Office Staff Gets Fired, Regains Confidence as a Real Estate VA

June 2, 2021
by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.
Subscribe to updates
Get updates of interviews and tips via email


Powered by the Simple Social Press

You probably know this.

Millions of Filipinos lost their jobs during this pandemic.

That includes Mark.

Nawalan siya ng trabaho dahil sa COVID.

This ignited his desire to work online as a freelancer.

And he needed to make this work.

Why?

Because he only had P4,000 in his wallet.

Know what he did?

"I enrolled in the VA Bootcamp Skills package last December 15, 2020, for 3900+. I remember the date and cost because it was the only money I have at that time."

It pushed him to 'try harder' kasi sayang yung 4k niya.

"Might as well isagad ko na yung effort ko."

After submitting 30 cover letters, he received less than 5 answers.

Out of those 5, he was scheduled for an interview 3x.

Then, one of these prospects gave him a job offer.

Boom!

He now works as a VA for a small business specializing in real estate.

Curious to know how he landed his first online job?

Does he use any tactics or magic?

Office Staff Gets Fired, Regains Confidence as a Real Estate VA - JasSuccess Interview 6/2/2021

Introduction

Millions of Filipinos lost their jobs during this pandemic. That includes Mark. This ignited his desire to work online as a freelancer. He needed to make this work. Let’s find out his tips and tricks on how he landed his first online job as a Real Estate VA. 

Notable Quotes

  • Yung po yung VA Bootcamp po sakin, yun sha po yung nagbigay ng confidence. May skills naman po ako, alam ko sa sarili ko yun. Tapos nakapagtrabaho na ako . Ang confidence lang po talaga yun po yung bagay na magpapabago sa career mo. Kasi po kung kaya mo yung trabaho pero wala kang confidence, papalpak at papalpak ka.
  • Marunong lang silang makinig at saka sumunod sa instructions kayang kaya po nilang gawin din. Kahit po hindi sila techy sa computer basta marunong lang sila sa instruction tsaka po pag natanggap kayo kelangan niyo po marunong din kayo sumunod sa instruction kaya dapat matutunan niyo na yun maaga palang.
  • Sabi nga nmn po ni Coach Jason naman po dun sa pre video palang. Kaya mong lahat matutunan to kahit hindi ka mag enroll sa VA Bootcamp. But ang kailangan mo sa VA Bootcamp is yung presence ng ibang tao. Yung magpupush forward sayo. Which is very important po.
  • Kailangan makita ng client na confident ka sa sarili mo. Papano ka niya ihahire kung hindi ka confident dba?
  • Makakakuha din po kayo ng mental support po sa group. Napakaganda po nun, yung may mga taong nagiinspire tsaka kung down ka feeling mo hindi mo kakayanin yung course, hindi ka matututo, hindi ka matatanggap sa trabaho. Basta magpost kalang sa group may taong magsusupport sayo. Ang daming tao pong nagsupport sakin dun.Confidence po talaga eh, susunod nalang po yung mga ibang bagay. Pag confident ka na sa sarili mo magiging confident kana sa paggalaw. Yun lang po.
  • Mag approach ka. Ipakita mong interesado ka dun sa kausap mo, yun. 
  • Alam niyang kaya kong gawin yung papagawin niya. Yung po rin po yung maipapayo ko sa ibang tao. Alamin niyo po yung trabaho na pinapasok ninyo.
  • Kapag sumahod ka, itabi mo yung kalahati. Pagkasahod mo, unang araw ng sahod mo, itabi mo yung kalahati, isavings mo na yun. Yung kalahati bayaran mo lahat ng babayaran mo. Yung matira yun lang yung gastusin mo. Makakaipon ka.
  • Ang paraan lang para kumita ng pera is magtrabaho. No. Kaya mong kumita ng pera with passive income. Maraming source ng passive income. So, kahit kayo na po magsearch. Madami po.
  • Magsimula lang po kayo sa maliit na testingin niyo yung sarili niyo. Unti unti po, lumabas po kayo sa pagiging mahiyain atsaka wag niyo pong masyadong isipin na yung iisipin ng iba. Kasi po kayo lang po makakacontrol sa sarili niyo. Kung ano po sabihin nilang negative. Wala pong magagawa sa sarili niyo yun, kung tama ang gagawin niyo.

Journey to Freelancing

 

  • He took college for six years. His diploma is just two years. He took up Accountancy for two years and shifted to Business Administrative for two years. He wanted to get a diploma so took up a Secretarial course for two years.
  • Since he only graduated from a 2-years course, he didn't have the confidence to apply for jobs. He was feeling down and socially awkward. He worked as a sales clerk and then transferred to a call center. Then eventually ended up in an office job.
  • Then the pandemic happened. The office had to downsize employees to keep the business afloat. He was one of the employee downsizings in Oct 2020. 
  • He enrolled in the VA Bootcamp on December 20, 2020, and got a job on January 20, 2021, exactly one month after.
  • Having lost his job, he was feeling down with low self-confidence. He knows he can do the job but has no confidence in himself. VA Bootcamp helped him gain his self-confidence. He has also helped land his sibling a job as a photo editor. 

Question and Answer

How was the experience of going under the wing of Doods? How was the experience of being coached under VA Bootcamp?

Very very very special po. Kasi po ang unang tinuro po niya sakin is like what I've said kanina confidence po. Ang tinuro po niya sa akin ay tawagin ko sya sa pangalan niya. Kasi ang dati po nung nagchachat ako sa kanya sabi ko sir.  Kung tatawagin mo ako, you need to call my name. Kasi kailangan makita ng client na confident ka sa sarili mo. Papano ka niya ihahire kung hindi ka confident di ba? Kaya napractice ko po, napractice ko sya.  Nag-usap kami na  every once a week magko-call kami, parang practice interview po, video call.  Mag-uusap lang kami, confidence test lang. Para masanay lang po. Kung interviewhin man ako in the future alam ko na, para mahasa.  Which is very effective po. Kasi yung mga future cover letters ko, napapansin  ng clients tapos yung sagot ko confident talaga kaya, tanggap.

Paano mo natagpuan si Doods? How were you able to discover Doods as your coach?

I discovered Sir Doods as mentor in the facebook group. You can just ask for help or kung may nag-ooffer, mag abang abang lang po tayo at makakakuha din kayo ng mental support sa group. Napakaganda nun, yung mga taong nag-iinspire at kung down ka, feeling mo hindi mo kakayanin yung course, hindi ka matututo, hindi ka matatanggap sa trabaho. Basta magpost kalang sa group may taong magsusupport sayo. Ang daming tao pong nagsupport sakin dun. Yung feeling down na down ako, hindi ako nahahire dalawang linggo.

I love that you mentioned this part na maraming tao nagsusupport sa iyo because in the beginning you did say that you were socially awkward. That to the point na, you were at a disadvantage when you were an office staff. Let me ask you, gaano ka ba ka-socially awkward, no friends at all, hindi ka nakikipag-kaibigan, was it difficult for you to communicate with your officemates?

I can talk with them, but I don't approach first. Hindi po ako yung lalapit na makikichika, makikigulo sa kaguluhan nila. Ganun po ako. Kaya nahirapan po ako.

How were you able to change that? Kasi pagpasok mo sa VA Bootcamp, a lot of people will be bombarding you with questions like kamusta ka na, welcome to the family, mga ganyan. How were you able to overcome this shyness that you have?

Confidence po talaga, susunod nalang po yung mga ibang bagay. Pag confident ka na sa sarili mo magiging confident kana sa paggalaw. Yun lang po.

Can you tell us more on how you were able to, yung mga step by step na process mo on how you were able to gain your confidence?

I think smile first, then try to keep the conversation going. Ang pinakaimportante siguro yung pinakanatutunan ko, mag approach ka. Ipakita mong interesado ka dun sa kausap mo.

Natutunan mo ba yan sa VA Bootcamp? Because I know marami sa mga VA Bootcamp students natin etong madaldal, weren't you overwhelmed?

Actually hindi ko po nagamit yung first na nagregister ako sa package. Hindi po talaga ako nag-oopen ng facebook group natin. Nung nahihirapan na ako, yung feeling ko hindi ako matatanggap. Nuon lang ako nag-open ng facebook group.

Can you tell us more about your experience after your skills package and then yung sinabi mong nahihirapan ka mag apply?

So sabi ko nga po kanina, one week akong nag-aral ng skills package. Tapos yung two weeks na pagitan, two weeks under ako ni Sir Doods. Nagmi-meeting kami once every week. Pero nag-aapply apply ako. Kasi tinanong nya ko. Ano ba ang plano mo sa pag-aapply, once every week o kung ilan lang ang kaya mo. So ang sagot ko naman, isa lang. Once every week, ita-try ko, hindi ako nagbigay ng effort na mag-apply. So hindi ako natatanggap. Hindi ako napapansin ng mga client. Yun talaga, kaillangan mag-effort. Pagkatapos ng final week, dun na, kasi wala na akong pera di ba po. Nabili ko na ng package, may internet pa ako. Sabi ko, pag hindi ako natanggap wala na. Cancel na yung freelancing, cancel na yung internet. Tambay ako sa bahay. So, within one week na iyon, yung 1 2 3 na days. Nag apply ako sa Onlinejobsph at sa Upwork. Sa Upwork di ba meron pong mga connects connects? So limited lang yung chances mo na makapag apply. Which is sa Onlinejobsph naman po, you can apply ten times a day. So dun po ako sa Onlinejobs nagfocus. Everyday lahat yung sampung times na yun, mina-maximize ko, kinuha ko lahat-lahat ng makikita kong maganda, inapplyan ko. So, yung pangatlong araw po, may nakita akong post na kailangan nila ng assistant. No experience required basta marunong kalang sa grammar at marunong ka mag edit ng video. So sinunggaban ko agad yun. Ang nangyari po may training. Sabi ko sa sarili ko peke ba ito, scam ba ito? Baka gagamitin lang ako nito. Pero sinubukan ko pa rin po. Thankfully totoo po sya. Laking tuwa ko po nun nagreply sya. Ang sabi, I passed the first test, second test na, natanggap na ako kung papalarin. Tinanggap po niya ko Sir. Ako po yung pinagpresyo ng sahod ko. Sinabihan niya ako na akong bahala ng oras ko. Hindi niya ko nilagyan ng 8-5, 9-5. Basta po ang importante sa kanya matapos ko yung trabaho ko. Napakahappy ko po dun sa contract na yun.

Anu-ano po ba ung tasks ng Real Estate VA? Anu-ano yung mga pinagawa sa iyo?

Sir sa ano niya ako nilagay , pinaghandle niya po ako ng accounts nya. Hindi nya po ako pinag aaano ng importanteng mga papel papeles nya. So ang ginagawa ko lang po is ako yung naghahandle ng accounts nya sa Instagram at saka sa website. Ako nag uupload lahat, pati sa tiktok ako nag eedit ako nag uupload.

Until now yan pa rin ba ang client mo?

Opo, eto pa rin po sya. Stable po sya , longterm po ang gusto nya.

Sabi mo nuon, 2018 mo pa narinig ang VA Bootcamp. Why did it take you that long? Ilang beses ka ng kinakalabit ni VA Bootcamp kumbaga. Ilang beses ng uy, Mark, sali kana dito. Ilang beses kana, from 2018 until Dec. It took you until Covid, until nawalan ka na ng work and even nung nawalan ka na ng work, naghanap ka pa rin ng work offline. So why did it take you that much to be convinced to join us?

Kasi wala naman po akong alam sa freelancing nung time na yon. So, hindi po ako tiwala. Yung totoo lang hindi po ako tiwala sa freelancing dati. Kasi po wala akong alam. Wala po akong alam sumali sa freelancing. Paano kung scam, paano ako papasahurin nito. Parang paano ako kikita dito, paano kung hindi ako bayaran. Mas secure yung offline na trabaho kesa sa online nung panahon po na yon. Nagka-Covid kaya no choice ka talaga.

It seems to be like ayan yung pattern mo, yung, pag desperate kana, dun kana gumagalaw ng full blast. It seems to me like, ang pattern mo. Does it take that much? Have you learned something from that experience?

Kasi po parang hindi po ako masyadong driven forward. Ngayon lang po talaga ako nagsisikap mabago yung sarili ko.

Do you also prepare documentation like contracts and deeds of sales?

Hindi po ako humahawak ng mga ganyang papel namin. Pero ang ano po kasi namin is house hacking. So ang general  bibili ka ng bahay. Uutang ka sa banko ng pambayad tapos papaupahan mo sa ibang tao. So in general ang magbabayad po is yung umuupa. Kunwari po, bumili ka ng bahay na halagang 2 million babayaran mo sya ng example lang mga 5,000 a month. So hahanap ka ng rerenta na magbabayad ng 6 thousand a month. So yung 5,000 babayad mo sa banko. Yung 1 thousand sayo. After mga 10 years 20 years, sayo na yung bahay wala kang ginastos. . Kaya po hindi po niya ko pinapahawak ng mga papel.  Mga account na pinopost niya lang po sa social media nya.

And the fact that you were able to give a contract to your sibling. Pano mo nagawa yun?

Yung time po kasi na yun, naghahanap po talaga siya. Nabanggit niya lang po sakin na in the future maghahanap po sya ng graphic designer. So naalala kong mahilig mag edit ng mga picture picture yung kapatid ko. So nirecommend ko sya. And actually hindi nya pinag-test yung kapatid ko, hindi na rin siya hiningan ng ano, hinire nalang sya agad kasi nagtitiwala sa akin yung boss ko.

Good that you mentioned tiwala. Because I'm surprised it seems like na, may trust nga, yun nga may tiwala nga si client sa iyo. How were you able to achieve that?

So before ng first day of work ko. Binasa ko na po lahat nung tungkol sa website nya, sa business niya. Prinipare ko na po yung sarili ko. Lahat po ng mga keywords na ginagamit nila pinanuod ko yung Instagram nila, alam ko na. So first day of work palang tuwang-tuwa na sya sakin. Alam niyang kaya kong gawin yung ipapagawa niya. Yung rin po ang maipapayo ko sa ibang tao. Alamin niyo po yung trabaho na pinapasok ninyo.

I like that you have initiative. Dahil pumasok ka kay client na sinabi mo naman na wala kang experience. Right? Pero sabi naman niya it’s okay kapag walang experience you got training para alam mo na kung anong gagawin mo. And yet you did more, you delivered even more than what is expected. Did you learn that from VA Bootcamp or is that really just the way you work?

I read that. Nabasa ko sa Blog. Magbasa kayo sa blog ng VA Bootcamp. Napakarami pong articles na napakaganda at makakatulong sa career ninyo. Nasa comments lang po yun, hanapin niyo na lang.

I was expecting na parang Doods hammered it down to you. Hindi ba masungit si Doods, yung Coach mo?

Hindi po. Approachable si Sir Doods. Approachable na approachable po sya.

It's nice that you still said Sir kasi that is a habit that we really have to break. Specially tayong mga Pilipino, nasanay na talaga tayo sa Sir and Ma’am. How difficult was it to break that habit?

Matagal po. Pero kapag kausap ko talaga si client sinusubukan ko wag syang tawaging Sir. Kaya hanggang ngayon hindi ko sya tinatawag na Sir. Pangalan lang talaga niya. Kapag Pilipino lang talaga ako nakakapag Sir.

Naranasan mo na itong maging VA. How do you compare it to your experiences outside working online?

Napakagaan po mag-VA, sa totoo lang. Pagkagising ko sa umaga, upo lang ako nasa computer na ako. Pwede ako magtrabaho, pwede ako magkape muna depende sa iyo oras mo. Kaya wala ng hassle na trapik wala ng ganun. Saka ang problema pa hindi mo kailangan mag isip ng susuotin. Yun po talaga yung nakakatuwa po dun. Kasi nasa bahay ka lang. Kapag papasok ka ang dami mo pang iisipin.

Yung communication mo to people, have you gathered friends here in VA Bootcamp finally?

I don't still. Hindi pa rin po ako mahilig magchat chat. Still.

Wala bang VA Bootcamp members na nag-approach sa iyo, nangungulit sa iyo, messaging you, uy punta ka naman sa group natin, makisalo ka naman. Wala bang nag-iinvite sa iyo ng ganun?

Wala naman po. May mga nagtanong, may humihingi ng tulong, nagtatanong ganun po.

Are you comfortable where you are right now?

Very, very po, very. Ibang iba po talaga compared mo dun sa offline work.

Something that I also want you to talk to us more about is yung process mo dahil 6 years ka sa college. Studying 2 years course and it seems like it put you at a disadvantage pagdating sa part na naghanap ka ng trabaho. You gave as a quick story about your employment. You went up and down and up and down. Itong educational background mo, how did it affect your freelancing career?

Hindi naman po sya hinanap. Hindi din nga po hinanap yung school ko kung saan ako nag-graduate. Ang hinanap lang sa akin kaya ko ba, yun lang po yung importante sa client.

Did you ever feel that you are at a disadvantage since yun nga, iba ang educational background mo compared to a lot of us?

No. Not after I learned VA Bootcamp. What I learned from VA Bootcamp and after I went under Sir Doods Tecson. Yung confidence ko po talaga is vooom.

Tell us more about your confidence level before joining the VA Bootcamp family?

Dati  siguro kapag hindi ako makatingin sa boss, kunyari sa boss ko sa offline. Hindi ako titingin. Opo, opo, opo lang po. Pero ngayon, no. Nakikipag-usap na ako sa boss ko. Offline yung before sa office staff at itong sa client ko in the US, kaya ko ng makipagtitigan.

I am wondering why hanggang ngayon medyo closed ka pa rin. Do you intend to be more open in the future?

I plan to. Siguro yung mindset na lang talaga is nakatanim nung simula pa. Kaya unti-unti lang talaga mabago dapat.

May curiosity ako, because we are talking about real estate here. And then, it so happened na yung PDF na ibibigay mo is also about real estate with saving money. Ito po ladies and gentlemen, Mark is giving away a gift, a PDF copy of how to save money, to buy your first house. Talk to us about this, how did you come up with this PDF? Marami ka bang natutunan dito sa real estate?

Yup, nag-think po ako dyan. Dami ko pong natutunan dyan. Nagising po ako sa pagtitipid. May tinuro po sya, kasi di ba ako yung nagpopost tapos nag-eedit din ako ng video niya. So napapanuod ko lahat ng mga sinasabi niya, naririnig ko, natututo ako. Isa po sa tinuro niya is, kapag sumahod ka, itabi mo yung kalahati. Pagkasahod mo, unang araw ng sahod mo, itabi mo yung kalahati, isavings mo na yun. Yung kalahati bayaran mo lahat ng babayaran mo. Yung matira yun lang yung gastusin mo. Makakaipon ka. Ako nag-iipon na ako ngayon, plano ko rin bumili ng bahay.

Nagising ka kamo, how were you before you learned this from your client?

Ang paraan lang para kumita ng pera is magtrabaho. No. Kaya mong kumita ng pera with passive income. Maraming source ng passive income. So, kahit kayo na po magsearch. Madami po.

Ang ganda niyan. What did you say from the beginning? You work as you live? Yun ba ang motto mo nuon, before you met your client?

Work as you live.

Kasi yung passive income that doesn't really come to mind kung ang sahod mo eh kasyang kasya lang. Right? So how are you able to convince yourself the fact na kapag minsan yun nga eh, yung sahod natin e saktong sakto lang. Paano mo naman masasabi na i-save mo yung kalahati, bayaran mo ang utang mo sa kalahati. Yung saktong sakto na nga lang.

So yung ano po dun is mag-twenty percent ka nalang. Tanggalin mo yung mga luho luho mong mga pagkain. Pwede ka namang kumain ng iba, bakit pa yung mahal ang bibilhin mo. So alam mo namang gipit kana ang gusto mo pa  yung mahal. Ano lang po yun, isa po yun sa mga sinasabi ng client ko. Natutunan ko lang.

Let's talk about discipline here. Paano mo mai-implement itong nasa PDF mo because it definitely requires discipline. You have to change your mindset. How does one do that?

Hindi naman po sya agad agad. So uunti-untiin ninyo lang po sya talaga. Process po sya. Kung yung goal ninyo is napakatindi. Yung passion ninyo sa goal, yung pagbili nga po ng bahay is naglalagab-lab yung passion ninyo. So pipilitin ninyo yung sarili ninyo baguhin. Para kahit ngayong sahod na ito, hindi ako gagastos sa luho ko. Hindi ako kakain ng Jollibee. Kasi karaniwan  pagsumahod, uy sahod, Jollibee ako kasi ngayon sahod. Minsan lang ako sumahod. Minsan lang ako makakain ng masarap. Patay na ang sahod.

Compared po sa old work ninyo ilang beses po itinaas ng sweldo as VA?

Mga 3.

Kumusta ang lifestyle mo ngayon compared to before?

Napakagaan po ng trabaho ko ngayon. Kaya ko matulog ng tanghali at gagawa ako ng hapon. O kaya kapag napatagal ang tulog, ang gising ko ng umaga ay 9 o 10, kaya ko syang gawin hanggang gabi walang problema.

How much knowledge did you learn within your 6 months of contract with your client?

In regards real estate po, napakadami talaga. Ang dami kong natutunan na mga technique at mga tips. Kaya talaga pong nagbabago ang mindset ko sa araw-araw. Savings, mga ganun po.

Let me ask you Eugene, itong contract mo na ito, since you went under training, was it a difficult process for you?

Hindi po. Alam ko na po talaga yung gagawin. Pinag-eedit lang niya ko. Marunong naman po ako mag-edit, mag upload. Kasi naman po Pilipino techy naman po yan sa social media. Kaya easy easy lang po talaga ang trabaho. Tinuruan lang niya ako mga 1-2 days, okay na. Pinabayaan nya na ako.

Ano ang greatest growth mo na masasabi na binigay ng freelancing career mo now, personal at professional growth?

Sa personal po, I can say that confidence ang pinaka malaking growth ko talaga. Sa professional naman is knowledge about real estate. Nakapag-search pa ako ng mga loans ng pwedeng kuhain para kapag bibili ng bahay. For example sa Pag-ibig. Kung ang bahay na bibilhin mo is mga 1 million lang. Kaya mo, basta ang sahod mo ay mga 12k pababa kaya mo pong kumuha ng Pag-ibig. Basta po bayad lang yung mga binabayaran monthly. Yun po. Basta okay yung ganun po. Makakakuha ka sa kanila. At may mga pabahay po sila. Mura lang talaga. Depende na lang sa iyo kung anong dream house mo.

Let me ask you, anong malaking masasabi mo when it comes to self confidence? What knowledge can you offer to our audiences? Dahil mukhang yun ang gusto mong ibigay sa mga audiences natin ngayon.

Magsimula lang po kayo sa maliit na testingin ninyo ang sarili ninyo. Unti-unti po, lumabas kayo sa pagiging mahiyain at wag ninyo masyadong iisipin kung ano ang iisipin ng iba. Kasi kayo lang po makakacontrol sa sarili ninyo. Kung ano po sabihin nilang negative. Wala pong magagawa sa sarili ninyo yun, kung tama ang gagawin ninyo.

Follow us on Social:

by Jason Dulay 
Jason is the founder and CEO of Work from Home Roadmap and VA Bootcamp. Aside from teaching Filipinos how to succeed working from home, he likes traveling, playing board games, and drinking coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

82 comments on “Office Staff Gets Fired, Regains Confidence as a Real Estate VA”

  1. Hmm is anyone else experiencing problems with the pictures on this blog loading? I'm trying to determine if its a problem on my end or if it's the blog. Any feedback would be greatly appreciated.

Learn the Basics

Join Our FREE Virtual Assistant Course which will teach you the basics of working from home as on online freelancer
JOIN NOW
menu-circlecross-circle linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram