang din nagreresearch sa optimization. Nagtagal ako sa kanya hanggang February 2018.

February to March, nag apply ulit ako. Wala akong nakuhang client. Nakaipon ako ng April, dun pa lang ako nag-enrol sa Bootcamp.

Late ka na nag-enrol. Tinarget mo din na makapag-enhance ka at makapag-upgrade ka ng skills mo by enrolling sa VA Bootcamp?

(Kinuha ko ay) Accelerated. Tiningnan ko yung mga content, sabi ko, “Ang layo pala nung tinatahak ko,” (base) sa mga content. Dun sa pagsali ko sa bootcamp, parang nabigyan ako ng idea dun sa mga ginagawa ko. (Naliwanagan ako). Sef-study hanggang sa inapply ko lahat ng natutunan ko sa Bootcamp. First time kung nakilala si ROPE. Hindi ko talaga maintindihan si ROPE (noong una). (Pero) effective yun. Nagtake din ako ng Hustle Challenge kaso lang sinarili ko.

Nagkaroon ako ng calendar. Everyday nagpapass  ako sa iba-ibang platforms. Maximum of two. Simula yun na ban na ako ng Upwork.

Paano kang na-ban? Nasuspend account mo kay Upwork?

Yes. Late ko na nabasa na nagbago na sila ng algorithm about passing (proposals). Nakapagsend ako ng three pero maximum pala is two (a day).

Hindi ka nakapag-appeal?

Nakapag-appeal ako pero hindi na talaga pinayagan ng Upwork kaya ginive-up ko na ang Upwork.

Nakapag-ipon ka na dahil sa pagfreefreelance mo?

Talagang nung nagtratrabaho ako, sinabi ko sa sarili ko na gusto kong magkaroon ng sarili kong bahay. ‘Yun yung naging fuel ko. ‘Yun yung naging big why ko (kung) bakit ako nagfree-freelance. Sa mga nangyayari ngayon, ang pagfreefreelance, parang laro lang din yan. Once na naumpisahan mo, kailangan mong tapusin. Nakakuha ako ng sarili kong property within one year.

Ilan ang client mo currently?

To be honest, isa lang yung client ko sa Hubstaff. Hindi ko na siya binitiwan since naiintindihan nya yung side ko as a freelancer. Bago ko nakuha ‘tong client na’to, nagstart akong kumuha ng client sa Onlinejob. Nung nakapagpass ako (ng cover letter), inaaral ko pa si ROPE saka si AIDA (pero) inaaply ko din siya. Then merong isang client na nakapansin sa’kin. Sabi niya sa akin, “Over 40 na VA, nakapasok ka  sa Top 12.”

Nashortlist ako, then dun sa 12 na yun, ako yung naging Top 1.

Anong naging reason ba’t ka naging Top 1? Anong pinakita mong kakaiba?

Mostly, dun sa cover letter lang naman at dun sa profile. Nagfocus ako kay ROPE and AIDA. Tiningnan ko, inaral kong maigi kung paano siya gamitin. Dahil nga din dun sa juices ni LJ na pinagpopost nya sa Upwork. Nakuha ko yung technique. Then, nagstart ako pero grave(yard) shift. Hindi rin ako nagtagal sa client na’to dahil pagod na’ko sa gabi. Kaya nagquit ako.

Then, nameet ko ‘tong client ko sa Hubstaff na tinuruan din ako sa E-commerce inside Magento. Habang tumatagal, nagkaroon ako ng learning sa kanya kasi nagkakaroon din kami ng mga open forum. Then, binibigyan din niya ako ng mga tools ko. Tulad niyan inupgrade niya yung computer ko. Nitong November 1 lang, natanggap ko yung binili niyang computer key para sakin. Then ‘yung pang mga parts. Parating pa lang yung table tsaka yung chair.

Hindi ka nagrequest? Si client ang nagkusa?

Siya na nagkusa kasi sabi niya sa’kin, sa lahat ng naging VA ko within 5 years, ikaw lang binigyan ko ng ganyan dahil meron akong nakitang value sa’yo. Yun yung pinakatreat (nya sa akin).

Hindi naging madali yung naging position ko kasi from (E-comerce to) SEO.

Nag SEO ka na? Sa’n mo natutunan yung SEO?

Yung SEO, inistalk ko si Jason Dumana. Pero tumagal naging busy na rin ako. Ako na gumawa ng sarili kong move. Nag-aral ako sa mga free course. Pinag-aralan ko mabuti yung mga proximity saka density ng mga keywords, yung mga tools na kailangan kong gamitin. Kasi nakapag-experience din ako ng product copywriter description. Kaya dun ko rin siya naenhance, nag Phophotoshop ako, ako gumagawa ng mismong image nila sa products. Nag-SEO ako sa loob ng Magento. ‘Yung store niya is isang distributor sa Ebay. Dalawang main site kung saan siya nagbebenta parang Shopify. Yun ung hinahawakan ko. Siguro next year, shift kami sa Amazon. Lumalaki ng lumalaki ‘yung (project) namin. Itong client kong ‘to, marami akong natutunan. Sinasabihan niya ako na sa mundo, merong dalawang VA, yung isa maghahabol ng trabaho, yung isa hinahabol ng trabaho.

Sa’n ka dun?

(Hinahabol). Andami ko na ring decline (ng invitation) using my profile. Kaya sorry na lang.

More on Hubstaff ka din ngayon. Wala ka na sa Upwork?

Wala na ako sa Upwork.

Anung masasabi mo sa ating manonood na wala na sa Upwork?

Parang dalawang tao lang yan, yung isa hindi nakatapos ng 4-year course sa college. Yung isa natapos lang is yung 6 months. Hindi binase sa pinag-aralan ‘yung ability mo, nasa diskarte pa rin yan kung paano ka magtrabaho. And, yung perseverance mo na kahit gaano kahaba, gaano kahirap yung (pinagdaanan). Sabi nga nila, kung matalo ka man, matatalo ka pero hindi ka magququit.

Kasi matatalo ka, babangon ka ulit. Pero pag nagquit ka, hanggang dun ka na lang. Kalaban mo rin sarili mo, yun yung main point ko diyan. Kalaban mo sarili mo, kalaban mo utak mo. Kasi once na prinogram mo ang utak mo na, ganito ka na lang, wala kang mararating.

Nakita ko yan sa isang post sa Facebook na merong dalawang magkaklaseng nagkita after 10 years. Yung isa successful teacher, yung isa successful vendor. Then tinanong nung fishball vendor kung magkano sinasahod ng teacher, P18,000 a month. Nagtanong yung teacher sa fishball vendor kung magkano kinikita mo sa pagfifishball. Within a day, kumikita siya ng kulang kulang one thousand. Pero meron siyang tatlong fishball cart. (Total) three thousand a day yung kinikita niya sa kafifishball. Itimes mo yun sa 30 days.

Nasa diskarte lang yan kung paano mo ifufuel ang sarili mo. Ako ang nangyari sa akin. Nagkaroon ako mga burning desire sa sarili ko and hindi ko inalis yun fighting spirit. Yung willingness kong matuto. Kahit na may alam na ako, still learning pa rin kahit may alam ka na sabi nga ni Shanti.

Sabi nga, “There’s a point in everybody’s life when you have to make a decision to change.” Like in my story, you decide whether you rise or fall. So never give up. If something in your life needs to change then just do it. Take a leap at the problem. Step out of your shell or your comfort zone because time is precious and life is short. You only have one life, so live it. You never ever settle. You must believe in yourself because when you confront your challenges, makikita mo yung success pag nandito ka na. Naging successful ako sa mga VA Bootcamp students dito sa Tarlac. Nakita ko yung success ko sa kanila.

Naextend mo yung mga learnings mo sa ibang tao?

Nahandle ko si Joy. Nung una takot siyang makipag socialize hindi niya alam ang gagawin niya nung natapos siya nung VA Bootcamp. Binigyan ko siya ng 30 days advice. Within 30 days, nagkaroon siya ng client. Until now client pa niya. Then, si Sherilyn. Siya naman, dahil sa desire niyang magkaroon ng client, pinasok niya kahit internship. Binigyan ko siya ng mga advice. Aral ka lang ng konti then take mo yung 30 days challenge. Then, ‘yun nagkaroon siya ng client. Alam ko, dalawa.

Dun sa dalawang yun nakikita ko yung success ko sa kanila. Parang nakikita ko yung dating ako. Kung naaalala niyo yung time na nagpatulong ako sa inyo, Miss A about dun sa payment ko. Parang naging (motivation) ko na rin yun, sabi ko, “Once na ako rin maging successful, tutulong din ako sa iba.” Everytime na nagcocommute ako around Tarlac lagi kong pinagprapray na “One day, lahat ng tao dito magiging successful.” Which is magiging possible yun kasi nangyari sa akin yun.

Gusto mong iconvert silang maging online freelancing?

Hindi applicable ang freelancer sa lahat. Mamimili lang ako ng mga interesado. Yung merong characteristic na (kapareho ko). Once na nagkaroon ako ng (pagkakataon), parang pasalamat ko din yun na meron akong achievements dito sa Tarlac.

Dun sa client mo, magkano rate mo? Pwede mo bang sagutin yun?

Client ngayon? $4/hour kasi binase ko rin naman dun sa experience ko.

Ano working hour mo, 40 hours per week? Ilan ang limit ng time mo dun sa pagwork sa kanya?

Ang kinaganda pa nito, hawak ko yung oras ko nakaopen yung Hubstaff ko. Wala akong limit. Kung 8 hours ka, kailangan mo rin ibalance ung rate mo sa work mo. Parang makikibid ka. Makikinegotiate ka. Once na mataas yung (rate) mo, for example nasa $20 an hour ung rate mo as E-commerce, masyadong mabigat. Naalala ko question sa’kin ni client, “Ano bang trabaho mo sa amin?” Unang sagot ko is Virtual Assistant. Sabi niya, mali daw. Ang trabaho ko daw is maglead ng sales. Yun yung pinaka inspiration sa akin.

Interested po ako sa E-commerce, any tip na pwedeng araling on starting this niche? Ano pa ang ibang pwedeng aralin?

Siguro magstart ka muna sa product lister. Depende rin sa’yo kung ano yung may idea ka. Lalo na kung mag-eenrol ka sa Accelerated, merong E-commerce dun. Kung gusto mong magkaroon ng idea, dun ka pumunta. Kapag (tapos) ka na dun, mag-collaborate tayo and baka pwede kitang iguide.

Marami ding free course sa Google, magsearch lang kayo. Kung gusto nyo magkaroon ng idea, itarget nyo lang yung parang pinaka-marketplace na gusto niyo. For example, sa Shopify, sa eBay kasi iba-iba ang algorithm niyan.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

116 comments on “TESDA Graduate to Successful Ecommerce VA - An Interview with Alvin Candelasa”

  1. I'm extremely pleased to discover this page. I want to to thank you for your time just for this wonderful read!! I definitely liked every bit of it and I have you saved as a favorite to look at new things on your web site.

  2. I truly love your site.. Excellent colors & theme. Did you create this amazing site yourself? Please reply back as I’m wanting to create my own personal site and want to find out where you got this from or just what the theme is named. Kudos.

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram