Uumpisahan mo na sana ang tasks mo kay client nang biglang, “Mommy, laro naman tayo.”
Or maaalala mong oras na pala para magluto ng lunch.
It's true that work-at-home moms (WAHMs) get to live the best of both worlds, pero nasa atin din ang challenges of both worlds.
So anu-ano nga ba ang mga tools na makakatulong sa ating everyday life?
Bilang isang mommy freelancer, wala kaming yaya sa bahay dahil gusto kong maging hands-on sa pag-aalaga ng aming 4 boys. Kaya aaminin kong the struggle is real talaga sa pagma-manage ng freelance business.
Syempre, priority natin ang pamilya. Pero di rin naman pwedeng deadmahin nalang si client at ang 5-star feedback ‘di ba?
Bilang isa sa mga panel speakers nung The Freelancer Fair 2018, someone asked kung anu-anong mga tools or apps ang ire-recommend ko para sa mga WAHMS.
Sa sobrang kaba ko 'nun dahil sa dami ng audience, kung ano nalang ang mga naging sagot ko.
But after the event, I realized na madami pala akong na-try na tools upang mapadali ang buhay ko bilang isang freelancer. Pero selected lang ang naging favorites ko bilang isang nanay.
So I decided to share a list of my favorite tools dito - sana’y makatulong ito upang mapagaan ang buhay ng ating mga mommy readers.
Dahil sa tuwing madali nating natatapos ang mga tungkulin sa bahay at sa clients, mas magkakaroon tayo ng time para sa ating kids at hubby, and of course, sa ating mga sarili rin.
I will divide my list into 2 categories:
Favorite ko toh dahil napapadali niya ang pagmu-multitask nating mga moms.
Ilagay mo lang rito ang mga lalabhan at isang scoop ng detergent, then paandarin.
After mga 20-30 minutes, magbi-beep na siya if kelangan nang lagyan ng fabric conditioner. Marami kang pwedeng gawing tasks or chores habang umaandar ito.
Pagkatapos, tutunog ulit kapag handa nang isampay. Wala nang piga-piga or anything, super sulit siya sa oras.
2. Slow Cooker
Pasok din sa usapang automatic ito.
Google ka lang ng slow cooker recipes (example, adobo slow cooker). Ilagay lang lahat ng ingredients sa cooker, turn it on, leave for 4-6 hours, then may ulam na kayo!
Mas malambot and malasa pa yung meat kapag niluto rito.
Suggestion ko is, habang naghahanda ng breakfast sa umaga (in my case, 5:30AM kapag pasukan), paandarin mo na rin si slow cooker.
Pwede kang mag-work or gumawa ng iba pang gawaing bahay. By 11:30 AM, handa na ang pang-lunch.
Hindi rin siya maaksaya sa kuryente, equivalent lang siya ng ilaw na iniwang bukas for 6 hours.
Isasali ko na lang din ito bilang runner-up, hindi ko pa kasi nata-try ito and nasa wishlish ko pa lang siya.
But imagine, paandarin mo lang din and siya na bahalang mag-vacuum ng floors in the background?
Malaking oras din ang mase-save nating mga nanay. Nagbabasa-basa pa lang ako ng mga reviews about nito and nasa P15,000 lang 'tong model na nasa picture.
Ginagamit niyo ba ang online banking app niyo para magbayad ng bills?
If hindi pa, i-try niyo. May selected bills na rin na pwedeng bayaran gamit ang GCash or SmartMoney.
Super tipid siya sa oras at hindi niyo na rin kelangan ma-stuck sa traffic at pumila sa mga service centers para lang magbayad.
Grocery list. To-Do List. Don't Forget List.
Sa dinami-daming lists nating mga moms, kelangan na rin natin ng ultimate list para maalala silang lahat. For this purpose, I keep all my lists in Google Keep.
At least, nasa iisang lugar nalang silang lahat at alam ko na kung saan hahanapin if may need akong i-check.
Mahirap kumita pero super daling gumastos ng pera. Kaya para sa ating mga supermoms, dapat may budget tracker rin tayo.
Madami namang pagpipilian sa App Store or Playstore niyo sa phones, but I like Monefy dahil simple and straightforward lang siya gamitin.
Click niyo lang ang corresponding buttons to add an Income or an Expense, select ka lang ng Category and makikita mo na 'yung spending and saving activities mo for the month - very helpful talaga para mapadali ang pagba-budget!
Bilang mga sarili natin ang ating boss, mahalagang nata-track natin ang lahat ng tasks, meetings, trainings, at deadlines.
I like using calendar apps for this purpose. Pwede kang mag-set ng reminders or mag-plan ng weekly and monthly schedules rito.
You can also time-block specific hours para sa pagta-trabaho or para sa family time.
Para sa'kin, mas effective kasi ang time management kung nakaka-zoom in and out ka sa mga nais mong maachieve every week and every month.
Madaming mga clients ang mahilig gumamit ng Trello board para sa project management, kaya naging favorite ko na rin siya.
Isang simpleng Kanban board lang si Trello, but napaka-effective niya para ma-visualize mo ang iyong workflows and processes.
Pwede ka rin gumawa ng personal Trello board mo para sa mga projects/gawain sa bahay. 😉
I like using the White Noise App dahil nakakatulong siya na makapag-concentrate ako while working. But based on their site, helpful rin pala ang white noise upang magpakalma at magpatulog ng mga babies.
Honestly, di ko pa siya nat-try dahil 6 years old na 'yung youngest ko. But this is worth a try para sa mga mommies with toddlers.
Kapag dumami na si client at mga teams na sasalihan mo, medyo nagiging overwhelming at time-consuming ang iba't-ibang messaging apps na dapat mong i-check every day.
Malaking tulong si Franz (app) para rito.
Using this app, pwede mong i-connect ang different messaging accounts mo para sa iisang lugar mo na lang iche-check lahat ng notifications mo. Ayos, 'di ba?
Syempre, hindi mawawala sa listahang ito ang isang Pomodoro app.
Dahil 24 hours lang talaga ang meron tayo bawat araw, dapat ma-maximize natin ang bawat minuto para sa mga mahahalagang bagay. Sa bawat minuto kasi na nag-procrastinate tayo, nagkaka-chain reaction at maaapektuhan ang oras mo para sa pamilya, kay client, or sa sarili.
Kaya madalas, kahit hindi ko siya feel, ini-ON ko si Tomighty app. Mag-uumpisa siyang mag-countdown ng 25 minutes at dapat sa loob nito, makakatapos ako ng isang task (or part ng task).
May 5-minute break after ng 25 minutes. At madalas, after 4 sets (or 2 hours), magpapahinga na ako or gagawa ng ibang gawaing hindi na nakaharap sa computer or cellphone.
So mga mommies, which of my faves ang ginagamit niyo na?
Alin naman ang bet niyong subukan?
Kung may fave tools or apps din kayo na gustong i-recommend, let me know in the comments below para ma-try ko rin. 🙂 Stay awesome, mga wahms!
Slow Cooker!
hmmm.. i envy you being able to do all those.. im a working mom with a 6mo. old baby.. i've been trying to cope up with my time to do freelancing (actually, still on va bootcamp modules, i still can't get it done =( and i think i've already forgotten the previous lessons =( =( ) while finishing my reports to my boss, and attend my baby's needs, where everything stops whenever he ask for attention (^_^). I just hope there's a robot who could replace my role, only when i need to.. but its too impossible and nakakatakot din siguro=> i just keep on reading your posts and other freelancers on our fb group to keep my self inspired and keep moving, kahit feeling ko napag iwinan na ako ng iba.. still hoping that someday i could work on this on my right time, as the saying goes (^_^) God bless to us all!